Kabanata 2

624 16 0
                                    

Kabanata 2

Tulala ako sa note na nasa palad ko buong oras. Halos memoryado ko na ang nakasulat pati ang mga lukot nito. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman. I want to get mad to that stranger for interrupting my suppose to be death. I want to be mad to myself for hesitating to take my own life after reading the note from him. How can I let a stranger change my decisions earlier?

Kung hindi siguro dumating ang lalaking iyon, siguro ay nasa pinaka ilalim na ako ng tubig na iyon. Nalulunod at unti unting nag aagaw buhay. Or maybe the other way around. Siguro ay may ibinabalita na ngayon na isang bangkay na natagpuan sa ilalim ng Passerelle. I wonder what will they put on my tombstone after my death.

The aroma of coffees inside Bretelles made me crave for refill. Pero kailangan ko tipirin ang tanging laman ng wallet ko. Funny how I became suddenly concern for myself as if I wasn't trying to kill myself last time. Oh well, itutuloy ko pa rin naman ang lahat. Siguro sa pagkakataong ito, wala na pipigil sa aking balak.

Pinagmasdan ko ang buong cafe. May mga naka frame na inspirational quotes sa bawat pader. Bigla ko tuloy naalala ang note na binigay ng hindi ko kilalang lalaki.

Its so fascinating that these words can make everything change for awhile. At least someone bothered to care. At least someone bothered to remind me that life is really worth a second chance. But I'm sorry, matagal na ako nakapag decide.

Binasa ko uli ang note.

"If u hate your life, change ur way of living, don't kill yourself because what if. . ."

What if?

The question was stuck somewhere in my brain.

What if? What if I can be an author someday? What if I can finally have a chance to continue my study? What if I can make enough money to go back to my own country?

There's a lot of what ifs inside my brain but it didn't renewed my hope. I am just so tired.

Hindi ko namalayan ang oras hanggang sa lapitan na lamang ako ng crew ng Bretelles. Tyaka ko lamang napansin na halos na ako na lamang ang nasa loob ng cafe.

"I'm sorry to bother you but we really have to close the cafe now." Isang ngiting nakikisimpatiya ang iginawad ng babae sa akin. Her hair is dirty blond and the freckles on her cheeks are noticeable.

"I'm sorry ma'am." Tumayo na ako sa upuan. I returned the warmth of her smile and walked away.

"Ma'am." Hindi ko inaasahan ang bigla niyang pag tawag.

"Yes?"

"Are you alright?" Itinagilid niya ang ulo niya, sinusubukang basahin ako nang mas malalim.

I nodded politely. I hope I convinced her with that. Ayoko lang talaga na bigyan pa siya ng mga negatibong emosyon kung mag oopen up ako sa kaniya. At isa pa, hindi ko siya kilala.

"If there is anything that you need, you can just come around and look for me, okay?" Aniya at inabala ang sarili sa paglinis ng iniwanan kong table.

Pagkalabas ko ng cafe ay napag isip isip ko kung gaano ba ako mukhang kawawa ngayong gabing ito para tratuhin ako nang ganoon. Not that I'm complaining, hindi lang ako sanay lalo na at ngayon lang ako napag isa sa labas nang matagal.

Ibinuka ko ang leather wallet ko. I only have two euros left at hindi ko alam kung ano ang mararating nito. I don't have any spare clothes with me. Hindi rin ako nakapag dala ng extra money. Moving to another place isn't on my plan anyways. To die was my plan not to live kaya hindi na ako nag dala ng gamit.

Palakad lakad lang ako sa side walk, hindi sigurado kung saan ang destinasyon. Hahayaan ko na lang siguro dalhin ako ng mga paa ako kung saan ako tangayin ng mga ito. O siguro papunta nga uli talaga ako sa Passarelle. Pero hindi ko tiyak kung saan ang papunta roon.

Marami akong nadaanang mga stores. Mga coffee shops at iilang convenient store. Boutique at mga perfume store. Maraming magagandang gamit sa loob pero hindi ko nabigyang pansin ang mga ito. Mas nabigyan ko ng tuon ang mga taong naninirahan na lamang sa mga gilid nito.

Noong unang beses pa lang ako tumapak dito sa Strasbourg, gulat na gulat ako na may mga pulubi rin pala rito. Noong nasa Pilipinas kasi ako, akala ko ay napaka higpit ng mga batas nila dito kaya imposibleng magkaroon ng mga tao na natutulog sa daan.

Sa tuwing may nadadaanan akong mga tao na nanghihingi at nagmamakaawa sa kakapiranggot na euro coins, may mga realisasyon na pumapasok sa isip at puso ko. Ang mga taong ito ay halos pagkaitan na ng lahat, halos tapakan na ng tadhana pero sinisikap pa ring mabuhay. They are striving to live even though they have a million reasons to put an end on their sufferings. Paano nila nagagawa iyon? Paano nila nagagawang maging napaka tatag, napaka tapang sa mga ganitong sitwasyon? Sana alam ko. Sana ibahagi nila para malaman ko.

Nakaramdam ako ng pangalalay ng binti. Wala akong maupuan kaya napag desisyunan kong maupo sa tapat ng Vent Divin. Gustuhin ko man mang take ng taxi pero ang pera na mayroon ako ay hindi na sapat para roon.

Pinagmasdan ko ang mga sasakyan na dumaraan sa harap ko. Nakakatuwa. Nakakatuwa isipin na ang mga sasakyan na ito ay patungo sa kani kanilang mga tahanan. And finally, they can have a time with their own family after a long days from work. Ang magpakamatay sa pamamagitan ng mga sasakyan na ito ay malaking abala sa mga taong pauwi upang makita ang pamilya nila. Ayoko nang maka abala pa. I want to die on my own.

That explains why I want to kill myself on that bridge. Kasi alam ko, alam ko na pag nahulog na ako roon, wala na magagawa ang mga nakapanood. Ang tanging maabala ko lang siguro ay ang mga pulis na maglalaan ng oras upang iahon ang bangkay ko.

Sino kaya ang tatawagan nila pag natagpuan ang walang buhay kong katawan? Will they call my step dad? How silly of me to ask myself that. Siya lang ang kilala ko dito sa Strasbourg, natural siya lamang ang tatawagan. Paano kaya siya magrereact? Magiging malungkot ba siya? O ipagsasawalang bahala dahil ano nga ba naman ang pananagutan niya?

Hindi ko alam kung ilang oras ang nagdaan. Pero alam kong malalim na ang gabi. Nangangatog na ako sa lamig sa kabila ng coat na mayroon ako. If I fell asleep, buhay pa kaya akong magigising? Sana hindi na.

There are still cars passing by. Bawat oras na pumapatak ay paunti nang paunti sila. I don't mind staying here. I don't mind being interrupted by a group of cat callers. Hindi naman nila ako mapapansin dahil para sa kanila, isa na ako sa mga pulubi ng Strasbourg.

It seems like I was already lifeless while staring at the other side of the street. May isa ring pulubi roon na nakahawak sa isang bote ng whiskey, nakahiga sa tabi at ginagamit ang isang trash bag upang panlaban sa nakakamatay na lamig.

Inabala ko ang sarili ko sa panonood doon. But suddenly, a familiar car stopped in front of me, blocking my line of sight.

Nang bumukas ito ay nakita ko ang step dad ko. Bumangon ang pag asa sa dibdib ko. Pero hindi niya ako ningitian. Walang makikitang pag aalala sa kaniyang mukha. Did he came to look for me? Did he bother to find me because he is concern for me?

With a stone cold face, binuhat niya ang isang kahon mula sa loob ng kotse. Para bang isa itong pagkain ng hayop nang ihagis niya sa kinaroroonan ko. As soon as the box hit the pavement, the things that I own scattered around the concrete. Natulala ako roon, hindi makapaniwala. I was still puzzled, confused of what just happened.

Bago ko pa makuha ang sagot ay humarurot na paalis ang kaniyang Coupe.

Things I Cannot SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon