IRENE'S POV
Nakaupo ako at nagbabasa sa library nang biglang may tumapik sa balikat ko. Inalis ko muna ang earphone ko bago tumingin sa lalaki sa harapan ko.
"Ikaw si Irene, di ba?Pinapatawag ka pala ng principal,"nahihiya niyang saad at mabilis na umalis. Napailing ako dahil sa mali na pagbigkas niya sa pangalan ko, its SYDney not SYNdey but it's not a big deal anyway. Napairap lamang ako at inayos ang mga gamit ko. Ibinalik ko rin ang libro sa lalagyan nito.
Yakap-yakap ang mga libro ay lumabas na ako ng library. Hindi ako masyadong kilala dito sa school namin pero wala akong pakialam. I actually like it, ayokong mainvolve sa mga tao dahil senior na ako at graduating na kaya mas magandang ganito na lang ang social status ko.
Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto at buksan ito. Nakaupo ang principal sa isa sa mga couch dito sa office at para bang may binabasa na file.
"Have a seat, Ms. Reyes," alok niya sa'kin na sinunod ko naman.
"As I've said before, ikaw muna ang magiging Student Council secretary dahil nag-transfer si Ms. Cruz. You will start your duty tomorrow,"tuloy-tuloy niyang sabi habang nakatitig pa rin sa hawak niyang file. Tatayo sana ako nang humarap siya at ibinigay ang file.
"There is a transferee coming tomorrow. I want you to meet him tomorrow morning at the gate and guide him. Treat him well and please let him know the rules and regulations. That's all, you may now go,"
Nag-bow muna ako bago lumabas ng office. Napabuntong-hininga ako. Ugh, mukhang mapapasubo ako dahil dito.
I'm not active nor interested sa mga extracurricular activities kaya sa Student Council nalang ako umasa, at sa kabilang-banda, mukhang nabigyan ako ng pag-asa kaya naging secretary ako. Makakadagdag ito sa trabaho ko bilang isang student pero worth it naman.
Naglakad nalang ako papunta sa apartment na inuupaan ko dahil malapit lang naman ito sa school. Mas nakakatipid rin ako sa mga gastusin.
Nang makarating ako sa apartment ko ay dumeretso ako sa kwarto ko at sumalampak sa kama.
"Ha~ Another day of being a nobody,"sambit ko sa sarili bago kinuha ang phone ko sa bulsa ng jacket ko. Nakita kong malapit na palang mag-alas sais. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nagpalit ng damit.
Katatapos ko lang kumain kaya dumeretso ako sa sofa. Kinuha ko ang file na nasa center table at binuksan iyon. Sumalubong sa akin ang litrato ng isang lalaki.
Cypher Vince Torres
Age:17
Transferring to Stanford High
Date: September 7, 20**
Tinamad na akong basain ang iba pang detalye kaya ihinagis ko na lang ito pabalik sa center table.
"Transferee? Tss...grand entrance lang ang peg?"
***
Frozen_Epica's Note
COVER CREDITS to @_jeongguk for the cover, it's so bootyful...Thanks m8 :D
Forgive me for grammatical errors and such. I'm not a pro writer and obviously not perfect so please don't expect that much.
Send your feedbacks for this story to improve 😁😁
Love, FE