[Krizia Therese Lucban's POV]Uwian. Ang pinakahihintay ng lahat ng estudyante marahil sa boring ang lesson, swerte ka kung History pa. Kaya ngayon, sa sobrang tuwa ko ay napasigaw ako at ako ang naunang napasipa sa labas ng classroom. Ouch, ha.
Pero okay na yun. Kanina pa ako inaantok. Projects, Assignments, Groupings, ano pa ba? Lahat nalang. Sana may 'No Assignment Policy' na pinapatupad. Ano nalang ang oras para sa sarili, diba?
Dismissal na, dahil 4:59 PM na. 5:00 sana yun kaso inadvance ako ng Lecturer. Kaya ko namang lumabas mag isa, eh. Kailangan pa akong sipain? Kaloka.
Habang naglalakad na parang lasing dahil sa kaantukan, nakakita ako ng pulubi sa daan. Nilapitan ko sya.
"Ate, kyah pembarya." Pati ba pulubi alam na ang uso ngayon? Infairness, di ko nga alam yung sinabi nya, eh.
"Ha? Anong sabi mo, ateng?" Dahil parang magsing-edad lang kami. Tumayo sya dahil nga sa nakaupo sya sa gilid at nakapamewang. Infairness wala syang buhok sa kilikili at maputi pa. Pulubi ba talaga to?
"Hay nako. Sino ba ang mas updated satin, ha? Eh parang mas may alam pa ako sayo, eh." Biglang may nilabas sya na gamit at sisigaw sana ako ng 'HOLDAP! HOLDAP!' pero nakita ko na cellphone na gawa lang pala sa karton kinuha nya.
"Haler? Oh, ermats! Wer na u? Ahh sige. Nandito pa ang daughter mo. Sige! Brb!" Sabi nito saka pinatay ang tawag. "Ikaw, maganda ka nga, wala namang alam! Hmmp!" Sabi pa nito at tinalikuran ako.
"Hoy wag mo akong tinatalikuran!" Sigaw ko sa kanya. Lumapit ito sakin habang umaatras naman ako.
"Nakaharap ako sa'yo! Ayan oh!" Turo pa nya sa mukha nyang madaming dumi. Kita pa muta sa mata nya. "Bulag ka na ba?" Tanong pa nya.
"Ayy.. Sorry naman. Malay ko bang nakaharap ka na. Hindi halata eh." Sabi ko at tiningnan ang walang laman nyang dibdib. Dumukot ako sa bulsa ko ng piso. May barya ata ate mo! "Oh eto piso." Aabutin nya na sana nang binawi ko ulit. "Anong pangalan mo?"
"Blaze po. Hihi." Sabi pa nya. Ay lande. Landede. Jusq.
"Oh Blaze oh." Binigay ko yung piso. "Bahala ka na sa gagawin mo. Ktnxbye." Sabi ko at kinawayan sya bago umalis.
"Bye ate na panget naman!" Sabi nya. Aba't inaasar ako. Humarap ulit ako.
"Share mo lang?" Oha. Kala nyo magpapahuli ako? Hinde!
Pagkauwi ko, binagsak ko ang katawan ko sa kama at ilang saglit lamang ay nakatulog na ako.
Paggising ko, isang masalimuot na amoy ang nasinghot ko. Ano ba yon? Tinignan ko at may tae ng aso ang kwarto ko. Kadiri.
"PEPSI!" Tawag ko sa napakabait kong bulldog na aso. "Pepsi what have you done?" Page-English ko sa walanghiyang aso. Tumahol lang ito. "Nasaan si mama?" Tumahol ito at sinenyas na nasa kusina. Anong oras na ba? And it is... Kyaaah! Pembarya. Ang aga pa pala.
Bumangon na ako sa kama kong malambot na kasing lambot ng poopoo ni Pepsi na lilinisin ko. Takip ilong na nilinis ko ang sahig dahil parang naka-imbak ng isang taon sa tyan ni Pepsi ang amoy ng tae nya. Ang baho! Wala. Share ko lang. Paki-like please?
So yun. Pagkatapos nun, ako na ang naglinis. Papatalo ba ako? Gustong makisabay ni Pepsi kaso bawal. Naka hubo't hubad ako baka rape-in nya ako sa loob ng kubeta. Pwede sa hotel. Sa kubeta? Eww!
Pagkatapos nun ay syempre lumabas muna ako sa kubeta. Yung iba nakabihis na kahit di pa nakakalabas sa kubeta. Paano kaya nila nagagawa yun? Super powers?
Pagkatapos lumabas ay nagbihis na ako ng uniporme kong susuotin. Mabango syempre dahil Downy ang ginamit ko. Pagkatapos ay nag-ayos na ako saka lumabas dahil handa na ang almusal ni aqouh.
"Krizia! Kumain ka na!" Unli to si mama eh. Sarap paloadan ng UCT30 sa Smart. Wala kasi akong Globe.
"Andito na!" Sabi ko saka lumabas sa kwarto. May banyo kasi kwarto ko. Share ko lang ulit. This time pwede bang paki-comment?
Yung ulam namin ay bacon, at hotdog. Ang sarap. Share ko lang ulit.
Mga 30 mins. Ata bago ako natapos. Nasarapan ako sa ulam eh. Kahit yung hotdog palaman cheesedog kalahati sunog. Nag-ayos na ako dahil baka dumaan si crush at yung pangit na pulubi na si Blaze ata yun? Aners? Petron Blaze ganon?
"Ma, alis na ako." Paalam ko. Nagflying-kiss nalang ako dahil mahaba pa ang byahe sa eskwelahan.
Kung di nyo natatanong, 4th Year palang ako. Share ko lang. Please like and comment.
Pagdating sa school, andun na si bessywaps.
"Mariang di na birhen!" Tawag ko sa kanya. Syempre joke lang yun. Birhen na birhen ang minamahal kong kaibigan.
"Kriziang unggoy!" Tawag nya. "Oh ano? Kamusta ang buhay na parang layp? Naintindihan mo ba or do you understand? Or hindi mo maintindihan kaya you don't know. Charr." Ang korni naman neto. Tss.
"Halika na nga--" Pagharap ko ay may nakabangga akong mabango at dali dali syang umalis without saying a word. Nays. Nag-English lola nyo! May nahulog syang papel na kulay pink. Bakla ba si kuya? Kuya kasi lalaki nakabangga ko.
"Hoy RC!" Narinig ko naman ang tawag ni--- bigla nya rin akong binangga at may naiwan syang red na papel. Sya si---
"Zaf." Oo. Si Zaf. Si Zaf na hearthrob sa buong school! Nakabangga ko! Kyaahh~ pembarya. At yung isa kong nakabangga ay si..
"RC?" Kung sinuswerte ka nga naman. Dalawang crush-slash-hearthrob ang nakabangga mo. Hawak hawak ko padin yung mga naiwan nilang sulat. Binuksan ko muna ang sa kulay pink at nagulat ako sa nakalagay.
'Hi, Krizia. You look more gorgeous today. -M'
Si RC? Seryoso? Magsasabing maganda ako? Ngayon? Baka pinadala nya lang? Nagkibit-balikat nalang ako. Sinunod ko yung pulang papel.
'Hi. Notice me, please? -A'
Si Zaf? Magsasabi nun? In my dreams. Ayokong umasa. Masakit yun sa bangs. Like Bang!
"Bes! Tignan mo--" Paglingon ko wala na si bes. Pah sa ganitong bagay hindi kami magkasundo. Parehas kasi kami ng ginugusto. Saklap.
"Haba ng hair mo kasi!" Nagulat ako dahil biglang sumulpot nalang si...
"Blaze?" Yung babaeng pulubi. Naka dress sya na puti. Nasa lamay ba sya or sya ang pinaglalamayan?
"Nakita mo lang akong maganda eh. Wag ka na magdeny." Aba't makapal din pala ang peslak ng Blaze na to eh.
"Bwiset!" Sabi ko at nag-walkout. Basta.. Di ko makakalimutan ang pagkabunggo nilang dalawa sa akin at ang mga letter na to. Para pala to sakin?
Nakakaloka. Can you spell?
R.C.a.t.Z.A.F.
Nakakamatay.
YOU ARE READING
A Chimerical Love
Teen FictionI M A G I N A R Y 9 letters. O sige tagalugin ko. Siyam na titik. Pero para kay Krizia Therese Lucban ay isa na ito sa pinaka worst na salita na alam nya. Wala namang ginawa sa kanya. Drama nya lang yan. So eto na, siguro nga masasabi nyang isa ito...