Chapter 1: Dreams

18 1 0
                                    

Hello, My name is Ziana Vivas, I lived in manila for now, 3rd year highschool na ako sa isang private na school  na nagngangalang D.V. High School Academy. Marami akong pangarap sa buhay, gusto ko makapagtapos ng pag-aaral at makamit ang posisiyong VALEDICTORIAN.

Mahirap kung tutuusing maging Valedictorian, pero kailangan kong magsikap na maging valedictorian para makamit ko ang aking mga pangarap. Wala akong masyadong kaibigan tanging isa lang ang kaibigan ko. Sa school namin ang best friend ko lang ang nakakaalam sa tunay kong pagkatao.

Mayaman ako di ako mahirap kaso, ayaw ko na malaman ng iba kong classmates ang tungkol sa akin basta long story kaya nag panggap akong scholar sa school namin  at inaprobahan naman iyon ng aking magulang, pero strikto rin sila sa akin kung minsan.

Bata pa lang ako mataas na ang ekspektasyon sa akin ng aking mga magulang. Nagmamay ari kami ng isang kompanya,na nakikilala na ng iba't ibang bansa, V Global   Association ang pangalan ng aming company.
At dahil doon ineexpect na sa akin ng aking mga magulang na maging matalino, matiyagain at masipag.

Mabait silang magulang kaya, ayaw kong magreklamo sa mga gusto nilang  ibigay sa aking kinabukasan, pero siyempre they also agreed na ako na lang ang bahala sa future ko kung ano daw ang dreams ko, susuportahan na lang daw nila ako

1st week of school na ang natapos kaya eto,

Nasa room ako ngayon and guess what I'm section 1 of course you know na, or maybe not. I'm aiming to be an valedictorian kaya sinikap kong mapunta sa section 1 at walang pandaya ang ginamit ko. May iba kasi akong kaklase dahil mayayaman ayan section 1 na.

Pero siyempre di lahat ng section 1 nakapasok gamit ang pera tulad ng friend ko teka di lang friend best friend pala,  tanging siya lang kasi ang kausap at kadamay ko sa school si Dhenice Mamba. Mabait, matulungin , maganda at mayaman din si Dhenice, nagmamay ari sila ng isang restaurant  at marami-rami na rin ang branches nila. Ilang minuto lang at nagsimula na ang aming klase

Kring.. Kring.. Kring..

"Ok class you may take your break now and goodbye" sabi ng professor namin si Sir Renald

"Goodbye sir" tugon naman namin,

pagkalabas ni sir ay nagsi-labasan na din ang iba kong kaklase upang bumili at kumain habang kami ni Dhenice ay nag-uusap pa dito sa room ng bigla siyang sumigaw

"Zia! Gutom na ako!!! Mamaya ka na magkwento!", reklamo ni Dhenice sa akin.

" hay oo na teka lang aayusin ko lang gamit ko snack na tayo" sagot ko sa kaniya.

Lumabas kami ng room at kumain sa canteen,  si Dhenice na ang pumili ng kakainin namin, tutal alam nya naman ang gusto ko at ako naman ay naghahanap ng upuan para  makakain na kami.

Habang nakaupo biglang nag salita si Dhenice pero mahina lang ang salitang "pangarap"
At tinanong naman niya ako

"Anong pangarap mo? " tanong niya sa akin habang umiinom ng juice

"Makapagtapos ng pag-aaral" sagot ko sa kanya habang kumakain ng fries

"Baliw ka ba! lahat naman siguro gustong makapagtapos ng pag-aaral" tugon niya sa akin at patuloy na kumakain ng kanyang sandwich

"Teka teka sinabi ko bang iyon lang ang pangarap ko? " reklamo ko sa kanya habang umiinom ng juice

"Eh Ano nga bang  pangarap mo? " tanong niya uli sa akin habang nakatitig na ng seryoso sa akin

"Maging singer" sagot ko sa kanya, at dahil sa aking sagot nabalot kami ng katahimikan

"Bakit huyy Dhen? anong problema at natahimik ka? " tanong ko sa kaniya
Pilit niyang pinipigil ang kanyang tawa hanggang nailabas niya ito, tumawa siya ng tumuwa na parang walang bukas.

Yung totoo nang-iinis ba ito. Hihingi hingi siya ng sagot ko tapos tatawanan abay nagmumukha ata akong ewan dito ah.

"A--no kasi- sing--er", sabi niya habang tumawa, yung totoo kaibigan ko ba to ba't niya ba tinatawanan sagot ko ewan. Tumayo ako at umalis iniwanan ko siyang tumatawa lang dun at kahit pinipigilan niya ako hindi ko siya pinasin at umalis

Kring.. Kring.. Kring..

Nagtime na at nagklase uli kami, di pa man uwian umalis si Sir at pinatatwag sila ng principal kaya sabi niya mag review daw kami tungkol sa Cellular Respiration at pagbalik nya may long quiz daw kami. Ok magrereview ako tutal ang hirap ng lesson kung ano anong cycle Krebs... Transitioning and many more My ghad ang hirap pero dahil goal ko maging valedictorian kaya yan. Ng tuluyang umalis si sir nag review na ako at ng lumapit sa akin si Dhenice

" Zia, sorry na di ko alam na seryoso ka pala na gusto mo maging singer, sorry na talaga" sabi sa akin ni Dhenice hanbang nakayuko at mukhang gusto niya talagang mag sorry sa akin

"Ok, fine friends na uli tayo" pataray kong sagot

"Uyyy Zia dali na bati na tayo" sabi niya uli at nag pout pa

"Nagsabi na nga ng oo, edi wag kung ayaw mo" sarkastiko kong sagot

"Di man ito naman friends na nga tayo di ba" masaya niyang tugon

"Pero di nga bakit singer? Yun ba talaga gusto mo?" tanong niya sa akin at umupo sa tabi ko (oo nga pala d ko siya katabi wala akong katabi kasi yun ang nakalagay sa arrangement ng aming seats) hay ewan ko ba dito sinabi ko ang pangarap ko na gusto ko maging singer tapos mag tatanong pa siya kung bakit eh wala naman siyang follow-up question noon ah abay

"Well practically artist ang gusto ko pero mas hilig ko ata kumanta kaysa mag act kaya ayan singer" sarkastiko kong sagot

Pero bakit nga ba? yun ang sagot ko my Dream is only to make my parents happy, yes I had a lot of Dreams in my life yet I decided to answer to be a singer in her question even though I also want to be an chef, photographer, artist and musician. So why did I answer her question that I want to be a singer. Hayyyy ang gulo masalita pa lang uli si Dhenice ng pumasok na uli si sir at may kasama siyang lalaki. Nagbubulong bulongan na ang iba naming kaklase

"Ang gwapo" sabi ni Alyssa

"Cool" sabi ni Erik

"Pogi " sabi ni Monica

"Ang puti niya" sabi naman ng bestfriend kong si Dhenice

"Shh class silence..  Pls,  ok everyone meet your new classmate" sabi ni Sir Renald

Tiningnan ko ng mabuti ang lalaki at mukha siyang pamilyar at nang nagkatinginan kami

"Ikaw!" Sabi ko at biglang tumayo at tinuro siya

"You again! " sabi naman niya at tinuro rin ako

[SINO KAYA SA TINGIN NIYO YUNG LALAKING IYON at PAANO NIYA NAKILALA SI ZIANA KUNG TRANSFERE PA LANG SIYA? ]
    Hope you like it po, pasensiya na rin po sa mga wrong spellings or gramar

My Dreams And My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon