Pagbilang sa Ilalim ng Karagatan

44 0 0
                                    

Ang pag-hampas ng alon sa mga malalaking bato ang tanging naririnig ng diwa kong malapit ng sumuko. "Hingang malalim Azurine, harapin mo ang iyong katapusan."

Ito ang mumunting kuwento ng aking mumunting buhay – at maaaring ito na din ang huling pagkakataon para talakayin ko ito muli. Ako si Neris Azurine Moreau. Kasing bughaw ng aking mga mata ang pinagmulan ng aking pangalan – Azurine, na nangangahulugang sky blue sa French. Kung titignan ng ibang tao, iisipin nila na magarbo at masaya ang buhay naming 3 magkakapatid ngunit sa kasamaang palad, kabaligtaran ang aming sinasapit sa kadahilanang hindi na muling nagkakaunawaan sa mga bagay ang aming mga magulang mula ng magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa mga lupang pagmamay-ari ni Nanay.

Ang mga suliranin sa bahay ay marahil para sa paghahanda nila sa aking nalalapit na pagpasok sa kolehiyo at marahil ito rin ang dahilan kung bakit ako narito, unti-unting naglalakad patungo sa kailaliman ng dagat na para bang ito ang aking tunay na tahanan.

Walang pagaalangan, ramdam ko ang iilang mga bato sa sahig na lumalalim sa bawat hakbang ko habang dahan dahang tumataas ang tubig at nilalamon ang aking katawan – tuhod, hita, baywang, dibdib, balikat. Isinasantabi ko ang malakas na pagtibok ng puso kong hindi naman mababalewala ngunit pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa tuluyan nang nawala ang aking anino sa kalupaan.

Isa, dalawa, tatlo. Mabagal ang paggalaw ko sa kailaliman at ang mga koral na minsan ko noong kinagiliwang kolektahin ay hindi ko na mabigyang halaga.

Apat, lima, anim. Nagdidilim ang aking paningin, natatarantang gumagalaw, natutuksong umahon at huminga.

Pito, walo, siyam. Hindi lingid sa akin kung ilang minuto ang nakakalipas sa bawat bilang ko ngunit ramdam ko na nauubos na ang aking lakas kasabay ng pagpipigil ko sa pag-hinga.

Sampu.

Sampu? Bakit narito pa ako? Paano pa ako nakapag-iisip ng ganito sa kabila ng pagsakal ng tubig ng karagatan sa akin? Nasa ilalim pa rin ba ako ng tubig? Ito na ba ang tuluyang paghihiwalay ng aking kaluluwa mula sa aking katawan? Paano ako nak—

"Neris Azurine." May otoridad na pagtawag sa akin ng isang malalim na boses. "Papa God?" Tugon ko, sa paghula kung sino ang kausap ko. "Hindi mo na kailangang alamin kung sino ako. Ang importante, ay malaman mo ang tunay na halaga ng buhay. Sa pag gising mo, magiiba ang takbo nito. Ibang-iba sa aasahan mo."

"Mahal, gising na siya. Gising na ang ating anak!" Sabi ni ina habang may tinatanaw sa bintana ng silid. Ito ang bungad saakin matapos kong imulat ang aking mga mata. "Okay ka na ba? May sumasakit pa ba sa'yo? Nagugutom ka ba?" Aligagang pag sambit ng aking nanay. "Wala na naman pong masakit sakin kundi itong kanang pulso." Itinuro ko at saka unti-unting tinignan. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang kumikislap na mala-bughaw na liwanag na bumabakat sa aking balat. 364:09:30:21 "O Diyos ko, ano po ito?" Sa isip-isip ko. "Sa pag gising mo, magiiba ang takbo ng iyong buhay. Ibang-iba sa aasahan mo." Muli kong naalala ang aking panaginip—o maaaring bangungot.

"Mukhang wala namang sugat anak, ay baka may internal bleeding iyan. Sandali at tatawagin ko ang nars." Pagbabalik sa akin ni Nanay sa realidad. "Ay nay, biro lang po yun okay na okay na po ako, makakatalon pa nga po ako sa kama eh. Matanong ko lang po, ano po ba ang huling nangyari?" Ngayon lamang naging lingid sa akin na ako lang ang nakakakita nitong mga numero. "Ay naku, tama na muna ang biro. Kung hindi mo naaalala, nakita ka ng isang binatilyo malapit sa karagatan. Sa totoo lang, mabait siya at gwapo. Ang ama mo ang kumausap sakanya, hamo't tatawagin ko muna." Ninais ko siyang pigilan sa kadahilanang maaaring may ginagawa pa si Tatay at baka mag-away lamang sila ngunit nakalabas na si Nanay.

Pagbilang sa Ilalim ng KaragatanWhere stories live. Discover now