May nakaraan ako na pilit ibinalik ng panahon.
Isang nakaraan na nagpabago ng panahon ngayon.
Nakaraan na dapat ay tapos na noon pero...bumalik ako.
Pinaramdam niya sa akin ang hinagpis, hinanakit, sakit, poot at galit.
Naramdaman ko ang mga yun.
Lahat ng kalungkutan ay nakita ng aking mga mata.
Gusto kong pumikit ngunit nais ko rin makita.Nais kong makita ang istorya ng nakaraan.
Ang aking mga akala na sa libro ko lang mababasa.
Mga akala na ito ay likha lamang.Ngunit akin itong naramdaman.
Nakita ko mismo.
Paano ko ito malalagpasan?
Paano ako makakatakas?
Ano ba ang dapat na gawin?
Paano ako makakawala sa istorya ng nakaraan?

BINABASA MO ANG
Ang Istorya ng Nakaraan
Historical FictionMay nakataan ako na pilit ibinalik ng panahon. Isang nakaraan na nagpabago ng panahon ngayon. Nakaraan na dapat ay tapos na noon pero... bumalik ako. Pinaramdam niya sa akin ang hinagpis, hinanakit, sakit, poot at galit. Naramdaman ko ang mga yun. L...