Chapter 1 Pagkikita

26 3 0
                                    

Tumayo na ako at aking kinuha ang mga gamit ko nang matapos ko nang pinturahan ang isa sa mga nakita kong anime sa aking cellphone, At ako ay pumunta kay Mrs. Santos para ipakita ko ang isa sa aking mga ginawang obra.

   "Magandang umaga Ma'am Santos ito na po yung natapos kung painting"Sabi ko sabay pakita ko kay Ma'am Santos ng aking painting.

    "Magandang umaga rin Sharalyn mukhang maganda na naman yang gawa mo ah? Lina kunin mo nga yung painting ni Sharalyn lagay mo sa wall ko baka merong bumili, Sige na Sharalyn tatawagan na lang kita kapag may nakabili na ng painting mo"Sabi  ni Ma'am Santos habang nakangiti.

  "Sige po Ma'am Santos maraming salamat po" Sambit ko.

  "Walang anuman"Sabi niya sa akin, sabay yakap at nginitian ko na lang siya.

Umalis na ako sa opisina ni Ma'am Santos dahil kailangan ko nang umuwi at saka pagod na pagod na ako,Patawid na ako ng kalsada ng may biglang sumalubong na humaharurot na kotse sa aking harapan.

  "Aaaaaaaahhhh!"Sigaw ko halos sumakit na yung lalamunan ko dahil sa pag sigaw ko.

 "Tanga ka ba?Hah?"Sabi niya habang papalabas sa kanyang kotse.

 "Ako pa tinanga mo hah! Tignan mo kaya yung stoplight para malaman mo"Sambit ko habang dinuduro siya.

 "Hindi mo ba nakita napaparating ako hah? Hindi mo yata ginagamit yang utak mo e.!"Sabi niya habang papalapit siya ng papalit sa aking puwesto, kaya dahan-dahan akong umatras dahil biglang tumindig ang balahibo ko,Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang bewang ko.

  "Bitawan mo nga ako! manyak ka gusto mo mag patawag ako ng pulis? Umalis ka na nga sa harap ko lalo lang ako na babadtrip sa pagmumukha mo"Sabi ko habang tinutulak siya papalayo sa aking harapan pero nagulat ako ng hilahin niya ako papalapit sa kanyang mukha at naramdaman ko ang kanyang labi sa aking pisngi at dahil doon hindi na ako makagalaw sa aking puwesto.

  "Pwede ba wag mo muna akong inisin ngayon lalo na at nagmamadali ako"Bulong niya sa akin at sumakay na siya sa kanyang kotse at  kanyang itong pinaandar ng sobrang bilis.

 "Manyak ka! Bumalik ka dito" Sambit ko habang nagtatalon sa gitna ng kalsada hindi ko namalayan na marami na pa lang tao at mga sasakyan na nakatingin sa akin at ang iba naman ay nakita kong vinivideohan ako at pinipicturan, Sa sobrang hiya ko napatakbo na lang ako at agad agad sumakay sa jeep.

Pagdating ko sa apartment nakita ko si Talia na tumatawa kasama si Jazlyn halos mapa iyak na sila kakatawa,Nagulat na lang sila ng makita nila ako sa harapan nila na nakasimangot.

   "Oh! nandyan ka na pala Sharalyn?"Sabi niya habang pinipilit ang kanyang tawa.

  "Hindi wala pa!"Sambit ko habang na katingin sa kanila ng masama.

  "Amazona ka talaga friend"Sabi ni Jazlyn at sabay tingin niya kay Talia.

  "Sadista ka mo!"Sabi ni Talia, Napakunot na lang ako ng noo dahil hindi ko maintindihan kung bakit sila tumatawa.

  "Ano bang meron sa utak niyo? at bakit di parin kayo tumitigil kakatawa? Nababaliw na ba kayo?"Sambit ko habang tinitignan ang kanilang mga mata.

  "Di mo ba alam friend yung pag iiskandalo mo dun sa kalsada"Sabi ni Talia Habang papunta ako sa aking sofa para magpahinga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Mistake One LoveWhere stories live. Discover now