Journal ng Isang Senior-One.

223 9 0
                                    

A/N:Natuwa naman po ako sa 22 reads kagad nung Prologue.. So mag uupdate na po ako kagad ulit :)) Flashback po muna tayo sa magulong buhay ng ating bida dito XD Kilala niyo ba si Zylie? Siya ang Reyna ng Kamalasan, basahin niyo narin po, story yan ni Ate forgottenglimmer :) Kaya ko po naitanong kugn kilala niyo si Zylie ay dahil medyo magulo rin po ang buhay ng bida natin dito..Sana po ay subaybayan niyo ang story na ito at sana po ay maenjoy niyo ^__^

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hi! Gusto ko lang po ipaalam sa inyo na hindi pa po magsisimula dito ang journal natin :)

Ish-share ko po muna sainyo ang highschool life ko noong mga nagdaang taon..

Ako po ay isang normal na teenage girl lang.. Ang pangalan ko po ay Jaine Sapphire Zulueta.. Hindi  ko po masasabing mayaman kami, pero may kaya ang pamilya namin..Kaso nung pumasok ako ng highschool, nagkaroon ng kaunting financial problem..Naospital kasi si mama few months before mag pasukan..

Kaya hindi ako nakapasok sa gusto kong school, pero ayos lang, para naman makatulong ako..

Sabi ko maghanap nalang ng school na may scholarship exam..Nakahanap naman kami kaso hindi masyadong maganda yung school.. nakapasa ako sa scholarship exam, at miscellaneous fees lang ang babayaran.. books at uniform..

So pumayag nalang ako, excited na excited pa ako for the first day.. at nakagawian ko na na basahin yung mga books ko one week before the school year starts..

Kaso nung first day ko.. umiyak pa ako pag uwi, sobrang iba kasi yung naging environment..natakot ako, parang masyadong mapanganib,masyadong iba dun sa kinalakihan ko..pero dahil dun, nag grow ako, kailangan kasi naeexpose ka rin minsan, dahil dun ka titibay..dun ka lalakas..

Maraming gustong manligaw sakin noon..kaso masyado pa akong bata, wala rin naman akong type sa mga schoolmates ko o maging sa classmates ko XD

At ang ginagawa ko palaging palusot ay "MAY BOYFRIEND NA NGA AKO!KAYA HINDI PWEDE!HINDI PWEDE KASI AYAW KO!" xD sapilitan nalang, ayaw kasi paawat eh..

Hanggang sa ayun.. nahulog na nga talaga ako dun sa kunwaring "boyfriend" ko. Tulad nga ng sabi ni Craig David sa kantang Insomnia.."Never thought that I'd fall inlove love love love..but it grew from a simple crush crush crush crush" Tama, dahil po ang kunwari kong "boyfriend" ay crush ko talaga dati..well, Crush-kuno..enemy ko siya hanggang sa maging magkaklase kami..

Inapproach niya ako..hanggang sa naging friends kami..mahaba ang tinakbong panahon at naging bestfriends at mag kuya pa kami.. kahit nung unang taon ko sa highschool at hindi na kami magkaklase, anjan parin siya..Ito..hindi ito love..INFATUATION po.. masaya ako noon..kaso naghiwalay din kami dahil mahirap ang patago at nawalan din kami ng communication..

Nung first year rin ako, natuto akong makisalamuha sa iba't ibang klase ng tao..sino lang ang dapat mong pagkatiwalaan..ano ang dapat at hindi dapat, at pag sunod sa importanteng paalala sayo..

Natapos ang buong taon na iyon na masaya ako dahil sa mga kaibigan ko, ngunit hindi sapat para sa akin ang edukasyon na naibigay sa akin sa buong taon..Kaya nagpalipat ako ng school at pumayag na ang mga magulang ko, medyo nakaluwag-luwag na kami noon.. Ibinalik ako sa dati kong school at doon ako nagkaroon ng SOBRA..SOBRANG SAYA sa second year ko sa highschool..

Nagkaroon ako ng bagong pamilya..Isang bagong mama at maraming mga kapatid.. Close talaga kaming magkakaklase, at nagkaroon din ako ng ilang di malilimutang mga kaibigan..May isang napakasakit nung mawala siya sakin..hindi naman naging kami..pero ramdam ko ung paglisan ng isang kaibigan..

Noon siya ang unang nag approach sa akin, naging close kami sa isa't isa.. Siya yung hindi nagsasawang pakinggan ang kadramahan ng buhay ko at hindi niya ako hinuhusgahan ng makasasakit sakin.. Ipagtatapat naman niya yung tama at totoo..

Pero bilang KAIBIGAN, parang meron paring pagpapanig at nasa side ko siya.. kasi alam niyang malungkot na ako kaya hindi na niya dadagdagan pa yung sakit..

Dumating yung punto na hindi na talga kami naguusap at pag nagkikita kami sa hallway, parang wala siyang nakita..

Ang sakit..kasi pag may problema ako, wala na akong matakbuhan...

Pero bago matapos ang Second Year ko sa Highschool, nagkaroon ako ng bagong INFATUATION xD wala nga lang pinatunguhan.. mahirap kasing magmahal online...yung tipong nagkikita naman kasi sa personal pero hindi kayo makapag usap..sa computer lang kayo nakakapag usap, patago parin.. hay nako, INFATUATION nga naman xD

Teka teka..napansin ko lang.. pwedeng Subtitle ng story na toh ang INFATUATION ah xD hahaha!!

Nagayuma si ako. HAHA! Hindi naman po, sinapian lang, hiniwalayan ko si boypren number two para sa isang guy..INFATUATION nanaman..Third Year na nga pala ako nito..

PANSIN NIYO RIN? :DDD Yearly may boypren akong bago xD parang damit lang pang christmas party.. yearly..BAGO xD  

Maraming pinagdaanan yung Third Year life ko.. Issue sa classroom,, na outcast kasi ako..May bagong student kasi sa amin, mas maganda at mas matalino, mas mabait din para sa iba.. Ako kasi, pag ayaw ko sa isang bagay o tao,deretsahan..at may kaklase akong madalas kong makaaway, nung mag third year kami, naka claose niya yung bagong classmate..

Si bagong classmate ay crush ng bayan..

Nakalimutan ko nga palang ikuwento yung classmate ko na super close ko rin nung second year palang kami..Pakiramdam ko may Kuya ako kahit mas bata siya sakin.. turns out, may gusto na pala siya sa akin..

At nung mag third year kami, dun naman siya nagkagusto sa bagong classmate, hindi na niya ako pinansin matapos ng ilang beses na pakikipag bangayan niya dun sa naging pangalawang boypren ko..eto ang ayaw ko eh..dahils a mga ganyan..nawawalan ng kaibigan..nasasayang ung friendship..

Yung pangatlo naman..nako, napachickboy,pati sobrang bata pinapatulan..ilang beses narin yun nangaliwa, tama lang na iwan nalang xD

BOYPREN BOYPREN..PURO LAB LAB..HUG MO'KO, HUG MO'KO..PBBTEENS?!

Haaay nako..pero alam niyo, narealize ko, mas masya maging single sa mga panahong ito..Bata pa naman ako eh, I mean..hindi pa ako adult.. teen pa lang, mas masyang maging ako lang..kasi tignan niyo:

magpaganda para sa sarili= nagpapakatoo lang sa kung sino talaga ako..

magpaganda para sa iba= insecurities.. puro insecurities yan maniwala ka..

At wala ring demanding para sa oras mo, pwede mong gawin kahit anong gusto mo..Siyempre yung mga dapat lang ah,alam naman siguro kung aling ang dapat at hindi diba?

Mahalin mo muna ng lubos ang sarili mo, sigurado ako.. magiging mas maganda ang pananaw mo sa buhay, magiging mas masaya ka, at mas maskikilala mo kugn sino kang talaga :D

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:Ayan, nahabulan ko pa ng update ito :)) Bukas ulit! Inaantok na ako eh, pagiisipan ko pa po kung anong pwedeng pag usapan sa bagong chapter bukas, Good night sa mga readers, Sweet dreams! At sana patuloy niyong supportahan agn stories ko, vote at comment lang po,wag mahihiya :DDDD

O cia, wag din kayo masyadong magpupuyat, bad yan..

Goodnight na!! ^___^

Lovelots mula kay SweetGiggles :******

Journal ng Isang SeniorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon