Pwede pong pavote 'to? for project lang po huhuhu, thank you po ng marami 💗 lovelove 💗
May isang babae na nag ngangalang Angela Sophia na naniniwala sa mga "signs". Pagnangyari ang mga "signs" na hiningi niya, gagawin niya ang bagay na gusto niyang gawin, pero kung hindi, hindi niya ito itutuloy. Simula pa noong pagkabata niya ay nakakagawa na siya ng mga magagandang desisyon dahil sa nangyayari ang mga "signs" na hinihingi niya, sa pagpili kung anong damit, sapatos o bag ang bibilhin niya, sa mga pagkain na kakainin niya atsaka mga istilo ng kanyang susuotin para sa isang partikular na okasyon.
Hanggang sa isang araw, habang mag-isa lang si Angela sa kanyang kwarto habang hinihintay ang kanyang kuya na siya ay hatid dahil siya ay mageentrance exam sa pangarap niyang paaralan ay naisip niya na humingi ng "signs" tungkol sa kanyang lalaking mamahalin, isinulat niya ito sa isang papel. Ito ang mga hiniling niyang mga "signs", una, makikilala niya nag lalaki sa paraan na makilala niya ito sa pinapangarap niyang paaralan para sa kolehiyo. Pangalawa, ang suot ng lalaki ay puting t-shirt, nakajacket na black, nakapantalon na black, nakasapatos na puti at may rosary bracelet na suot dahil wala pa siyang nakikitang lalaki na nakasuot ng rosary bracelet at rosary braclet ang pinakapaborito niyang palamuti sa kanyang katawan, hindi niya tinatanggal ang rosary bracelet na ilang gaon na sakanya na bigay pa ng mama niya. Pangatlo, makikita niya itong muli sa isang mall sa Quezon City. Pang-apat, pag sila ay naging mag kaibigan na, siya ay tatawagin nito sa kanyang pangalawang pangalan na Sophia. At ang kanyang huling "sign" na naisip ay bibigyan siya nito ng tatlong asul na rosas. Ngunit, itinago niya na lamang ang papel sa kanyang bulsa dahil hindi siya umaasa na matutupad ang mga ito. Sakto dumating na ang kuya niya para siya ay ihatid, habnag nasa sasakyan, siya ay nagbabalik-aral parin para sa examination niya sa kadahilanan gusto niyang pumasa sa paaralan na ito.
Nang makarating sila sa kanilang destinasyon, siya ay nagmadaling magpaalam sa kanyang kuya at pumunta agad sa silid na kanyang pagkukunan ng pagsusulit para makapagbalik-aral pang muli bago magsimula ang kanyang pagsusulit. Hindi niya pinapansin ang mga kasama niya sa silid dahil siya ay nakatuktok lamang sa pagbabalik-aral. Dumating na ang kanilang tagabantay at sinimulan na silang ayusin base sa kanilang apelyido at dito niya nakita ang lalaking nakaputing t-shirt, nakajacket na black, nakapantalon na black, nakasapatos na puti at sila ay nagkatitigan ngunit hindi niya muna ito inusisa o pinansin dahil baka makalimutan niya ang mga nireview niya. Matapos ang apat na oras natapos na ang kanilang pagsusulit at doon niya nakita ang rosary bracelet ng lalaki, ngunit hindi naman siya umaasa na magkikita parin sila dahil malaki ang mundo.
Siya ay nagpasundo na sa kanyang kuya kaya kinuha niya ang kanyang telepono sa kanyang bulsa at sila ay kumain muna bago umuwi, dahil sa pagod naisip niya na matulog na agad at nang siya ay magpapalit na ng damit tinanggal niya muna ang mga gamit sa bulsa niya at napansin niya na nawala ang papel na nakalagay doon pero inisawalang bahala niya lamang ito dahil hindi pa naman niya ito kailangan dahil gusto niya munang makapagtapos ng pag-aaral. Natulog siya at pagkagising niya ay kumain muna siya bago niya binuksan ang kanyang telepono para tignan ang kanyang mga social media accounts, pagkabukas niya ng kanyang facebook, twitter at snapchat nakita niya na ina-add siya ng nakasabay niyang lalaki sa pagsusulit at ang lalaking iyon ay ang nakaputing t-shirt, nakajacket na black, nakapantalon na black, nakasapatos na puti at may rosary bracelet na suot at napagalaman niyang ang pangalan nito ay Angelo ito ay kanyang inaccept, nakita niya na kinuhaan siya ng litrato ng lalaki sa snapchat pero ito ay isinawalang bahala na naman niya.
Makalipas ang tatlong buwan at bakasyon na nila, wala naman siyang balita kay Angelo dahil ito ay hindi palapost sa social media. Ang pamilya nila ay nakapagusap usap na mamasyal sa mall, kumain, at nanood ng sine sa Quezon City dahil pagkatapos nilang mamasyal ay bibisitahin niya ang lola niyang natira sa QC. Nang sila ay pauwi na bigla niyang nakita si Angelo, nakilala niya ito dahil sa rosary bracelet na suot nito, ito kasi ay kakaiba ang kulay. Nakita din siya nito at nginitian siya at hindi niya alam kung bakit siya nginitian nito. Makalipad na naman ang isang linggo, makukuha na nila ang resulta ng kanilang pagsusulit. Nang tignan niya ang resulta, siya ay pasado. At nagulat na lang siya ng may mensahe siyang natanggap galing kay Angelo na nagtatanong kung nakapasa ba siya.
Pagkatapos siya padalhan ng mensahe ni Angelo, ito ay nagtuloy-tuloy na, naging matalik silang magkaibigan dahil si Angelo ay nakapasa din sa paaralan kung sana sila unang nagkita at sabay silang nagenroll at pumasok sa paaralan na yon. Isang araw nagulat siya nang tawagin siya ni Angelo sa pangalan niyang Sophia, tinanong niya kung anong pumasok sa utak nito at bigla siyang tinanong ng ganon, ang sabi ni Angelo ay gusto niya kasing pag narinig ni Angela ang pangalawa niyang pangalan ang una agad niyang maaalala ay si Angelo. At bigla niyang naisip ang inilista niyang "signs", isa na lang sa mga "signs niya ang hindi nangyayari at dito siya nagsimulang umasa na si Angelo na ang ang lalaking para sakanya.
Makalipas ang ilan pang mga taon, Nagsimula ng manligaw si Angelo kay Angela at naging sila na pero hindi parin nangyayari ang panglima niyang sign pero dumating ang araw ng karaawan niya at binigyan siya ni angelo ng tatlong asul na rosas at humingi sakanya ng paumahin na patawad kasi hindi bouquet of roses ang naibigay ni Angelo sakanya, dahil naubusan siya ng bulaklak at ang nabili na lang niya ay tatlong asul na rosas. Sa isip isip ni Angela, Si Angelo na talaga ang para sakanya.
Isang araw, pumunta si Angela sa bahay nila Angelo para siya ay surpresahin sa kanilang anniversary ngunit hindi niya tinuloy ang pagpasok sa kwarto ni Angelo nang marinig niya ang usapan nito at ng barkada niya. Narinig niya na napulot ni Angelo ang kanyang listahan at planado ang lahat ng ginawa ni Angelo sakanya, mula sa pagtawag nito sa pangalan niya at sa pagbibigay dito ng tatlong asul na rosas. Para sakanya, sapat na itong dahilan at sapat na ang katotohanang hindi siya mahal at minahal ni Angelo para ito ay hiwalayan niya. Siya ay nasaktan ng sobra dahil ang pagmamahal na inakala niya ay isa lang palang malaking kasinungalingan.
Simula noon ay naiisip niya na wag ng maniwala sa "signs" dahil hindi lahat ng bagay ay nakadepende dito. Hindi lahat ng gagawin mo dahil sa nangyari ang mga "signs" na hingi mo ay makakabuti para sayo.
Pwede pong pavote 'to? for project lang po huhuhu, thank you po ng marami 💗 lovelove 💗
BINABASA MO ANG
"Signs"
Short StoryPwede po bang pabasa and pakivote? :-( para lang po sa project huhu