Hindi ko alam

6 0 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit kabisado ko ang bawat mga kilos mo, bawat hikab mo, ang mga ngiti mo.
Hindi ko alam kung bakit gustong gusto kong tignan ang mga mata mo na laging humuhuli sa bawat pagsulyap ko.
Na ikinatutuwa ko kasi kahit papaano tinitignan mo rin pala ako.
Hindi ko alam kung bakit sobra akong apektado sa'yo sa bawat simangot mo sa bawat hagikgik mo at sa bawat pagkausap mo sa ibang tao.
Hindi ko alam kung bakit gusto kita dahil ba sa buhok mo, sa tenga mo, sa noo mo, sa mata mo, sa ilong mo, sa labi mo, sa baba mo, sa leeg mo, sa dibdib mo, sa tiyan mo, sa............
sa lahat ng bagay na bumubuo sa'yo.
Hindi ko alam, Hindi ko alam bakit sa'yo ko lang naramdaman 'to, bakit hindi na lang doon sa tiyak na mayroon akong pag-asa.
Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami bakit ikaw pa, bakit sa'yo pa? na may minamahal ng iba.
Hindi ko alam kung bakit ba kasi siya pa ang ginusto mo? Bakit ba hindi na lang ako? Hindi ba ako kagusto-gusto?
Hindi ko alam pero sabi nila matalino naman daw ako .
Kasi simula noon hindi talaga ako nawawala sa top ng klase.
Pero bakit noong nakilala kita parang mas mahina pa 'ko sa mga kaklase kong laging napapalabas sa klase.
Ibang klase! yan na lang ang nasasabi ko tuwing naiisip ko kung paano tumitibok ng napakabilis ang puso ko kahit pangalan mo pa lang ang marinig.
Hindi ko alam pero kapag nagdidikit ang balat natin kahit 'di sadya parang may nararamdaman akong nginig.
Hindi ko alam kung napapano na ba ako.
Nababaliw na ba ako? sa taong kaibigan lang naman niya ako.
Hindi ko alam kung paano ba to nagsimula, dahil yata noon sa pagbukas mo ng pinto para sa'kin.
Hindi ko alam kung paano ko rin tatapusin 'tong tula katulad ng nararamdaman ko sa'yo na parang lumalala pa yata, pero 'di ko pa rin naaamin.
Hindi ko alam bakit ba hinayaan ko ang sarili kong mahulog sa'yo kahit na malamang wala akong tiyansa.
Hindi ko alam kung dapat bang umasa pa o tumigil na.
Sana hindi ko na lang nalaman ang pangalan mo.
Sana hindi ko na inalam kung anong klaseng pagkain ang mga hilig mo.
Hindi ko talaga alam kung matatapos ko pa 'tong tula dahil kahit mahigit isang daang tula kaya kong gumawa.
Maipahiwatig lang lahat ng nararamdaman ko mula nang makilala kita.
Pero lahat naman kailangan tapusin.
Parang yung pagpilit ko sa pag-asang matutuloy pa ang pagmamahalan natin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindi ko alamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon