Minsan di ko mapigilang maiingit sa iba. Sa buhay na meron sila. Sa mga karangyaan na tinatamasa nila.
Nagsumikap din naman ako ah,pero bakit walang nangyari!?
Bakit heto parin ako,nagtitiis? Naghihirap?Nagpakabait naman ako? Sumobra pa nga sa bait eh. Lahat ng gusto at sabihin nila ginagawa ko naman.
Pero bakit wala paring magandang nangyayari? Puro pasakit parin at pagluha ang nararamdaman ko.
Kaylan darating yung panahon na magiging okay ang lahat. Yung wala na kong masyadong iniisip na problema. Na magiging maganda na yung takbo ng buhay naming lahat. Na hindi ko kaylangang umiyak pa dahil hindi ko na makayanan yung bigat at sakit na nararamdaman ng kalooban ko.
Umaasa ako na sana dumating na yung panahon na yon,para maramdaman ko naman yung totong kahulugan ng pagiging masaya......😔😔😔😔😔😔😔😔
YOU ARE READING
Mga Hugot Sa Buhay
PoesíaMga karaniwang pinagdadaanan ng mga pangkaraniwang tao.Mga hinanakit sa buhay,pamilya,kaibigan at puso.Kadalasang nararamdaman kapag malungkot,masaya at my malalim na problema. Ito ang hugot para sayo.