Infatuated.
Ang salita na nagdedescribe sa estado ko ngayon. Pero infatuation lang ba talaga? I admired this Guy for almost 10 years now. Pero infatuated lang ang pagdescribe ko sa sarili ko?
Back when I was 6 years old. I met this guy na sobrang cute. He's very white. He's got chinito eyes. And brown hair. Bagong lipat sila sa bahay na katapat namin. That house was almost abandoned. Eversince nagkamulat ako ay wala ng taong nakatira diyan. Tanging ang caretaker lang. But a few weeks ago that house was known to be sold.
Napag-alaman ko na bestfriends pala ng parents ko nung highschool ang nakabili ng bahay. They visited our house that evening. At ipinakilala kami ni Kuya, I'm a very shy girl. I hid behind my father.
"Ako nga pala si Brant" he said while reaching his hand unto me.
"Pat." I said shaking his hand. Then he gave me a generous smile, and I smiled back.
Simula nun, naging malapit na kami sa isa't isa. Pero mas close sila ni kuya, palagi silang magkasama. Palagi silang nasa ilalim ng araw, naglalaro ng basketball. Pero kahit anong babad niya sa sikat ng araw, hindi parin siya nangingitim unlike kuya. Konti nalang magiging baluga na siya.
Palagi rin siyang tumatambay sa bahay. Magclassmates din kami. Palagi kaming magkasama, napagkakamalaman nga kaming magboyfriend/girlfriend. Pero ewan ko ba, palaging sumasagi sa isip ko na hanggang dun lang kami but a part of me is still hoping.
Pauwi na kami galing sa school. Niyaya niya ako na kumain muna sa restaurant malapit sa school. May sasabihin daw siya sa akin. Kaya sumama ako. Nagbabasakali. Na liligawan niya ako.
"Uhm. Pat?" sabi niya habang ngumunguya ng burger.
"Yes?" I asked while fixing my hair.
"I want to ask you something..." hinawakan niya ang kamay ko. At ako naman ay namumula sa sobrang kilig. I'm hyperventilating. I felt the joules striking my bones and running down my spine. Naiihi ako.
"There's this girl, I'm attracted to. And I want to court her." pagtuloy niya.
Hindi na ako mapakali. I'm smiling awkwardly.
"Sino ba siya?"
"You know her. Can you help me with her?" sabi niya habang ngumingiti na nakakaloko.
"Sure, sabihin mo muna kung sino siya?" I asked him. I can't believe that this dream would come true. My crush is confessing his feelings to me.
Huminga siya ng malalim.
"Ang bestfriend mo. Si Ann." after hearing those words. Parang nagunaw ang mundo ko. Hindi ko siya matingnan ng diretso. Ganito ba ang napapala ng mga taong assuming?
"So ano? Tutulungan mo ba ako?" he inquired.
"Sure! no problem!" sabi ko with a fake smile and laugh. Sh*t ang sakit. Tanggap ko sana kung ibang babae, kaso ang bestfriend ko pa?
The walk home was very awkward.
None of us uttered a word.
"Nandito na tayo..." sabi niya.
"Thanks." I said softly and went inside.
Hindi na ako kumain. Nagkulong lang ako sa kwarto at umiyak ng umiyak. Until I reached a point na wala nang luhang dumadaloy at ang aking mga mata ay namamaga na. Nadurog ang puso ko. Nawalan na ako ng lakas.
--------
Months passed.
I tried to act that nothing changed. And I managed to appear like it. But deep inside, it hurts a lot. Labag man sa kalooban ko, tinulungan ko parin si Brant kay Ann. Sinabi ko na lang sa sarili ko na "kung masaya siya, masaya narin ako" pero, hindi parin nawawala ang inggit eh.
BINABASA MO ANG
Hanggang Dun Lang?
RomanceSometimes following your HEART means losing your MIND... (one shot)