Umabot tayo sa puntong nagkasakitan. Di ko alam kung anong dahilan, bigla ka nlng nagkaganyan. Lumalamig na ang pakikitungo mo sa akin.
Dumating pa tayo sa puntong para nalng tayong hindi magkakilala sa isa't isa. Natanong ko sa sarili ko, ano ba ang maling nagawa ko ?
Araw-araw palagi nlng akong natutulala sa kaiisip sayo. Nasasaktan ako sa tuwing kausap mo siya. Nasasaktan ako sa tuwing ngumingiti ka sa kanya. Nasasaktan ako sa tuwing kasama mo siya. Hindi ko alam unti unti na palang nahulog ang puso ko sayo.
Gabi gabi nalng akong umiiyak sa banyo sa tuwing naiisip ko ang mga bagay na iyon.
Minsan naisipan ko , siguro mahal ko na talaga siya pero may mahal na siyang iba.
Kaya ako'y humanap ng iba ng mawala ang aking nadarama. Di ko man gustuhin pero kailangan , hindi talaga kami pwede sa isat isa.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Bakla
General FictionIsang araw nagising nalng ako na siya na ang hinahanap ko. Di ko inakala mahal ko na pala. At ang mas nakakatawa beki siya. Oo bakla ang boyfreind ko. Ang boyfriend kong bakla na mahal na mahal na mahal ko . Wala akong pakealam sa sasabihin ng iba...