"Mahal kita" yan ang mga katagang binitawan ko na dapat di ko na ginawa. Kasi sinuklian nya nang
"Pasensya na, kasi hanggang kaibigan lang talaga"
Ngumiti lang ako nang mga oras na yon. At di pinahalata sa kanya na nasasaktan na ako.
"Ano ka ba! Okay lang yun. Nagbibiro lang din naman ako" salitang aking binigkas
"Ikaw talaga! Puro ka kalokohan. Gino good time mo na naman ako eh! Pang ilang beses mo na ba akong nadali sa salitang yan. Pero ngayon kinabahan ako dun ha. Wag na wag mo na yun uulitin. Sige na umuwi ka na. Mag gagabi na oh delikado sa daan. Di din naman kita mahahatid sainyo kasi may usapan kami ni Len. Kaya sige Aubrey una na ako, baka kasi mainip yon eh" sagot nya sa akin
"S-si-sige" sagot ko kahit alam kong di nya naman maririnig, kasi nagtatatakbo na sya patungo sa babaeng mahal niya,
at ang babaeng yun ay di ako
Wala akong nagawa nang mga oras na yon kundi umuwi. Habang tinatahak ko ang daan , ay tila ba nakisama ang panahon sa pagdadalamhati ko. Kasabay ng pagbagsak nang ulan ay unti unting kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Hindi ko alam kung bakit di nya ko magustuhan? Hindi ko alam kung bakit kahit anong gawin kung pagpapa pansin sa kanya ay di pa din nya ako nakikita at natututunang mahalin?
Habang naglalakad ako, pa ulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko.
May kulang ba sa akin?Lumipas ang mga araw na palagi na sila ni Len ang magkasama. Palagi silang masaya na nagtatawanan, nagbibiruan at nag-aasaran.
Kung di ko nga lang sila kilala at kung di ko lang mahal yung lalaking kasama nya, ay siguro kikiligin din ako sa mga pinag gagagawa nila.
Bawat araw pinaparamdam Ash kung gaano nya kamahal si Len kahit sa mumunting paraan.
Nagpaturo sa akin si Ash kung paano gumamit nang gitara, para raw ma alayan nya nang kanta si Len. At dahil isa't kalahating tanga ako ay wala akong nagawa kundi turuan sya kahit na alam kong masasaktan ako sa gagawin ko
Araw-araw pumupunta kami sa tambayan naming dalawa para maturuan ko syang mag gitara. At sa bawat araw na lumilipas na ako ang kasama nya ay wala syang ibang bukam bibig kundi si Len, si Len lang at wala nang iba.
At alam nyo kung ano ang masakit? Yun ay yung nakikita mo ang taong mahal mo na sobrang saya habang kinekwento nya yung taong mahal nya.
Kaya nung natututunan nya na kung paano gumamit ng gitara ay wala syang sinayang na panahon at hinarana nya kaagad si Len kahit hindi pa masyado magaling ang mga sugat nya sa kamay na nakuha nya sa pag gigitara.
Binibilhan nya nang kahit na anong gusto ni Len. Kaya nga maraming na iingit sa relasyon na meron sila, at isa na ako doon
Dumating ang sembreak at kinailangan umalis ni Len kasama ang pamilya nya dahil sa planong pagbabakasyon nila.
Aalis din sana sila Ash, nang mapag desisyonan nya na di sumama. Kasi, gusto nya daw makasama at bumawi sa kaibigan nya. At walang iba kundi ako yun. Ang dakilang kaibigan nya na nag papakatanga sa kanya at nagmamahal sa kanya nang palihim. Minsan gusto kong tanungin sa kanya, kung wala ba talagang pag asa, na maging higit sa kaibigan ang tingin nya sa akin.
Ilang beses kong sinubukan na sabihin at ipa intindi sa kanya ang nararamdaman ko, pero kita nyo naman, sa tuwing sasabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko ay di sya naniniwala. Akala nya kasi nag bibiro lang ako.