Ang weird, nasa may place ako na madilim, pero I can feel other people look at me. Ano kayang meron, may violin at piano na tumutugtog sa backround, yung tila nanghaharana? At bakit nakatungtong ako sa red carpet? Carpet na kaya toh papuntang heaven? Kinukuha na ba ako ni Lord? May lalaking nakatayo sa may parang stage medyo malayo sakin, Ahh alam ko na si San Pedro yun. Gets ko na -.- Masundan na nga yung red carpet para matapos na, mamatay na nga lang din ako, kaya papabilisin ko nalang -.-
So ayun sinundan ko nga, napatigil ako kasi nagsalita yung lalaking medyo malayo sakin, ang weird nanaman kasi parang familiar sakin yung boses niya feeling ko matagal ko na toh naririnig, Medyo blur mga pinagsasabi niya pero alam ko na nagcoconfess sakin kasi ang mga linya lang na naririnig ko ay ito:
"I've known you sincle long ago, and I've loved you since then" sabi nung lalaki.
Dahil madilim di ko makita kung sino yung nagsasalita. Habang nagsasalita pa yung lalaki, may tatlong lalaki na parang familiar sakin sinindihan yung bonfire sa likod ko, Pagkatingin ko sa harap makikita ko na sana yung mukha nung lalaki na nagsasalita pero...
*BANG!*
"Kyaa!" tili ko. Pagkadilat ko nahulog na pala ako sa kama, and guess what kung bakit? Nandito nanaman kasi sa kwarto ko yung peste kong kapatid na si Endrie.
"Hoy! Ikaw! Ano bang ginagawa mo?!" sigaw ko sa kanya. Ee pano ba naman kasi pinupukpok niya yung sandok sa kaldero, ano yan drums!?
"Ate naman, alam ko naman na baliw ka pero di ko alam na tanga ka din pala! Syempre pinupukpok ko yung kaldero! Duh! Di ba halata!?" Pamilosopo ni Endrie sakin.
"Duh! Alam ko yun, what I mean is bakit ka nandito!?" sabi ko sa kanya.
Alam mo ate? Nakailang kanta na ako dito gamit yung mahiwagang kaldero ko at nakaconcer na ako at lahat lahat ngayon ka palang nagising! Ako na nga atah gumising sa buong street natin ee!" taktak nanaman niya.
"You know Endrie? I get you're point so alis na! Ayaw mo nun? Malay mo maging sikat ka jan dahil sa mahiwagang Kaldero at sandok mo!" sabi ko.
"Talaga ate? Maganda ba tunog? Pangyoutube na ba!?" Tanong niya. Ay nako pigilan niyo ko at baka mapukpok ko sa kanya yang mahiwagang sandok niya!
"Yup yup, sisikat ka dahil binubwisit mo buong street natin sa ingay mo! Tingnan lang natin kung hindi ka nila tutokan isa isa! Kaya kung ako sayo umalis ka na dito! Shoo! Tsupee!" pag tutulak ko kay Endrie.
"Ang hard mo naman ate! Aga aga ee! Pasalamat ka ginising pa kita kundi malelate ka na!" sigaw niya sakin.
"Ehd di Thank you! Oh ayan na! Happy?! Ngayon labas! Maghahanda na ako!" tulak ko nanaman sa kanya.
"Etoh na nga oh! Lalabas na! Atat na atat toh!" sabi niya sabay alis.
Pagkalabas niya, hindi ako bumangon at mas lalong di ako naghanda, syempre balik sa beauty sleep ko, este ugly sleep ba tawag para sa mga panghalimaw ang fes? Whatevs! Basta balik sa dreamland! At baka sakaling Makita ko yung mukha nung lalaking naglakas loob na ligawan ako kahit sa panaginip man lang! Libre mangarap!
-A few minutes later-
“Ateeeeeee!!” bungad ni Endrie sakin, na niyuyugyog na pala ako.
“Ano ba!?” sigaw ko.
“Anong ano ba!? 7AM na po! Sa pagkakaalam ko kasi 7:30AM klase mo diba!?” sabi niya sakin.
Nung una di nagregister sa utak ko yung pinagsasabi niya, ar paulit ulit lang sa utak ko yung pagkakasabi niya ng
“7:00AM na”
“7:00AM na”
“7:00AM na”