(AN: This is it .Kabado much haha 😂. Happy reading po )
Hi po. Ako nga po pala si Charlotte Iyana , pangatlo sa apat na magkakapatid. Since I was a child lagi na kaming magkasama ni papa kung nasaan sya andoon din ako. Tricycle driver si papa noon at lagi akong sumasama sakanya sa pamamasada kahit umulan man o umaraw kasakasama nya ko sa pamamasada nya, one time umulan ng malakas baha na sa Malabon (doon kasi yung pilahan nila papa) no choice na si papa kundi umuwi kahit maraming pasahero nung time na yun. Akala ko uuwi na kaming dalawa yun pala ihahatid lang nya ako sa may kanto namin para iuwi ako at babalik na sya sa pamamasada, sa edad kong apat na taon nakaramdam ako ng awa kay papa.
Every Sunday nagiihaw ng baboy yung pinsan ni papa para ibenta ehh halos mga kapitbahay namin dati ay mga kamag anak lang namin kaya kada linggo parang may fiesta sa lugar namin. Umiinom din si papa noon pero minsanan lang kaya kung uminom laging sagad. Lagi pang nagagalit si mama kasi pagsinundo niya ayaw pang umuwi kaya naman ako ang napupuyat kasi pinapabantayan sakin o ako ang dakilang tagapagsundo hakhak 😂 (pag ako daw kasi ang magsundo umuuwi agad si papa)
Naaalala ko pa noon lagi nya kong iniipitan ng buhok, braided or pigtail style yung buhok ko lagi dati kasi ang ganda ng pagkakulot ng buhok ko. Binibilhan din nya ko lagi ng headband at iba'i ibang design ng ipit.
September 2003 ( Five years old na ko ) umuwi kaming lahat ng Bohol except kay papa. Di ko alam kung bakit pero sa tingin ko financial problem. Sobrang takot ko nun kasi first time kong sumakay ng barko (di pa gaanong uso yung Airplane noon at mas affordable ang magbarko) at nalulungkot din kasi hindi namin sya kasama.
(AN:Hi guys I hope nagustuhan nyo yung first chap. Thank you for reading. Kaway kaway po sa mga Papa's Girl out there 👋👋😄😙loveyahhh 💕💕 )
-princessofmyking 👧
BINABASA MO ANG
Father and Daughter ( Best Buddies )
RandomThis is my second story here in wattpad but I considered this as my first kasi di ko naman tinapos yung na una. 😂 True to life story nga pala to guys. I wrote this story because i want to share kung gaano kami kaclose ni papa and yung past ko na...