KINABUKASAN ay nagising ako dahil sa mga huni ng ibon sa labas. Nang pagbangon ko at makita ko na nasa kubo pa rin ako ni Makisig ay tinanggap ko na ang katotohanan na nag-time travel nga ako pabalik sa nakalipas. This is so real na talaga!
Hinanap ko si Makisig sa kubo pero hindi ko siya nakita. Baka lumabas lang. Ayoko naman siyang hanapin sa labas dahil ang bilin niya ay hindi ako pwedeng lumabas nang hindi siya kasama. Kaya naupo na lamang ako sa hagdan paakyat ng kubo. Doon ay pinagmasdan ko ang napakagandang tanawin na nasa harapan ko.
Haaay... Ibang-iba pala talaga ang Pilipinas noon. Virgin na virgin pa ang lugar na ito. Parang ako lang. Tapos, ang fresh pa ng hangin. Ang sarap tuloy huminga. Unlike sa Manila na umiitim ang kulangot ko dahil sa dumi ng hangin. Usok dito, usok doon. Kaya uso ang sakit na kung anu-ano sa kasalukuyan, e. Dito, parang wala akong sakit na masasagap. If ever, pipili ako? Mas gusto ko pang sa panahon na ito ako nabuhay. Pero, siyempre, kailangan ko pa rin bumalik sa panahon kung saan ako nararapat dahil nandoon ang aking buhay.
Napatayo ako nang makita ko na paparating na si Makisig.
Nalaglag ang aking panga at kung may panty ako ay baka nalaglag din nang makita ko na naman ang macho niyang katawan. Diyos ko! Hindi pa ako nag-aalmusal pero busog na ako sa pandesal niya. Grabe! Nakakapanghina ng pagkababae ang lalaking ito. Feeling ko tuloy ay palaging magkakasala ang imagination ko dahil sa kanya. E, hindi ko mapigilang hindi siya pagnasaan talaga!
"Magandang umaga sa iyo, Marikit. Paumanhin kung ako ay wala nang ikaw ay magising." Doon ko lang napansin ang dala-dala niyang tatlong pirasong isda.
Napalunok ako. "Ayos lamang, Makisig. Magandang umaga rin sa iyo..." Akala mo ay babaeng hindi makabasag ng pinggan na sagot ko. Halos hindi bumuka ang bibig ko at mayuming ngumiti-ngiti.
Hindi sinasadya na napatingin na naman ako sa bahag niya at napansin ang "bukol" niya doon. Oo, hindi ko sinasadya talaga. Accidentally, kumbaga. "Ang laki at ang taba..." Wala sa sarili na sabi ko.
"Tunay! Malaki at mataba nga!"
"Ha? Totoo? Ilang inches?" Curious na tanong ko.
"Hindi ko mawarian ang iyong sinabi. Ngunit, tunay ang iyong sinabi na malaki at mataba ang mga hitong aking nahuli sa may ilog ngayon."
Hito? So, hito pala ang tinutukoy niyang malaki at mataba. Akala ko naman iyong ano... Hihi! Tama na nga. Masyado nang mahalay ang utak ko. Mamaya makahalata na si Makisig na pinagpapantasyahan ko siya baka hindi pa niya iyon magustuhan. Tapos, pantasya ako nang pantasya tapos may girlfriend na pala siya o asawa. Hindi lang niya sinasabi. Hindi iyon imposible dahil gwapo at matipuno si Makisig, 'no!
Sa naisip kong iyon ay na-sad naman ako.
"A-ang laki at taba nga..." Nakangiwing sagot ko.
"Maiwan muna kita dito ngunit huwag kang lalayo. Akin munang lulutuin ang mga hitong ito upang makain natin ngayong umaga. At pagkatapos ay magtutungo na tayo sa babaylan na si Orang upang matulungan ka niya sa iyong suliranin."
Halos matunaw ako nang ngumiti si Makisig sa akin bago siya umalis. Ang perfect ng ngipin niya at ang puti. Uso na ba ang toothpaste sa panahong ito? I am sure! Wala siyang bulok na bagang kaya mabango din ang kanyang hininga. Nakuuu... Parang nai-imagine ko tuloy ang sarili ko na kahalikan si Makisig sa may gilid ng ilog. Tapos, ihihiga niya ako sa batuhan at roromasahin nang bongga! Tapos, maglalampungan kami doon hanggang sa...
"Marikit? Ano ang iyong ginagawa diyan?"
Napahinto ako sa pagi-imagine nang marinig ko ang boses ni Makisig. Pagtingin ko sa sarili ko ay nagulat ako nang nakahiga na pala ako sa lupa at halos hubaran ko na ang aking sarili. Nakalabas na nga ng bahagya ang isa kong suso! Sa sobrang intense yata ng imagination ko ay na-act ko na iyon nang hindi ko napapansin.
BINABASA MO ANG
Si Makisig At Si Marikit
FantasyPaano kung ang luka-lukang si Marikit ay mag time travel sa panahon kung saan uso pa ang mga datu, timawa at alipin sa Pilipinas? At makilala niya ang ubod ng tikas na si Makisig? Magpapakabog ba ang puso niya dito ngunit paano na ang pag-ibig niya...