Warning: The following story may trigger people who experience depression and having suicide thoughts. Please read at your own risk. You have been warned.
Babala: Ang mga sumusunod na storya ay pwedeng maka-apekto sa mga taong nakakaranas ng depresyon o nagkakaroon ng suicide thoughts. Pakiusap basahin ng may pag-iingat.
"Bakit kailangang mabuhay ng isang tao?" tanong na laging pumapasok sa isip ko habang tinatakbo ako ng kaklase ko sa hospital. Ako nga pala si John, isang normal na studyante. Wala na akong mga magulang, matagal na silang lumipas sa mundong 'to. Car accident ang dahilan kaya wala na sila, ako lang ang nag-survive.
Bakit ako sinusugod sa hospital? Ahh sinubukan kong tapusin ang buhay ko. Lumaki akong mag-isa ng walang sumusuporta sa akin. Lumaki ako sa ampunan doon ako natutong magsulat at magbasa. Nagiging masaya na sana ako pero isang araw bigla nalang may dumating na mag-asawa sa ampunan. Well sa madaling salita inampon nila ako. Nagkaroon ako ng pansamantalang mga magulang. Ramdam ko naman na mahal nila ako pero hindi ko alam bakit hindi ko makuhang sumaya kapag kasama ko sila. Pinag-aral nila ako hanggang sa makatapos ako ng highschool. Magccollege nako nang biglang nagkasakit ang step-dad ko. May cancer pala siya. Di rin nagtagal ay iniwan niya rin kame ng step-mom ko. Hindi lumilipas ang mga gabi ng hindi ko naririnig ang iyak ng step-mom ko, samantalang ako hindi ko man lang makuhang magpapatak ng luha para sa step-dad ko. Nag-decide akong kumuha ng dorm para hindi nako dumagdag sa alalahanin ng step-mom ko. Dahil wala ng ibang magpapatakbo ng business ay sa kanya na napunta lahat ng trabaho. Pinayagan naman niya ako sabay sabing "Mag-iingat ka lagi anak". Ingat? Bakit ko kailangan mag-ingat? Hindi ba mamamatay din tayong lahat? Na iiwan din nating lahat ng taong nakilala natin? Bakit pa nating magkaroon ng mga kaibigan at mahal sa buhay kung sa huli ay iiwan din natin sila?
Pasukan na kinabukasan katapos kong lumipat sa dorm. Papasok na sana ako sa school ng pigilan ako ng isang di ko kilalang lalake. "Huy sabay na tayong pumasok, di ba magkatabi lang tayo ng kwarto sa dorm?". Sabi nya sakin habang hinihingal sya. "Ako ngapala si Ash nice to meet you pre!". Tinanguan ko lang siya kase wala talaga akong interes na makipag-interact sa ibang tao. Natapos na ang klase ko sa araw na 'yon ng bigla akong lapitan ni Ash. "Uy pre tara sama ka sa amin ng tropa ko magwawalwal kame!!" pasigaw niyang sinabi. "Hindi ako pwede madami akong ginagawa" sagot ko sa kanya. "Ginagawa? E unang araw palang ng pasukan ha?" patanong nyang sinabi. "I-rereview ko lang yung mga sinabi na pointers ni mam" sagot ko habang nag aayos ng gamit. "Ok sge sabi mo e, basta kapag gusto mong lumabas katok ka lang ha?" sabi nya habang palabas ng room. "Ingat ka pre!" pahabol nyang sinabi bago siya umalis. Ayan na naman tayo sa ingat na yan, bakit hindi ba nila maisip yon?
Pabalik nako ng dorm non at gutom na gutom nako kaya bumili nalang ako ng dinner sa convenience store. Habang bumibili ako ay biglang tumawag ang step-mom ko saken. Kinamusta niya ako at nagaalala siya kung ok lang ba talaga ako sa ganito. Sinabi ko ok lang naman talaga para din naman sa kanya to. Pero sa totoo lang mas gusto ko to kase mas masaya akong mag-isa sa buhay. Bumalik nako ng dorm at kadating ko ay nagbihis nako at naghilamos para makapaghanda nako para matulog. Nang humiga ako sa kama ay nagisip-isip ako sa mga nangyayare sa buhay ko. Bakit puro nalang kamalasan ang nararanasan ko sa buhay ko? Bakit hindi ko makuhang sumaya? At habang iniisip ko yon ay biglang nagdilim ang aking mga paningin at napuno ako ng lungkot. "Gusto ko nalang mawala sa mundong ito". Mga salitang ulit ulit na pumapasok sa isip ko non. Wala rin naming mawawala saken diba? Mas maganda nga siguro kung mawala nalang ako sa mundong to kase balakid lang ako sa mga tao e. Dun ako nagpasya na patayin nalang ang sarili ko. Patago kong kinuha ang lubid sa bodega ng dorm. At wala nakong inaksayang oras at binitin ko na ang sarili ko. Hindi ako makahinga at sinubukan kong wag gumawa ng ingay para wala ng pumigil sa akin.
At heto tayo ngayon, bakit pako buhay at sinusugod ngayon sa hospital? Narinig ba nila ako? Nagdilim uli ang paningin ko at pagdilat ko ng aking mga mata ay nasa harapan ko ang isang babaeng nakaitim. Aba nakakakita narin pala ako ng black lady ngayon? Humarap siya sakin at nakita ko na wala siyang mukha. May hawak siyang parang karit sa kanyang mga kamay. "Teka lang diba ikaw si?" patanong kong sinabi pero sinagot nya ako agad. "Hay ngayon pako nagkamali". Nagkamali? Sigurado ako na si kamatayan tong nasa harapan ko ha. "Nagkamali? Ikaw si kamatayan diba? Ibig sabihin patay na ako?" tanong ko sa kanya. "Oo nagkamali ako at oo ako si kamatayan, pero hindi kapa patay" sagot niya sa akin. "Ha? Sigurado akong patay nako kase sinubukan kong-" sabi ko sa kanya pero pinutol na naman niya ako sabay sabing "Hindi ka nga patay diba? Nagkamali nga ako". "Anong pagkakamali ba yan ha? Paki linawan naman ako" sabi ko sa kanya. "Ganito kase yan bata, bawat siyudad sa mundo ay may isang in-charge na kamatayan para sa mga namamatay diba, natural lang na ganon kase masyado ng maraming tao sa mundo pero ngayon nagkamali ako, imbis na ikaw ang makuha ko nagkamali ako" sagot niya sa akin.
"Ha??? Di ko gets" sabi ko sa kanya. "Kapag kukunin ko na ang kaluluwa ng mga namamatay ay kailangan kong putulin ang kumokonekta sa kaluluwa at sa katawan ng tao gamit tong karit na to, pero imbis na sayo ang naputol ko,iba ang naputol ko" sabi niya sa akin. "E kung hindi ako ung nakuha mo e sino?" tanong ko sa kanya. "Ayun siya" sabay turo sa isang tao na nakahiga sa kama ng hospital, napapaligiran siya ng doctor at mga nurse. Ngayon ko lang narealize na nasa hospital pala ako, masyado akong nafocus dito sa kausap ko. Nakita ko rin na may mga tao sa labas, umiiyak silang lahat, mga kamag-anak niya siguro. Katingin ko sa taong nagaagaw buhay ay inannounce na ng doctor ang time of death niya at ibig sabihin patai niya sa akin. "E kung hindi ako ung nakuha mo e sino?" tanong ko sa kanya. "Ayun siya" sabay turo sa isang tao na nakahiga sa kama ng hospital, napapaligiran siya ng doctor at mga nurse. Ngayon ko lang narealize na nasa hospital pala ako, masyado akong nafocus dito sa kausap ko. Nakita ko rin na may mga tao sa labas, umiiyak silang lahat, mga kamag-anak siguro niya. Katingin ko sa taong nag-aagaw buhay ay inannounce na ng doctor ang time of death niya at ibig sabihin patay na nga siya. Nagulat ako ng makita ko na ang katawan ko pala nag nasa kama sa tabi niya. "At ayon nakuha ko ang maling kaluluwa hay, pwede pa sana siyang mabuhay ng 30-40 years pa nako po" sabi ni kamatayan sa akin.
"Ok lang yan bakit hindi mo nalang kunin yung kaluluwa ko niyan? Parehas lang naman diba?" sabi ko sa kanya. "Hindi naman ganon kadali yon, ganito kase yan may mga batas din sa amin na kailangan naming sundin, ngayon may batas na nagsasabing kapag nagkamali o pumalpak ka sa pagkuha mo ng kaluluwa ay may parusa sayo" patakot niyang sinabi sa akin. "At ano namang parusa yon? Di naman kayo pwedeng mamatay ulet diba?" tanong ko sa kanya. "Ang parusa ay mawawalan na kame ng karapatang maging kamatayan at kailangan naming ipasa ang trabaho sa iba" sabi niya sa akin. "Wag mong sabihing-" patakot kong sinabi at sinagot niya nman agad ng "Oo ikaw ang papalit sakin bata."

YOU ARE READING
Live or Die?
Mystery / ThrillerDeath. Kamatayan. Mga salitang tumatakot sa karamihan ng tao sa mundo. Ang storya at tungkol kay John at kung bakit, isang araw, naging siya si kamatayan.