Eight: MARRY

25 0 0
                                    

Eight: MARRY

"Christoph! Wait! Sandali lang! Hindi ko naman sinasadyang matakot ka kanina sa itsura ko e. Uy! Ang bilis mo naman mag-lakad. Saan ka ba papunta? Uy! Sorry na! Pansinin mo naman ako, o?" pagmamakaawa ko sa kanya, habang nag-lalakad ako ng mabilis para makasunod sa kanya kung saan man siya patungo.

Bakit parang nakakapanibago ang aura niya? Parang may nagbago sa kanya. Hindi ko ma-iexplain, pero alam kong may kakaiba sa kanya.

Napadpad kaming dalawa ni Christoph sa parking lot. Medyo malayo ang agwat namin sa isa't isa. Sandali siyang nakatayo lang, at maya-maya pa ay mabagal siyang papalapit sa akin. Habang dahan-dahan siyang nag-lalakad papunta sa akin, napansin kong may kinakapa siya sa likuran niya.

Hindi ko alam. Pero biglang sinabi ng insticts kong tumakbo na ako.

Kakaiba ang tingin sa akin ni Christoph. Mamaya pa ay napagtanto kong kutsilyo pala ang kinakapa niya kanina sa likuran niya.

"S-sandali Christoph. P-para saan 'yang hawak mo?" pautal-utal kong tanong sa kanya, habang unti-unti akong nag-lalakad palayo sa kanya ng patalikod.

"Sorry Marry. Pero kailangan kong gawin ito. Stay still, okay? Wag mo na akong pahirapan." sabi niya sa akin, habang nakatingin sa akin na parang nasisiraan na ng bait.

"N-no! I won't let you, for what you desire to do!" pasigaw kong sabi, saka ako tumakbo papunta sa pintuan.

Akma ko na sanang hahawakan ang hawakan ng pintuan, kaso nag-itsa siya ng kutsilyo sa pintuan na iyon.

"Uh-uh. Bawal tumakas. At kahit sumigaw ka pa, walang makakarinig sa'yo. Dahil nag-sisimula na ngayon ang klase."

"B-bakit mo ba ito ginagawa? Bakit mo ako gustong patayin?!"

"I want to be God."

"A-ano?! Anong pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan!"

"Wag ka nang umarte jan! Hindi ako papayag na mapasayo ang gantimpala!" sigaw niya sa akin, saka ako sinimulang habulin.

"Waaa! Tulong! No. NOOO! Wag! Wag Christoph!" pagmamakaawa ko sa kanya, dahil mag-iitsa nanaman siya ng kutsilyo sa akin.

"Sorry. But i want to be a God." yun na ang mga huling sinabi niya, at saka nag-itsa ng mga kutsilyo.

"Wag! Tulong!" pagpigil ko ulit sa kanya.

Sa bawat pag-itsa niya, ay umiilag ako. Naghanap ako ng pwedeng pagtaguan, habang nag-crcrawl ako. Nagtago ako sa gilid ng kotse. Nabalot ako ng kaba at takot.

"Yuhoo~ Marry. Asan ka na? Lumabas ka na. I promise you, hindi ito magiging masakit. Bibilisan ko naman e, para hindi mo maramdaman ang sakit."

No. Ayoko pang mamatay. Hindi ako pwedeng pumayag na ganito matatapos ang buhay ko. Pero kung ito na nga ang katapusan ko, bahala na ang panginoon sa akin.

"There you are!" bulalas ni Christoph, nang matagpuan niya kung saan ako nag-tatago.

Hindi na ako nakatayo pa, dahil nanlambot na ang mga tuhod ko. Umusog na lang ako ng umusog habang nakaupo pa rin ako sa sahig. Binagalan niya lang ang pag-lapit sa akin, habang nginingitian ako ng nakakaloko. Pero natigil na lang ako sa pag-usog, nang mapasandal na lang ako sa wall.

"Stay still." sabi niya, at unti-unti nang inilalapit ang knife sa leeg ko.

"Christoph.. wag! NO!" pagpipigil ko, at hinawakan ko na ang kamay niya, para mapigil siya.

Behind those Innocent eyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon