Chapter 10

15 1 0
                                    


"Papa, is it possible to fall in love with someone you just met?" Tanong ni Samantha habang nagj-jogging silang mag ama.

"You mean love at first sight?"

"Yeah, pretty much."

"Well, yes and no."

Napatigil si Samantha, naguguluhan sa sinabi ng ama, nag stationary jogging naman ang ama n'ya.

"If you're the type of person who listens to what the society dictates, the answer is no. But if you're an individual who doesn't give a damn, the answer is yes!" Ang hinihingal na mahabang paliwanag ng ama.

"But I barely even know the guy!" Sagot naman ni Sam.

Napatigil ang ama. "Are we talking about Sam?" Ang parang nanunuksong tanong ng ama.

"Just answer the question Papa!" Ang naka ngiti pero madiin at parang nag uutos na sagot ng dalaga, sabay nilakihan pa ang mata.

Naiiling na humarap si Mr. Madrigal sa anak.

"Love should be unconditional!" Seryosong sagot ng ama habang nagpupunasan ng pawis sa mukha. Inakbayan ang anak at marahan silang naglakad. "Hindi ito dapat de kahon, I mean, wala dapat criteria ang love. Kailangan ba may reason para mahalin mo ang isang tao? For example, mahal mo dahil guwapo, eh paano kung naaksidente at nasira ang mukha? Mawawala ba pagmamahal mo? Mahal mo lang ba dahil mayaman, mabait, matalino? Eh paano kung mawala lahat 'yon? Kung biglang nagbago ugali dahil sa kaiisip paano maisasalba naluluging negosyo, naghirap kayo? Wala na din pagmamahal mo?" Mahabang paliwanag ng ama.

Napaisip si Samantha.

"Gusto mo ng athletic guy na kagaya ko na may abs na six pack..."

Napatingin si Sam sa abs ng ama, halata sa jogging outfit nito ang malaking tiyan.

"You call that a six pack? It's more like a monay Papa!" Biro ni Samantha.

"Sampalin kaya kita?" Ang nakatawang sagot ng ama.

"Seriously, ikaw anak, you always go to church, si God ba nag set ng criteria para mahalin ka?"

"No, he sent His Son to die for all, believers and non-believers alike, all he asks is you accept him..."

"Exactly!" Putol ng ama. "Because that's the most important thing when falling in love, acceptance! You must accept a person for what or who he is, not for what you perceived him to be."

Napangiti si Samantha. Yumakap ng mahigpit sa ama.

"I love you Papa, thank you for everything. My father, my best friend!" Sabay halik sa pisngi ng ama.

"I love you too, Princess!" Ang natutuwang sagot ng ama.

"So, Papa, would you accept Cedrick as your son-in-law?" Ang pilyang tanong ni Sam.

"Hhmm, NO! Don't push your luck princess, baka ipatanggal kita sa last will ko!" Ang mariing sagot ng ama. At nag umpisa na ulit silang tumakbo.

"Why?" Ang tila nang aasar na tanong ni Sam.

"I don't like him!" Tipid na sagot ng ama.

Tumawa ng malakas si Samantha. "Papa, you just contradicted yourself!"

"No, I did not!"

"Yes you did! You don't like him because he's arrogant, you prefer someone nicer! Admit it!" Ang makulit na argumento ni Sam.

"It's my last will iha, I can legally do whatever I want with it!" Pag iwas ng ama. "Nakalimutan mo na ata, lawyer Papa mo!"

"Papa, umiiwas ka, why don't you like Cedrick?" Ang makulit na tanong ni Sam.

"Because I like Sam for you! Period!" Sabay tawa ng malakas. Natawa din si Sam, hinampas ng pabiro sa braso ang ama at ipinagpatuloy nila ang pagtakbo.

When Sam Meets SamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon