01

14 1 0
                                        

"Rizal literaly left his footprints in Philippine history. He left us his writings, his drawings, paintings, engravings, sketches, maps and plans. Rizal possessed an almost hysterical faith in the native capacity of his people and wasted no time in showing this to the world. One may search far and wide and still be hard put to find a national hero anywhere in the world approaching the culture and talent of the Filipino national hero."

Marami akong kilalang bayani pero bakit ba sikat na sikat si Rizal? Eh ang tanging ginawa niya lang naman ay ang magsulat. Meron namang Andres Bonifacio. Kaso pinatay siya ni Emilio Aguinaldo. Not literaly kasi pina-utos niya lang. At saka si Emilio Jacinto, Utak ng Katipunan. Bakit si Jose Rizal ang tinaguriang "Pambansang Bayani"? And he was also called the "Greatest Filipino". Why?

"Apo?" Sinarado ko yung aklat na binabasa ko. Nandito si lola? "Apo? Anong ginagawa mo diyan?" Narinig ko siya sa labas ng aking silid. Pumasok siya sa kwarto ko. Napangiti agad ako ng makita siya. Ang tagal na rin pala naming hindi nagkikita. Mga dalawang taon na rin. Miss ko na si lola ko~

Tumakbo ako palapit sa kanya kaya't napatawa siya. Agad akong yumakap sa kanya kaya lalo siyang napatawa. "Lola~ Miss ko na po kayo."

"Ako rin apo." Naramdaman ko na yumakap din siya sa akin. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Ang tanda na rin pala niya. Puro wrinkles na yun mukha niya. Kulubot na rin yung mga kamay niya at mga paa. "Anong ginagawa mo dito ng mag-isa?" Tanong niya. Pinaupo ko naman siya sa aking kama habang ako ay tumabi sa kanya.

Siya si Lola Yana Yazawa Delagoza. 73 years old pero feeling teenager pe rin. Medyo malakas pa naman siya.

"Nagbabasa lang po ako ng mga historical fiction La." Hindi naman talaga ako mahilig magbasa ng mga historical. Napagtripan ko lang kanina dahil nakita ko yung librong yun sa lamesa ni Mama. Pinuslit ko muna. Wala naman kasing nakakita.

"Aba! Mahilig ka pala sa ganiyan?" Gulat na tanong niya sa akin. Umiling ako sa kanya. "Hay, ang laki mo na. Parang dati binubuhat pa kita. Pinapaliguan. Pinapadede. Sinusubuan ng pagkain. Hinuhugasan ng pwet-"

"Lola naman!" Tinigil ko yung pagsasalita niya at agad siyang napatawa. Sa lahat ba naman ng pwedeng alalahanin ay yun pa talaga? Pwede namang iba eh.

"Nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi lang talaga ako makapaniwala na ang dati kong baby ngayon ay dalaga na." Hinaplos niya ang mukha ko. Para bang inaalala niya ang lahat lahat noong bata pa ako. Sabagay, bata pa lamang ako ay siya na ang nag-alaga sa akin. Simula pa nga yata noong sanggol pa ako. Ang pagkakatanda ko kasi ay laging nasa trabaho sina mama at papa noon kaya lagi nila kaming iniiwan ng kapatid ko kay na lola.

"Nasaan na nga pala yung kuya mo?"

"Pauwi pa lang yun lola. Minsan kasi nago-overtime yun eh. Masyado na siyang workaholic. Tsk tsk. 24 pa lang siya." Napailing na lang ako. Si kuya Lynard talaga, kahit kelan! Siya ang panganay at ako ang bunso. Bale, kami lang dalawa ang magkapatid. Masyado niya kasi isinusubsob ang sarili niya sa pagtatrabaho. Tumutulad ata sa mga magulang namin. Kaya walang girlfriend eh.

"Hayaan mo na siya. Tutal para rin naman sa iyo yung ginagawa niya. Para sa pamilya niyo."

"Nakakainis kasi siya eh. Hindi ko tuloy alam kung lalaki pa siya. Wala man lang girlfriend! Tatanda siya ng binata eh." 24 na siya at hanggang ngayon wala man lang siyang nagiging MU. O kahit man lang crush. Mahal na mahal niya kasi yung opisina niya sa Maynila eh.

"Hahaha. Ikaw talagang bata ka. Oh siya." Tumayo si Lola at nag-inat inat. Lumagutok pa nga yung buto eh >○<

Tinulungan ko siyang maglakad hanggang makalabas kami sa aking silid. Walang katao tao ang bahay namin pagkalabas namin. Napatigil ako ng biglang huminto si lola sa paglalakad. Humarap siya sa akin at tumitig na mataga na para bang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi. Para bang kapag sinabi niya sa akin ito ay bigla na lamang akong mawawala. Nakikita ko kasi sa mga mata niya ang lungkot. Bakit kaya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Istorya ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon