Hi, I'm Gorgeous!
Biro lang! HAHAHA
Ako si Hazel Aiken Narciso at may story ako
Sasabihin ko sayo..
'Wag mong ipag kakalat ha?! Kapag talaga! HAHAHA Biro lang
Sisimulan ko sa umpisa
'malamang'
Hazel ang tawag sa akin sa bahay pero Aiken ang tawag sa akin sa school
Sa school, Isa akong nerdy at medyo boyish. Pero kapag nasa labas ako ng school, masasabi kong 'kikay' ako.
Isa lang akong ordinaryong babae. Hindi ako sikat.
Maganda ako. Hindi sa pag bubuhat pero maganda talaga ako. Minsan nga sa school, kahit boyish ang drama ko, may bigla nalang lalapit tas bibigyan ako ng flower o chocolate.
Isipin niyo ha? Nerd ako niyan. Plus boyish ang aura ko. I-dagdag mo pa na hindi naman ako sikat. Ganon ako kaganda! Hahaha
hindi naman kasi OA yung pagka nerd ko. Naka suot lang ako ng nerdy glasses- na walang grado-, tapos mas naka focus ako sa acad kesa sa ibang bagay. Wala nga ako masyadong kaibigan e. Marami akong kakilala at nakakausap pero hindi talaga yung matatawag na 'friends'.
Well, ok. Sabihin na nating hindi ako nerd. ANTI- SOCIAL nalang
GANON AKO KABORING!
Tingin ko normal lang naman iyon. Wala lang tingin ko lang.
Madami din namang anti-social sa mundo no?! Hindi naman ako naiiba
Tina-tanggap ko din ang mga binibigay nila o kaya naman yung mga pa offer offer nila ng buhat sa mga gamit ko.
Babae rin naman ako -kahit hindi halata. Marunong ako tumanggap,
Natatakot din kasi ako kasi baka pinag tri-tripan lang ako. Alam niyo na? Diba Yan naman talaga kadalasan nangyayari?
Well, ganyan ako ka professional mag over think! Napupunta agad sa mga ganon! Wag ka na makialam! HAHAHA
Pero totoo naman diba? Tulad ngayon, may lumapit sa akin na ihahatid daw ako sa room namin, kinuha niya pa ang backpack ko na sobrang gaan naman at kayang kaya kong dalhin.
"Woah Nick!"
"HAHAHA! Tingnan niyo si Nick"
"SI NIck! Si Nick!"
"Go Nickkk! Nandito lang kami! HAHAHA!"
Ilan lang yan sa mga naririnig ko. Ano ba nangyayari sa kanila? At, sino ba si Nick?!
Grabe! paano ba nila napapasok lahat ng mga pangalan ng kakilala nila sa utak nila?! Kung mga formula pa sana o kaya elements nilalagay nila sa ulo nila. Bakit ko ba sila ini-intindi? Psh
pagdating namin sa room, kinuha ko na ang gamit ko mula sa kanya at nag pasalamat na rin doon sa nag hatid sa akin. Papasok na sana ako sa loob pero tinawag niya ako
"Uhh, Ken. Pwede ba manligaw?"
See? ngayon ko nga lang nakita ang asungot na ito e
"Sorry" may hinihintay ako e
Kakaupo ko lang sa upuan ko nang biglang may narinig akong sigawan sa labas ng room namin. Hindi ko nalang iyon pinansin. Alam ko namang walang kwenta yun!
Kinuha ko ang phone ko at sinaksak sa tenga ko ang earphones ko-
-
Nandito ako ngayon sa isang room sa school. Pinasdya ito para sa sikat na banda ng school namin, Tear Here Band. Ang sosyal no? May sariling room!
BINABASA MO ANG
Sassy Nerd
Teen Fiction'Di bale, may makikilala rin ako. Ay mali, para hindi na lumayo. "Makikilala ko rin siya" -Hazel Aiken Narciso