Chapter 1May nakita si Jane na babaeng nakatalikod. Sabik na sabik siya. Tila ay matagal niya na itong inaasam na makita. Lumkad pa siya para makalapit sa babae.
"Ang tagal kitang hinintay" sambit ni Jane sa babaeng nakatalikod. "Tinatawagan kita netong bakasyon kaso di ka naman sumasagot." Dagdag pa ni Jane. "Ano bang nangyari sayo at di mo nasasagot?" Tanong niya pa sa babae.
"Ikaw din matagal ko ng hinahanap." Sagot ng babae habang nakatalikod kay Jane. "May pakiusap sana ako sayo." Dagdag pa ng babae.
"Sige. Ano ba yun?" Tanong ni Jane sa babae.
"Sana bigyan mo ng hustisya ang pagkamatay ko." Sagot ng babae. Naguluhan si Jane kung bakit ganun ang sagot ng kaibigan.
"H-Ha? A-anong i-ibig mong sabihin?" Takang tanong ni Jane. Di naman sumagot ang babae at nanatiling tahimik. "Soph? Sophia? Uy." Tanong ni Jane at hinarap niya ang babae sa kanya.
Walang nagawa si Jane kung di sumigaw dahil sa takot. Nagising siya at namalayan na panaginip lang pala ang lahat ng iyon.
"Ahhh!" Sigaw niya.
Agad naman na dumating ang kanyang ina na si Josephine sa kanyang kwarto. Pilipinang pilipina ang nanay niya, malayo sa itsura niya na may mukhang Espanyol na lahi.
"Anak anong nangyari sayo?" Tanong ng nag aalala niyang ina.
"Ah eh ok naman po ako. Kaso...napaginipan ko po kasi si Sophia." Sagot ni Jane sa Ina.
"At?" Tanong ng ina na naghihintay sa sunod na mangyayari.
"Nay, si Sophia po kasi...may saksak sa katawan tapos...tapos sabi niya bigyan ko daw ng hustisya ang pagkamatay niya. Nay kinakabahan po ako." Kwento ni Jane sa ina.
"Anak. Panaginip lang yun. Minsan malayo sa katotohanan. Tawagan mo si Sophia para makampante ka na ayos siya. Ha?" Sabi ng ina habang kinakalma si Jane.
"Nay. Maiba po ako. Nay dalawang linggo na lang po magsisimula na po ang second semester." Sabi ni Jane sa Inang si Josephine. "Nay kailan po kaya ako makakapag aral?" Tanong niya sa ina.
"Nak gabing gabi na yan parin tanong mo? Ikaw talaga oh. Nak pasensya ka na ha. Wala pa tayong masyadong ipon e. Hayaan mo konting tiis nalang ha. Mag aaral ka rin." Pangako ng Ina kay Jane.
"Nay kung...lapitan ko po kaya si tatay?" Opinyon ni Jane.
"Nak. Pasensya ka na. Pero hindi. Hindi ka lalapit sa tatay mo." Sagot ng ina. "Nak. Mabuti pa matulog ka na ulit. Gabi na oh. Antok lang yan. Magdasal ka para di ka na ulit bangungutin ha." Sabi ni Josephine sa anak. Umalis na rin ka agad ang ina sa kwarto ni Jane.
Sumunod si Jane. Naiintindihan niya naman ang lagay nila. Oo wala silang masyadong pera pero maayos naman buhay nila. Humiga na ulit si Jane sa kama at nagdasal at nakatulog na rin agad.
*****
Kinabukasan
May kumatok sa pintuan ng bahay nila Jane.
"Josie? Josie?" Sigaw ng babaeng kumakatok sa labas.
"Nandyan na. Sandali lang." Sabi ni Josephine.
Binuksan ni Josephine ang pinto at nagulat siya. Nakita niya ang kaibigan na matagal niyang di nakikita. Masaya siya sa nakita niya, ito ay si Consolacion Cruz, ang ina ni Sophia na napaginipan ni Jane kagabi. Tama kayo magkaibigan si Jane at Sophia pati ang mga ina nila.
YOU ARE READING
Case Closed: Campus Killer
Mystery / ThrillerMay school na gustong pasukan si Jane, para sa kanya isang karangalan pag ikaw ay makakapag aral dito sa school na ito, dahil para sa kanya at mga naririnig niya, ang school na ito raw ay sadyang 'maganda' kaso walang sapat na perang pangpa-aral ang...