>Until The Last Day Of Snow<
Chapter 1: Her
Shane's POV
"MARIA SHANICAAAAAAA!!! ABA'Y BANGON NA!! MAGSAING AT IKAY WAG TATAMAD TAMAAAAD"
Nawindang ang natutulog kong pagkatao at nagising ang magandang ako dahil sa mala alarm clock na bunganga ni tyang. Im sure sandamakmak na utos na naman ang matatanggap ko ngayong araw. Kelan kaya ako yayaman noh?
Ako nga pala si Maria Shanica Catacutan. 17 years old at nakatira sa napakagandang baryo ng Sta. Felicidad. Ulila na ako sa magulang kaya ang aking tiyang dragona na ang nagaalaga sa akin. O masasabi kong NAGPAPAKASAKIT SAKIN.
Tamadin akong bumangon sa kama ko at pumunta sa banyo.
Wag kayong magtaka kung bakit ako may kama at banyo. Achara ko lang lahat yan. Sa katre laang talaga ako natutulog. Walang kutson yun. At yung banyo? Banggirahan laang yun.
Matapos kong gawin ang aking seremonyas, pumunta na ako sa kusina at nakasalubong ko si dakilang tiyang reyna dragona.
"Magsaing ka ng marami at may darating tayong bisita. Magluto ka na rin ng ulam."
"Tyang, sino pong bisita natin?"
"Wag ka nang magtanong pa at gawin mo na ang pinagagawa ko. Agang aga binibuwisit ako ng mukha mo."
Hayy. Ang sungit talaga. Sobra pa kung manlait. Kala nya kung sino stang beautiful.
Nagsaing ako ng pagkaramirami para maloka si tyang sa pagubos. Kala nya ha?
Nagluto na rin ako ng adobo. Specialty ko yun kaya wag kayo!
Matapos maluto ng niluto ko, (Gulo noh?) Ay ang saktong pagdating ng bisita namin. Si tiya Rose lang pala. Sya yung tiyahin kong nagtatrabaho sa Maynila. Mabait yan. Salungat na salungat kay tyang dragona.
"Ang sarap mo palang magluto Shanica. "
"Shane na lang po"
Grabe. Nekeketebe nemen ng puso ang masabihan nun.
Hayaan nyo tiya Rose, ipapakain ko yan lahat sainyo. Charrr."Pyra,(pangalan yun ni tyang dragona. Diba? pangalan pa lang nagliliyab na!) ano kaya kung isama ko na si Shane sa Maynila? Tutal, hindi na naman sya nagaaral tsaka para mapakinabangan din"
WAAAAAAH?! TOTOO BA YUN?! PUPUNTA AKO NG MAYNILA?! YEHEY.
Tyang Dragona please pumayag ka na. Puhleaaaseee.
"Oh sige ate. Dalhin mo nayan sa maynila. Basta aalagaan mo sya dun ha.?Wag mo syang palilipasan ng gutom. "
Sus. Plastik.
Yesss. Sana maging maayos ang kapalaran ko sa maynila noh? Hayyys.
---------–----------------------
A/N:(Feeler ulet)
Sorry sa typos kung meron man. Dali dali eh. HAHAHA. Sana nagustuhan nyo