Maikling Kuwento: Isang Maling Balanse

195 1 1
                                    


rriiinnnggg!!! rriinnggg!!! rriinnggg!!!

Ginigising nanaman ako ng alarm clock ko. Sa totoo lang ayaw ko pang bumangon mula sa aking kama dahil inaantok pa ako. Pero hindi ko puwedeng baliwalain ang araw na na ito. Ngayong araw nga pala ang umpisa ng aking pag-eensayo ng ilang buwan dahil ako ang pinili nila na ilaban sa darating na international competition na sa ibang bansa gaganapin.

Kung nagtataka kayo, ako nga pala si Mariya Varez at isa akong gymnast, hindi lang basta gymnast, magaling na gymnast. Kaya naman hindi na ako nagtataka kung bakit ako ang napili dahil alam ko na yon nung umpisa palang, alam ko na magaling ako at lagi akong may nakukuhang medalya sa mga sinasalihan kong kumpetisyon.

Pagkatapos kong mag-ayos ng aking sarili at ng mga gamit ko ay sumakay na ako sa aking sasakyan na regalo sa akin ng aking magulang nung graduation ko. Pagkababa ko ng aking sasakyan ay iginalaw galaw ko ang aking katawan habang naglalakad papuntang training gym namin.

Pagdating ko sa loob ay agad ko ibinaba ang aking gamit sa tabi at binati ang mga taong mag-eensayo din kasama ko at yung mga mag-eensayo sa amin. Nakita ko si Dayana na nag-eensayo na, ang alam ko ay may sasalihan din siyang kumpetisyon sa ibang bansa pero tiyak na mas malaki ang aking sasalihan. Oo, matalik na magkaibigan kami nung nasa kolehiyo pa lamang kami at hindi ko rin alam kung anong nangyari at naging magkaaway kami, ang sabi nila ay naiingit daw si Dayana sa akin. Basta ang alam ko ay wala akong naaalala na ginawa ko para magalit siya sa akin.

Hindi ko na pinansin si Dayana kagaya ng lagi naming ginagawa at nag-umpisa na akong mag-unat bago mag-ensayo.

"Mariya! Mabuti naman at sinimulan mo nang mag-ensayo. Malaki ang kumpetisyon na sasalihan mo at hindi biro ang mga makakalaban mo," ang bati sa akin ng aking trainer.

"E, lagi naman akong nag-eensayo. Tiyak na kayang-kaya ko ang aking mga makakalaban,"sagot ko.

"Mukhang bilib na bilib ka sa sarili mo, tingnan natin. Ipagpatuloy mo lang ang pag-eensayo," ang kanyang sinabi at agad siyang umalis.

Lumipas ang isang buwan na puro pag-eensayo ang aking ginawa araw-araw at nakikita nila na lalo daw akong gumagaling na ikinasaya ko naman. Matagal pa ang kumpetisyon, kaya patuloy din ang aking pag-eensayo.

Papunta ako ngayon sa gym para mag-ensayo ng tatlong oras. Kagaya ng dati, masaya ako sa tuwing magggymnastics ako. Malaki ang saya ng naibibigay nito sa akin at halos buhay ko na ang gymnastics kaya naman hindi ko alam kung ano ang aking gagawin kapag mawawala ito sa akin.

Habang nag-eensayo ako ay bilang may nag-salita malapit sa akin."Mali iyang ginagawa mo Mariya, baka mawala ka sa balanse,"ang sabi sa akin ni Dayana. Nagulat naman ako dahil kinausap niya ako.

"Ah, hindi ako mawawala sa balanse, alam ko ang ginagawa ko." agad kong sinagot sa kanya.

Ipinagpatuloy ko ang aking pag-eensayo at sa hindi inaasahan ay nawalan ako sa balanse at nahulog mula sa balance beam."Aaahhhhh!"daing ko. Hindi maaari, ngayon lang ako nalaglag ng ganito kasakit. Hindi ko mapigilan ang aking luha sa pagtulo. Hindi ko rin maigalaw ang aking binti sa sobrang sakit nito. Ngayon lang rin nangyari sa akin ang sitwasyon na ito.

Agad na lumapit sa akin ang mga kasama ko sa gym. Nilapitan ako ng aming trainer at tinanong ako kung ano ang naapektuhan sa pagbagsak ko. Tinuro ko naman ang aking binti.

Dinala nila ako ngayon dito sa ospital. Kausap ng doctor ang aking magulang, kaya wala pa akong balita sa aking binti. Kailangan kong gumaling agad para makapag-ensayo, alam kong ilang buwan na lamang ang natitira bago ang kumpetisyon.

Isang Maling BalanseWhere stories live. Discover now