Uy grade11 na ko so ayun nga itutuloy ulit natin tong storya ko kasi dito lang ako nakakapaglabas hindi ko kayang iout yung feelings ko. Sa ayun na nga nakikita ko ulit sya mas madaming beses na hindi na madalang ewan ko ba ahahah ang ganda nya parin walang nagbabago sa kagandahan nya. Habang sa araw -araw na ginawa ng Dyos at nakikita ko sya onti onti ulit akong nahuhulog sakanya. Hanggang sa dumating yung isang araw na tangina narealize ko na gusto ko na ulit sya. Nung bago mag Nat or national achievement test for grade eleven yung araw na bago yon ewan ko ba pero sunod sunod yung pagkikita namin. Nung una tinignan ko talaga sya ewan ko kung nakatingin sya sakin hindi ko alam pero sobra akong nahuhulog sa bawat tingin nya. Then nung second na pag kikita wala parang silip lang ako ako saknaya hindi ko sya tinignan kasi nahihiya ako. Then nung third unexpected kasi nakita ko nanaman sya nakatambay kasi kami sa may entrance then kasama ko friend ko nageemote sa jowa nya na pumunta ng school. Eh biglang di ko inaasahan padaan sya hindi ko alam gagawin ko kung titignan ko ba sya o ano so ayun tinago ko nalang muka ko sa jacket ko yung manggas ganon ahaha basta then sumilip ako saknaya nakatingin sya ahah taena kinilig ako tapos yung fourth is kasi nakatambay sya dun sa aakyatan naming hagdan nung friend ko so napatingin ulit ako sakanya pero hindi sya nakatingin. Edi sobrang kinikilig na ko kasi sobrang dami ng beses namin nagkita. Then nung 5th time nakita ko sya sa third floor ewan ko lang kung nakita nya ko pero sobrang saya ko kasi ang dami kong beses nakita sya ewan ko pero at the same time sad ako kasi alam ko graduating na sya alam ko next year wala na kong makikita na katulad nya sobrang busy nya sa thesis nalulungkot ako kasi hindi ko alam yung gagawin ko kung ichachat ko ba sya at mag hi or hindi na sobrang kinakabhan kasi ako baka iseen nya lang ako hindi pa ko handa pero gustong gusto ko sya. 😭😭😭