CHAPTER 4 (DATE)

12 0 0
                                    

CHAPTER 4 ( FIRS DATE)

Gerald pov.

"WOW! ang ganda naman dito at parang ang saya saya pa ! ay mali pala masaya pala talaga"  bakas sa mga mata ni yuri ang kasiyahan halatang halata na ngayon palang sya nakapunta dito . 

"nagustuhan mo ba dito?" tanong ko sakanya para makasigurado na din ako 

"oo sobra nandito palang tayo sa entrance ang ganda ganda na ang daming rides tapos ang daming tao tapos .... tapos ANG DAMI DIN PAGKAIN TARA DOON TAYO!" hinila nya ako papunta sa mamang nagtitinda ng cotton candy . ay oo nga pala nakalimutan ko sabihin dinala ko sya sa perya wala na kasi ako maisip na pagdalhan sakanya kung sa mall ko naman sya dadalhin malamang sawa na sya doon. ang gusto ko talaga dalhin sya lugar na di pa nya napupuntahan o di kaya napuntahan nya na pero gusto nya puntahan ulit . 

"manong pabili po ako yung pink gusto ko" akmang dudukot na sya sa bulsa nya ng mapansin nyang di nya makuha ang kamay nya na hawak ko.

"hep! di ba sabi ko threat ko ?" sabi ko sakanya habang hawak pa din ang kamay nya.

"sige gusto ko yan pero yung kamay ko pakibalik na sakin" 

"anong pakibalik baka nakakalimutan mo ikaw ang humawak sakin hindi ako .tsk hinawakan lang kita kanina nasarapan ka naman HAHAHHAHA" pang-aasar ko sakanya gustong gusto ko kasing makita syang naaasar.

"ang kapal mo talaga ! hindi ako nasarapan no" sabay hinatak ang kamay nya pero syempre di ako nagpatalo hinatak ko pero hindi buong pwersa baka masaktan sya eh

"alam mo ba may kasabihan tayo na NO RETURN NO EXCHANGE!" sabi ko sakanya na pinagdiin po ang huling sinabi ko 

"OU! ALAM KO YAN WAG KANG SUMIGAW" 

"eh alam mo naman pala eh bakit kinukuha mo sakin to?" tinaas ko ang kamay namin na magkahawak para ipakita sakanya.

"EH !KAMAY KO PO YAN BAKA NAGKAKALIMUTAN TAYO DITO" 

"wow intense akala ko ba walang sisigaw??"

"akin na kasi" sabi nya na pinipilit alisin ang kamay nya

"ayoko nga ganto na lang sige no return YES exchange na lang tayo" 

"ano nanaman yan ?" 

"Simply lang pag yes exchange ibig sabihin pwede mag-exchange!" sabay ngiti ng nakakaloko

"ano naman eexchange mo ??" 

"edi yung kamay pa din parang ganto " saka kinuha ang kabilang kamay nya.

"pagngawit na ang isa at medyo nagpapawis na edi yung isa naman . o diba astig nung naisip ko" dugtong ko

"ano bang kalokohan to akin na kasi sabi ehhhhhhhhhh!!!!" buong pwersa nya talaga hinila ang kamay nya.

"EHEM! kayong dalawa mag-aagawan na lang ba kayo jan ng kamay o aabutin nyo tong cotton candy na kanina pa nakabitin ? ako ang nangangawit sainyo eh .. tsk tsk! kabataan nga naman ngayon" 

nakalimutan na namin kanina kung nasan kami aa hahah kala ko nga nasa boxing ring ako kanina kaya pati toNG si manong di ko na napansin saka ko tignan si yuri parang sya din naman ganun kahit nakayuko sya nakikita ko pa din namumula sya siguro dahil sa sinabi ni manong .

"sorry manong" narinig kong sabi nya sa tindero saka inabot ng kaliwang kamay nya ang cotton candy . ako naman gamit ang kanang kamay kinuha ko ang pera sa bulsa at inabot kay manong at naglakad palayo.

"saan tayo unang sasakay?" tanong ko sakanya simula kasi nung nakalayo kami sa tindahan ng cotton candy di na sya nagsalita kinakain lang nya yung binili nya.

Next Level ..... L.O.V.E??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon