Blockmate

108 1 0
                                    

Kyle's POV.

"Hey!that's mine."sabay kuha ulit sa inorder niya.

"Eh sa nagugutom ako eh."sambit ni Calix habang nakahawak sa tiyan niya na parang 'Gutom Style'

"Gutom din kaya ako,umorder ka nalang kaya!"sagot ni Chase.

"Ayoko nga,ang haba-haba ng pila noh!"reklamo niya at binatukan ko agad.

"T*angina Calix tatatlo lang nakapila doon at puro mga babae,mahaba pa ba iyon para sayo?"sigaw ko sakanya.

"Sige nanga,pero gutom na ako eh hindi ko na talaga matiis."kung titignan mo mukha niya,mukhang gutom ang g*go.

"Gumawa ka nalang ng paraan pre."singit ni Max.

Tinaas pa ang kamay niya at ipinatong ang kanyang ulo sa kamay na parang nag-iisip ng gagawin.Ilang segundo lang siyang nanahimik ng bigla siyang nagsalita.

"May naisip na ako."ngumisi pa siya at tsaka tumayo para pumuntang counter.Ano namang kalokohan gagawin ng ugok na 'yon.

"Ano naman kayang gagawin ng lalaking 'yon?"tanong ni Chase na katatapos lang kumain.

"Ewan ko ba don,hayaan nalang natin."tumango nalang kami sa sinabi ni Max.

Wala pa atang dalawang minuto ay natatanaw ko na si Calix na naglalakad patungo sa lamesa namin at may hawak ng isang tray.Parang ang bilis naman ata niyang umorder.

"Salamat,makakakain na din ako sa wakas."sambit ni Calix pagkaupo niya.

"Teka,paano--"hindi na naituloy ni Chase ang sasabihin niya nang nagsalita agad si Calix.

"Kita mo tong mukhang to?"Ah,I get it.

"Oh anong meron sa mukhang yan?"maangas na sagot ni Chase sabay tawa.

"Pogi."sagot ni Calix.G*go talaga.

"Tsk.napilitan lang 'yung mga babae o baka naawa lang HAHAHAHA!"sambit ni Chase na tawa parin ng tawa.

"G*go ka yabang neto akala mo naman kung sinong pogi yuck."sigaw ni Calix sabay inom ng juice.

"Hoy Calix,ito ang tandaan mo,sa ating APAT ako ang pinakapogi."Taas naman ng confidence.

"Teka.Teka.Teka lang ha.Anong sabi mo Chase?Ikaw ang pinakagwapo sa ating APAT?"Natatawang tanong nitong si Max.

"Bakit?Aangal ka ba sa kagwapohan ko Max?"Maangas na tanong ni Chase.

"Oo,may angal talaga ako,hindi kasi 'kita sa mukha mo 'yang sinasabi mong pogi word na yan."sambit ni Max.

"G*go!mas lalo namang hindi kita sa pagmumukha mo ang salitang POGI."sigaw ni Chase.Mga baliw.

"Tumigil na nga kayo.Ano ba,parehas lang naman kayong pangit eh."nakisawsaw pa kasi 'tong si Calix 'yan tuloy puros pambabatok ang naabutan sa dalawa.

"T*nginang to,ikaw din hindi kapanipaniwalang Gwapo ka."sambit niya na natatawa pa,tska nagapir-an sila ni Chase.Abnormal.

"Malayo pre."dagdag ni Chase.

"Wait.Parang kanina ko pa napapansin na wala kang imik diyan Kyle ha,samantalang kami kanina pa salita ng salita dito."buti naman at napansin niyo?akala ko kasi kayo lang magkakasama ngayon eh.bulong ko sa sarili ko.

"Baka kasi naa-out of place kapag salitang POGI pinag-uusapan."Ako?MaOOP?Asa!Bwisit 'tong si Chase.

"Magsasayang lang ako ng laway."Cool kong sagot.

"Basic"tska ngumiti ng nakakaloko."Kasi wala kang panama sa kaPogihan ko."Taas baba kilas niyang sabi.Eh kung ayoko lang sanang madumihan 'tong kamay ko,malamang kanina ko pa to sinampolan.

You With Me (DROPPED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon