Entry #1

3 0 0
                                    

Isa kang nakaraan na hindi malimut-limutan,
Sa bawat segundo ika'y laman ng aking isipan,
Ako'y di hamak na nalunod sa sobrang kalungkutan,
Sa isang lalaking tumatak sa'king puso't isipan.

Mga kaibigang di mapagsabihan,
Sa aking pinagdadaanan,
Dahil ako'y takot na mapagsabihan,
Mapagsabihan sa mga ginawang kamalian.

Di alam kung ako'y makakabangon pa,
Nang ika'y makita sa piling ng iba,
Masayang naglalakad at tumatawa,
Habang hawak ang kamay ng isa't-isa.

Napakasakit ng pangyayaring ito,
Ikaw ang unang inibig ng pusong ito,
Hindi mapigilang mapaluha ako,
Sa tuwing ako'y napapaisip sayo.

Sa sobrang sakit ay gustong- gusto na kitang bitawan,
Ngunit ika'y nagbigay ng rason upang ako'y may muling panghawakan,
Kailan nga bang muling magiging tayo?
Kung kailan wala na ako sa mundong ito?

Just Some Random PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon