WHEN I FALL… I FALL HARD…
Kasalukuyan akong nasa aming tahanan at nagbabasa ng TBYD ng bigla akong kalabitin ng Ate ko.
“Neng, aalis ako. Sama ka?” Tsk. Gulo nito! Kita ng nagbabasa ‘ko, eh. -_-
“Ayoko. Busy ako.” Sagot ko ng hindi tumitingin sakanya.
“Okay. Ikaw bahala… Sayang. Starbucks sana tayo. Pero sige, maghahanap nalang ako ng ibang kasama.” Starbucks? WAAAAAAH!
“Uy, dejoke lang! Sabi ko nga sasama ako, eh! Pwede ko naman sigurong dalhin ‘tong libro ko dun diba? Dun nalang ako magbabasa. Hihi. Anong oras ba tayo aalis? Maliligo na ba ‘ko?” nae-excite na ‘kong mag-starbucks! Hihi!
Ang totoo kasi niyan, hindi pa ‘ko nakaka-try sa starbucks. Hindi naman sa hindi pa ‘ko nakakakita ng mga stall nun o kaya nakaka-tambay dun. Naka-tambay na’ko dun once kaso hindi ako naka-tikim ng coffee nila. Mas pinili ko kasi nun yung ice cream sa DQ. Matagal ko na ring pinipilit si Ate na dalhin ako sa starbucks at ilibre niya ‘ko. Pero ayaw niya. Kung hindi siya busy, tinatamad naman daw siyang umalis. Huhu! Pero ito na nga.. This is it! This is really is it! Hihi!
Ako nga pala si Sef Vargas. :) 17 years old. AT PATAY NA PATAY PO AKO KAY JARED DELA CRUZ!
**
Andito na kami ngayon sa Starbucks ni Ate. Nagffb siya sa phone niya samantalang ako naman nagbabasa ng TBYD. Actually, nabasa ko na talaga ‘to noon. Natapos ko na nga hanggang book 2, eh. :3 Binabasa ko lang ulit ngayon. Wala lang. Wala kasi akong lovelife, kaya dito ko nalang pinapakilig yung sarili ko. Hihi!
Busy’ng busy ako sa pagbabasa ng biglang magsalita si Ate.
“Ne, ano? May nahanap na ba kayong apartment? Bahala kayo ha. Pag ako tinawagan na ng staff house at wala pa rin kayong nahahanap, sa ilalim kayo ng tulay tumira.” Sermon niya.
“Tsk. Ewan?” sagot ko.
“Hindi ka na naman maka-usap ng matino. Bahala kayo. Sa ilalim ng tulay kayo tumira.” Hihi. Laging yan yung sinasabi niya sa’kin sa t’wing nagbabasa ‘ko ng TBYD. ‘Hindi ka na naman makausap ng matino.’ Haha! Sorry naa! Eh sa ayokong mabitin sa pagbabasa, eh. :P
Bigla namang may kalokohang pumasok sa utak ko. Hinarap ko si Ate at saka nagsalita.
“Sila Ate Abha lang titira sa ilalim ng tulay. Dun ako titira sa condo ni Redloves ko!” nakangiting sabi ko.
“Push.” Walang ganang sabi ni Ate.
“Oo nga! Ta’s Ate, may anak na kasi si Red. Si Blue. Pero okay lang naman sa’kin. Mahilig naman ako sa bata eh.” Nakangiti pa rin ako habang sinasabi ko yan.
“Bahala ka sa buhay mo.” Naka-ngiti na rin si Ate.
“Oo. Tapos, syempre live-in na kami ni Redloves ko diba? Siyempre, hindi naman maiiwasang magka-baby kami. Wag mo ‘kong itatakwil, ha?” tuloy ko. Natatawa na ‘ko! HAHAHA!
“Okay!” sarcastic niyang sabi habang natatawa.
“Yon! HAHA! Ta’s ang ipapangalan ko sa first baby namin. Green. Para, Blue, Red, Green, ZAIDO…. Pulis pangkalawakan!”Hindi ko na napigilan at natawa na ‘ko. Natawa na rin si Ate. “Pero siyempre, hindi naman matatapos yun sa first baby lang, eh. Madadagdagan at madadagdagan yun. Kaya ang mangyayari, hindi na Zaido. Power Rangers na!” Tawa lang ako ng tawa pagkatapos ‘kong sabihin yun. Natawa rin si Ate saka ako binato ng crumpled tissue.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With A Playboy (Jared Dela Cruz FANFIC)
FanfictionI fell in love for many times. But this one's different. I fell in love with a playboy. And what's worst is.... ISA SIYANG FICTIONAL CHARACTER! T.T