Sander's POV
" 1, 2, 3, and... 4. Then turn.... and jump." andito ako sa Practice Room ng school na pinapasukan ko. Obviously, sumasayaw ako.
" Okay guys! That's all for now. We'll continue this tomorrow." sabi ng choreographer namin.
I'm student here and member din ako ng Official Dance Group ng school. I am very busy because of the competition we will be joining. Hassle pero Dream ko 'to. Dream namin 'to ng mga members. Ang manalo sa darating na kompetisyon.
Inayos ko ang mga gamit ko pagkatapos kong magpahinga saglit. Lumapit naman sa akin si Ace, my co-member.
"Dude! Sama ka?" aya niya sa akin habang ako nakatingin lang sa kanya.
"Oh c'mon! We'll have some fun! Hayaan mo muna si Ayah dun sa condo niyo." dagdag nito.
Well, it's not bad if i try, right?!
***
Ayah's POV
"Hmmm. Sarap!" sabi ko at inilapag ang platong naglalaman ng newly-cooked pizza.
"Siguradong matutuwa si Sander." isip-isip ko.
Malamang ay pagod nanaman 'yun galing sa practice. Nakainom kaya siya ng maraming tubig? O kaya, napunasan niya ng mabuti ang likod niya? Baka magkasakit siya. Pero binilin ko naman sa kanya na ingatan ang sarili niya.
Kagagaling ko lang sa eskwelahan at agad akong dumiretso dito sa condo na tinitirahan namin. Kasama ko rito si Sander.
Alam naman ng parents namin 'to. Pumayag sila dahil alam nilang responsable na kami at alam na namin ang ikinikilos namin.
Maya-maya pa ay narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto. Andyan na siya.
Sinalubong ko siya at binigyan ng halik sa pisngi. Mukhang wala sa mood 'to ha.
"Pagod ka ba? I cook your favorite, kain ka muna." sabi ko at akmang hihilain ko sana siya papunta sa kusina nang hinugot niya pabalik ang kamay niya.
Dumiretso siya sa kwarto niya. Oo, hiwalay oa rin kami ng kwarto kahit na magkasama kami sa isang bubong.
Ilang saglit pa ay lumabas na rin siya... at bihis na bihis. Aalis siya?
"Uhm... Aalis ka? San ka pupunta? T-teka lang, sasama--" pinutol niya ang sasabihin ko.
"Im going out. Niyaya ako ni Ace kasama ang ibang members. Don't wait for me. I'll go home late." sabi niya at tinalikuran na ako.
Siguro... Nagkayayaan silang lumabas. Wala naman silang ibang gagawin, diba?! Diba?!
***
Sander's POV
Pumasok na ako sa bar na pagmamay-ari ni Ace. A gift from his parents. Psh.
Loud speakers, Dancing lights, Hard drinks, Sluts making out with the Jerks, Animals being wild on the dance floor.
'Yan ang nadatnan ko sa bar na 'to. Shit.
Dumiretso ako sa VIP Lounge kung saan naroon ang barkada. Aba! Kulang yata?!
"Where's Zac?" curious kong tanong sa kanila habang umuupo sa couch na inuupuan nila. Gitna pa ako. -.-
"Pass daw muna, ihahatid daw niya si Tita sa airport. Mama's Boy amputa! HAHAHAHA!" sagot ni Mike na ikinatawa ng barkada.
Kumuha naman ako ng isang beer mula sa bucket na nasa lamesa at tinungga ito. Ganun rin naman ang ginagawa ng iba.
BINABASA MO ANG
Worth (One-Shot)
RomanceYou"ll never see the WORTH of someone until they leave your side.