"Ate ella, may nagpapabigay sa'yo nito", sigaw ng kababata niyang si Amber habang papalapit sa kanya dala ang isang piraso ng manggang hilaw at iniabot sa kanya.
"Huh?!!", takang taka siya kung sino ang tinutukoy ng kababata.
"Sino?", tanong niya habang nakatitig sa manggang hilaw na iniaabot sa kanya ngunit halos ayaw niyang tanggapin dahil di naman siya mahiig sa maasim at di rin niya kilala kanino ito galing.
"Si kuya Michael, yun oh nagtatago", pangising sabi ni amber sabay turo sa binatilyong nagtatago sa may likod ng waiting shed.
Dun ay sinulyapan ni Ella ang binatilyo, moreno, matangkad, at gwapo ito, hawig ni Cesar Montano. Idagdag pa ang matikas na pangangatawan nito sa murang edad na 19.
Ang pinsan pala ni Amber ang tinutukoy nito, kaya pala mula pa kaninang nanghuhuli sila ng isda at lumalangoy sa ilog ay panay ang sulyap at pagsunod nito sa kanila. Sayang lang at di na niya mas makikilala pa ito dahil mamayang hapon lang ay uuwi na din sila.Naroon sila sa lugar nila Michael para pumasyal, matalik na magkaibigan at magkumpare ang ama ni Ella at ang ama ni Amber na si Mang Gilbert. Sabay daw ang mga ito lumaki, at dahil dito ay parang tunay na magkapatid na ang turingan nila. Si micheal ay anak ng babaeng kapatid ni Mang Gilbert, ngunit wala itong kinagisnang ama at ang ina ay isang ofw. Kaya ang lola niya ang siyang kasa-kasama niya sa bahay, na siya namang tinuluyan nila.
Bagama't di mahilig sa mangga ay tinanggap na rin niya ito. "Salamat kamo", anito.
Napansin ito ng ina ni Amber, sa lakas ba naman ng pagkakasigaw ni amber habang papalapit sa kanya ay tiyak na makakatawag pansin ito lalo pa at ang ina niya at kumare nito ay nasa tabi lamang niya at busy sa pagkwekwentuhan.
"Uiiiii, si Ella... Dalaga na!!", kantyaw nito sa kanya habang napapangiti ito at nagsasalitan ang tingin sa kanilang dalawa ni Michael na nagtatago pa rin sa waiting shed sa kabilang kalsada.
"Tita naman...", angal nito ngunit may konting kilig siyang naramdaman. At ito ang unang beses niyang nakaramdam ng ganito. Sa edad na 14 ay anu ba ang alam niya sa ligaw ligaw at pag-ibig na yan. Pero ngayon nakaramdam siya ng konting saya kung san nagsimulang sumibol ang paghanga niya kay Michael.
Si Micheal na halatang nahihiya lalo pa at napansin niyang nakita ng mga tiyahin ang binigay niyang Mangga kay Ella.. At halata ding kinakantyawan nila ito, habang namumula na ito at nakikitawa na lang.
Mula pa kahapon ng dumating sila Ella ay di na niya napigilang humanga rito. Maputi siya, Bilugan at maliit ang mukha nito na nakakadagdag sa pagka-cute niya. Mapula at maliit ang mga labi nito. Di man katangkaran ngunit kahit bata ay mahahalata na ang sexyng hubog ng katawan. Kaya naman di na siya nag-aksaya ng panahon at nagparamdam na siya dto bago pa man sila makaalis. Yun nga lang ay di niya alam kung paano ito kakausapin sapagka't ngayon pa lang siya manliligaw.
Nanatili muna siya sa waiting shed, ayaw niyang makantyawan kapag lumapit pa sya sa kinaroroonan nila Ella dahil alam niyang lalo lang siyang mahihiya kapag nakantyawan siya ng mga tiyahin. Hanggang sa mapansin niyang nagsipulasan na ang mga ito upang makagayak para sa pag-uwi nila sa Baguio. Nakaramdam siya ng bahagyang lungkot sapagka't kakikilala pa lamang niya kay ella ay aalis na ang mga ito.
Napakibit-balikat na lamang si Ella, buti at nagtawag na ang kanilang mga amain para umuwi na kaya naman busy na ang lahat sa pagsasaayos ng kanilang mga gamit at mga pasalubong na iuuwi sa kanilang lugar. Ngunit, nakaramdam siya ng kirot pagka't di na niya makikilala pa si Micheal dahil sila'y uuwi na.
YOU ARE READING
Infinite Love
RomanceElla was 14years old ng makilala niya ang first love niya. Ano bang alam niya sa pag-ibig, kundi ang kiligin sa mga mumunting bagay na akala niya totoo na. Pag-ibig na akala niya puppy love at mananatili na lang sa nakaraan niya. He is Micheal a 19...