DEPRIVATION

6 0 0
                                    

Pang-sariling pag-mu-muni-muni sa katagang "DEPRIVATION", ano ba ito?

- - - - - Masdan mo lahat ng mga nilalang, at nalalang sa mundong ibabaw. Isama mo na rin ang iyong sarili, at yaong mga taong lumilibot sa iyong kalapit.

Mayroon bang isa sa mga nalalang, at nilalang na ito, bukod sa tulad nating mga tao, ang nanga-nga-ilangan ng pahintulot, at mga pamaraang pinag-kasunduan, upang maibsan ang: - - gutom, - - uhaw, - - o maiwasan ang unos, - - hulog ng ulan, at ginaw?

Nuong ikaw ay nasa bingit ng pag-litaw sa mundong ibabaw, kinailangan mo bang mag-bahagi ng anumang bagay upang maka-buo ng isang katawang tao?

Tulad ng iyung mga kamay, paa, puso, mata, o dila, mayroon ba sa iyong ala-ala o ka-alaman, na nagkaroon ng panahong ikaw ay hini-ngi-an ng katumbas sa mga bahagi ng iyong panga-ngatawaan?

Katawan na iyong gagamitin sa iyong pamumuhay dito sa ibabaw ng lupa. Katawan na iyong gagamitin upang maranasan ang buhay bilang isang taong nilalang.

- - - - - " Kung meron kang maaring baguhin sa mundo, ano ang iyong gagawin?", tanong sa akin ng isang kasapi ng mga na-nanampalataya.

Ang aking kapanayam na Meno ay mula sa kataasang-hilagang bahagi ng mundo.

"Ah", aking sagot, "marahil ay aalisin ko ang pamamalakad ng salapi sa sang-katauhan".

"Subalit kailangan natin ng salapi".  "Kung walang salapi, ay hindi tayo makaka-kilos sa ating buhay", sagot ni Meno.

"Sa aking haka-haka", "tayo ay napag-kaitan, at pinagka-kaitan (deprived and being deprived)".

"Napag-ka-kaitan (deprived)? ", kanyang tugon.

"How can we be deprived?". "Look around you". "This is a rich land".

"Papaano tayo napag-kaitan?". "Masdan mo ang iyong kapaligiran". "Ito ay bansa ng wagas sa yaman".

Aking tugon, "iyong subukan pumunta sa tabing sapa at mamingwit ng iyong makakain".

(Ang bahagi ng mundong ito ay kailangan ng "Sulat Pahintulot (Permit) mula sa mga nag-haharing kapulungan (government))

"O di kaya'y pumunta sa tindahan ng gasolina upang paandarin ang iyong mga makina na pamutol kahoy'.

(Ang bahagi ng mundong ito ay nakalutang sa langis, petrolyo, at natural gas)

"O di kaya'y mang-hingi ng tubig na de-bote, upang maibsan ang iyong pagka-uhaw?".

(Ang bahagi ng mundong ito ay napapaligiran ng mga naglalakihang lawa ng sariwang tubig!)

"Sa palagay mo kaya ay iyong makakamtan ang mga panga-ngailangang bagay na ito upang ipagpatuloy ang iyong mga ginagawa?.

"O, 'di kaya'y maipag-patuloy ang iyong pang-araw-araw na buhay?."

Katahimikang tugon. Hudya't ng tanong-kaisipan ng aking kapanayam.

"Hindi!", sa aking pag-papatuloy.

"Dahil mayroong luponang kaayusan (system) na pumipigil sa iyo".

"At dahil dito, iilan lamang ang nakaka-pansin sa lipunang pang-tao na ang kaayusang tinanggap nating lahat ay ang kaayusan ng pa-nanalapi (monetary system)."

Ang kaayusang pananalapi ang pumipigil sa iisang-katauhan upang malayang ipahayag at malayang maranasan ang tunay na diwa ng kalayaan.

Ang tunay na diwang kalayaan na ang mismong dulot ng karanasang "BUHAY Pang-Tao" - - -  "LIVING THE LIVING LIFE".

Taliwas sa kalayaang marikit, na nararanasan ng mga paru-paro at ibong namumuhay sa ibabaw ng daigdig.

- - - - - Mabubuhay ka ba sa mga panahong ito ng walang salapi? 

Hinde!

Sapagka't sa tuwing mayroong isinisilang na sanggol mula sa iisang katauhan, ay wala na siyang kakayahang talikuran ang sapilitang pagtanggap sa binabanggit na luponang kaayusan ng pera.

Malalim nating pagkaisip-isipin ang dahilan kung bakit kailangan ang mga pira-pirasong papel na ito, plastik, o mga bilang na ating makikita sa de-koryenteng salamin ng mga bangko o mga tinatawag na "computer screens".

Sa panunuring ito, marahil ay muli nating tatatanungin kung - bakit nga ba?

At muling sagot ay ang haliging diwa ng "pagkakait" o "human deprivation".

Sapagkat, kung wala ang "pagkait" o "human deprivation" ay hindi lalaganap at tatatak sa isipang tao ang pangangailangan ng salapi.

Ang buong yaman ng mundo ay bahagi tayo, at bahagi din nating lahat.

Kung ang lahat na bumubuo sa buong katawan at pag-katao natin ay nanggaling sa mundo na ating kinatatayuan ay - SINO BA ANG LUMIKHA NG DIWANG PAG-PAPALITAN upang mapanatiling mamuhay ang taong nilalalang sa ibabaw ng lupa!

Hindi lamang sa mga bagay na ating nakakapa, nahahawakan, at nakikita, kasama na rin dito ang mga bagay na nilalaman ng ating mga kaisipan.

At ito ay ang - - -  "KAALAMAN", o "KNOWLEDGE".

Papaanong nangyayari na ang pangkaraniwang kaalaman na dati-ratiy salin-lahi, at salin-panahon ay pinipigilan ng isang lupunang kaayusang nagkasundo na ituring ito bilang isang kalakal na kinakailangang may kapalit na salapi?

- - - - - Ang Bayanihang Pilipino o Ubunta sa mga Aprikano - United Human Creativity versus Segregation

Bayanihang Pilipino  means "a being in a bayan", which refers to the spirit of communal unity, work and cooperation to achieve a particular goal or goals.

Ubuntu is an ancient African word meaning 'humanity to others'. It also means 'I am what I am because of who we all are'

.../ abangan ang karugtong

Kathang-isip ng Admin Ulat at COPYRIGHT | pinalalaganap sa pamamagitan nitong pahinang Emilio Aquinaldo sa Facebook

Deprivation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon