Chapter 13

35 13 0
                                    

Zia's POV

"Malapit na pala ang inter-university high", excited na saad ni Sandra.

"Oo nga eh.. sa October na ang simula", dagdag naman ni Tori.

"Manood tayo sa game nila ahh", dagdag ni Sandra.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila.. every inter high kasi nanood kami ng walang mintis. Basketball player kaya si Geoff. Sobrang galing nito kaya nga sakanya pinasa ang captainship.

"Oo naman, manonood tayo", saad naman ni Tori.

Dati.. todo pilit pa ko sakanila para manood ng inter high.. nababagot daw kasi sila at nahihiya daw sila na kung makapagcheer ako wagas.

Every year, iba iba ang venue ng patimpalak.. 5 years ago pa ng maging venue ang Bridgeton.

"Sa Arcley pa naman ang venue, kailangan todo suporta tayo", dagdag ni Tori.

"Zia, tahimik mo ata, mabutas yang libro..", sita naman sakin ni Sandra.

"Siguro nagiisip na yan ng pakulo niya for this inter high", sagot naman ni Tori.

"Oo naman, manonood tayo", ngumiti nalang ako sabay tingin ulit sa kunyaring binabasa ko.

"Hi.. bakit nandyan bag mo sa upuan ko?", medyo nagulat ako ng lumapit sakin si Geoff.. iniexpect ko kasi talaga na iiwas na siya dahil nga sila na ni Georgi.

"Ahhh kala ko kasi hindi kayo sasabay samin"; pa cool ko namang saad sabay kuha ng bag ko.

"Nasaktan naman ako dun Zia, ayaw mo na ba kami maging friends?", nakahawak pa sa dibdib na saad ni Lance.

"Anu ka ba.. hindi.. ano kasi.. hmmm.. diba malapit na inter high akala ko mag praktis kayo", wahhh buti nalang nakaisip agad ako ng palusot.

"Tanghaling tapat praktice sa basketball, so lame Zia", ngumit sakin si Vince.

Nagsimula na kaming kumain ng biglang umingay ang cafeteria. Nagsidatingan na ang ibang basketball team.

At kumuha sila ng chairs sa kabilang table para makisiksik sa amin.

Nagkatinginan nalang kami nina Sandra and Tori.

"Anong ginagawa nyo dito?", halatang irita na tanong ni Santi.

"Cafeteria to.. so kakain?", sagot naman ni Flint. "Penge ahh", kumuha ito ng fries sa pinggan ni Sandra.

"Kuha muna bago magpaalam?"  Mataray naman na saad ni Sandra.

"Ang daming bakanteng lamesa.. dito pa kayo sisiksik", saad naman ni Vince.

"Chill Vince.. matagal na kasi kayong di napapadpad sa taguan natin", saad naman ni Dari.

Taguan.. yun yung bahay sa tuktok ng bundok kung saan ako dinala ni Lance after the Acquiantance Party.

"Oo nga.. malapit na ang inter high. Di pa tayo nagsisimulang magpractice as a team, palagi kayong nakahiwalay samin. Kailngan nating maghanda, Magaling daw ang bagong captain sa Arcley. Paniguradong sila ang makakalaban natin sa championship ngayong year", sagot naman ni Blink.

"Magmeeting nalang tayo mamaya sa covered court", sumabat na din si Geoff sa usapan nila.

"Okay". Sabay sabay nilang saad at nagsitayuan..

"Wait, Zia penge number mo please", bumalik si Dari at lumapit sakin.. medyo nagulat ako, hindi naman kasi ito lumalapiy sakin eh. Pero madalas ko itonh napapansin na nakatingin sakin.

"Hingin mo kay captain Geoff, kami ngang matagal ng nagakakasama  hindi pa namin alam number ni Zia", parang bata namang sagot ni Lance.

"Nagkasama lang naman kayo dahil sa set up nyo eh.. sge na Zia", hirit ulit ni Dari.

All This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon