I. Ang Silya.
Sa rurok ay may silya.
Kumikinang, nakasisilaw.
Ginto’t pilak ang bumabalot.
Nakaupo’y todo ayos.
II. Ang Nakaupo.
Nakaupo’y tinitingala.
Pagyuko nama’y ‘di ginagawa.
Ni sulyap ‘di ma’bigay.
Mga tumitingala’y kaawa-awa.
III. Ang Kabaluktutan.
‘Di tumatayo, masid lang nang masid.
Paupo-upo lamang.
Paligid ay tinitingnan.
Kanya lamang tinititigan.
IV. Ang Pagpapanggap.
Realidad ay kinakaila.
Tila walang nakikita.
O sadyang binabalewala.
Pag-irap ang ginagawa.
V. Ang Kabaligtaran.
May sinasabi sa lipunan.
Gamit ay tunay na marangya.
Tingnan mong paligid n’ya.
Basurang talaga.
VI. Ang Simula.
Pangako’y mabulaklak.
Sariwang inilahad.
Nang umupo’y ‘di na makatayo.
Nadikit sa silyang malaginto.
VII. Ang Wakas.
Sariwa noo’y nabubulok ngayon.
Iba ang nagagawa ng silyang iyon.
Utak ay nilalamon.
Kaluluwa'y nilalason.
VIII. Ang Katotohanan.
Adhikain n’ya’y malinaw.
‘Sing linaw ng pinakamalinaw.
Ano nga ba.
Wala.
BINABASA MO ANG
Silya't Katotohanan
RandomDoon at dito: Ang lahat, nabubulag. Ang lahat bulag. Ang lahat, nabibingi. Ang lahat bingi. Ang lahat, napipipi. Ang lahat pipi. Katotohana'y itinatanggi.