Chapter 1 "Apat "

19 1 0
                                    

Hayy buhay nga naman oh! Ang ayoko sa pag- aaral ay yung history. Tapos na nga babalikan pa. Lakas maka hugot ehh. Ako nga pala si "Quinn ano ba tulala ka nanaman ehh!"

"Kaya nga. Mayaman ka nga talaga. Nakabili ka na ng mundo mo ehh noh!" ayy grabe sila.

"Sorry na po. May iniisip lang. Grabe naman sa nakabili na ng mundo. Nakikinig din kaya ako noh!"

"Sige nga kung nakikinig ka. Ano yung pinaguusapan namin??"

Mag isip ka Quinn. "Uhmmm"

"Kita mo di ka nga makasagot!" grabe naman.

"Sorry na talaga. Ano ba kasi pinaguusapan nyo??" makinig ka na kasi sa susunod Kath! Aishh.

"Secret!" sabay pa nilang sabi. Sabay alis. Waaaah! Kainis

"Oi Katrina!" ano ba naman yan. Ang daming asungot ngayon ahh.

"Ano nanaman!"

"Wooh easy lang bro. Namumula ka nanaman nakita mo lang ako." yung isa pa.

"Wow! Ang hangin naman dito noh Bryan noh!" note the sarcasm.

"Sorry naman. Ano sama ka samin mamaya tatambay kami sa bahay nila Matt?" uhmm. Oo nalang.

"Sige sige. Sino kasama?"

"Syempre kami kami lang ding apat. Bakit may hinahanap ka pa bang iba??" mapang asar na si Ken.

"Wala kaya." wala naman talaga. "Sundan ko lang yung dalawa ha. Bye."

Nasaan na ba sila. Ang laki kasi ng campus na to. "Ahhhh!!" nakakagulat yon ahh.

"Miss sor--- o Kath ikaw pala yan. Anong ginagawa mo dito??" tanga ba to syempre nag-aaral din ako sa school na to.

"Wala! Sige alis na ko." siya yung bumubuo sa apat kong lalaking kaibigan. Ang heartthrob ng school at pinaka famous sa school, Mark Javier.

Di ko pa pala napapakilala yung sarili ko. Bwisit kasi yung mga kaibigan ko. Ako si Quinn Kathrina Marquez. Di ko alam kung bakit may Quinn yung name ko. Suguro imbento lang ng nanay ko.

Meron akong ultimate crush sa campus namin pero di kami masyadong close ehh. Matalino sya tsaka matangkad. Nazareth Villa yung name nya. Banal kaya sya?? Malay natin diba.

Hay asan na kaya yung dalawa?? Makakain na nga lang muna! On the way na ko sa canteen namin...."Ouch!"

"Sorry.... oh Kathrina ikaw pala. Sorry talaga." Si Naza lang pala.

"O-okay lang ako. Tsaka di mo kasalanan lampa lang talaga ako." Syempre pakipot muna. Ahahaha

"Hu-huh di mo kasalanan. Ako nga yung nakabangga ehh. Wag mong sasabihin na lampa ka ha. Geh alis na ko."

"Sige bye Naz." Hay sweet nya noh. Sana sakin lang. Cold din  kasi yan sa mga kaklase namin. Kumbaga wala syang kaibigan. Ay joke lang pala may mga kaibigan din sya. Kaso... hay basta ewan. Ayoko ng magsalita kakain na lang ako. Mabubusog pa.

Lunch time naman namin kaya ok lang kumain. One hour and thirty minute yung lunch time namin. Haba noh. Pero minsan di yan natatapos kasi ang haba nga naman.

"Ate isa..... ay dalawa.... ay tatlong sandwich po tsaka potato chips tsaka isa pong juice at water." Dami noh. Hihihihi!

"Mabubusog ka ba ng lagay na yan??"

"Okay na po yan ate. Madami naman po yung sandwich ehh."

"Oh sya sya ito na yung pagkain mo."

"Thank you po." Sabay abot ng bayad.

Hay san ako uupo? Wala kasi yung dalawa ehh. Kainis naman! Dun na nga lang sa dulo!! Ako lang tuloy yung magisa dito!! "Hay...." napabuntong hininga na lang ako.

"Okay it's time to eat. No more daldal." Hay sarap talaga ng pagkain dito.

"Oh my nanjaaaan na silaaaa!! Ahhhh!" Bat kaya sisigaw!! Ang ingay ng bunganga ehh!! Kakain na nga lang SISIGAW PA!!

"Hala ka bes naka tingin sakin!!"

"Wag kang ano jan sakin kaya!" Ahaha lalandi ehh!

Pero teka sino ba yung mga yon?? "Oyy Kata nakain ka di mo kami tinatawag!" Tangina nabulunan ako! Langya sila lang pala!!

"Bakit responsibilidad ko ba kayo??! Ang yayaman nyo tas di kayo makabili ng pagkain nyo!!" Tangina nagulat din ako dun ha!

"Sorry na sorry na, chill lang bro. Masyadong nagagalit ehh." Si Bryan na lagi akong inaasar.

"Ayy sakanya pala. Landi ehh." Abay bwiset na yon! Pinaparinggan ata ako!! Pero as lagi kong ginagawa DEDMA na lang. Kasi alam ko na di yon totoo.

"Oyy hep hep hep, ano yan??" Tanong ni Matt sabay turo don sa chips ko.

"Pagkain. Bakit gusto mo?" May halong pangaasar. Ahahaha!!

"Anong gusto ka jan?? Bawal sayo yan babae!" Di kaya!

"Huh di kaya! Pwedeng pwede kaya sakin yan bleeh!" Kukuhanin ko sana ng kinaha agad ni Mark at kinain!!

"Ho-hoy akin yaaan!"

"Huh sayo pala to?? Kala ko akin ehh sige salamat!" With smiling face pa ang kuya nyoo!! Kagigil!! Akin yon ehh!

"Yown maraming salamat pare! Oh yan wala na yung chips mo ahahahaha!!" Bwiset na Bryan at Mark!!

"Oh eto na lang kainin mo healthy pa." Pagkasabi nya non nilapag nya sa harap ko yung apple.

"Woah! Thanks! Fav ko to!!" Wooh may apple akooo! Lab na lab ko yung apple ehh. "Oh asan si Ken?" Tanong ko habang kinakain yung apple.

"Huh ah andon oh nakapila. Bibili ata?"

"Seryoso ka ba talaga oh ano??"

"Huh bakit naman?"

"Ang tanga mo daw kasi Bryan! Ahahahaha!"

"Natumpak mo Matt! Ahahahaha!"

"Sino bang nakapila ang hindi bibili?" Seryosong tanong ni Mark. Natahimik na lang si Bryan. Habang kami tawa ng tawa.

Yan ang apat kong kaibigan. 😃😃

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Of The BoysWhere stories live. Discover now