"Akala ko ba stable na kalagayan niya?"
"Based on our tests stable na siya"
"Then why is she still unconscious?! Are you even a credible doctor? Baka gusto mo mawalan ng title?!"
"But sir-"
"Robyn!" Lapit sa akin ng isang lalakeng sa tingin ko kanina pang sinisigawan yung "doctor"
"W-who are y-you? Where am I?" Tanong ko na ikinagulat niya naman.
"You don't remember me?" Tumango ako.
Bakas sa muka niya ang disappointment.
"Meron b-ba siyang?" Tanong niya dun sa "doctor" kung di ako nagkakamali.
"I'm sorry Mr. Pales but your sister-"
"D-don't say it. Get out" malamig sa sabi ni "Mr. Pales"
"But Mr Pa-"
"I SAID GET OUT!" Galit na sabi niya na ikinigulat ng doctor pati na rin ako.
Lumabas naman ng dali dalian yung doctor.
Humarap naman sa akin yung lalakeng sumigaw.
"Robyn, Do you remember me?" Umiling ako.
"Sino ka ba? Asan ako?
Sino ako?" Halata sa muka niya ang kalungkutan pero tulad ng tanong ko sakanya
Sino nga ba ako?
Ika apat na araw ko na dito sa hospital since nung nagising ako. Pero the truth is almost one month na akong comatose.
At kasabay nun ang pagkawala ng memories ko.
Basta ang sabi sa akin ni Kuya Ryle Aaron Pales o Rap daw for short. Magkapatid daw kami. Mas matanda siya sa akin ng 3 years.
Ang parents daw namin ay nasa ibang bansa para sa business namin pero uuwi ba daw sila any time soon.
At ako? Ako daw si Robyn Irene Pales o Rip for short.
Ang weird ng pangalan ko pero mas gusto ko daw ang Rip kesa sa Robyn o Irene at ako lang daw ang nakakalam kung bakit pero since may amnesia ako pati ako walang idea kung bakit.
"Robyn! I bought you books para naman di ka mabore dito. Nakakasawa kaya na apat na sulok lang ng kwarto mo ang nakikita mo everyday" inabot naman ni kuya yung isang libro sa akin.
Tinitigan ko lang yung libro na nasa kamay ko.
"May problema ba Robyn? You want another book to read?" Takang tanong ni kuya sa akin.
Umiling ako bago mag salita "K-kuya" may namumuo ng luha sa mata ko.
"Why are you crying?! Ayaw mo ba magbasa? Dati kasi you really like to read books kaya nga punong puno ng books yung kwarto mo e pamin--"
"Di ko alam magbasa" pagpuputol ko. Bigla namang bumuhos yung mga luha ko.
Yinakap naman ako agad ni kuya.
"Kuya. I feel so useless" pagtuloy ko
"Shhh. You're not useless okay? I already enrolled you sa school na makakatulong sayo so don't worry we'll bring your memories back" pagpapakalma niya sa akin.
Tumahan naman na ako dahil napagaan ako sa mga sinabi ni kuya. Medyo tumagal tagal rin bago niya ako napatahan.
"Kuya pwede bang magtanong?" Ngumiti siya bago tumango