💀Chapter 1💀

114 23 0
                                    






MAVIE POV






Nagising ako na puro puti ang nakikita ko sa paligid.







"Nasaan ako?" Napahawak ako sa Ulo ko ng bigla itong kumirot.







"Shit! May Dugo? Bakit may dugo?" Tanong ko sa sarili ko habang hinahawakan ko ang ulo ko may sugat. Ayaw na ayaw ko nasusugatan.







Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Hindi ko alam kong kanino kwarto ito pinag hi-higaan ko basta puro puti ang lahat ng kulay. Hindi naman siya mukang Hospital.







Dahan dahan ako lumapit sa pinto kahit masakit ang Ulo ko. Hindi ko alam kung bakit ako na punta dito at kung ano bang nangyayari sakin. Sinubukan ko buksan ang Pinto at hindi naman ako nabigo dahil nabuksan ko ito. Kayalang Pag bukas ko bu-mungad sakin ang...







Ka-diliman...







Madilim sa labas lalo tuloy ako nakaramdam ng kaba sa dibdib. Hindi naman dapat ako Takot sa dilim pero bakit ngayon nakakaramdam ako ng Takot. Hindi kaya...







"Shit! Nasaan ba ako? May tao ba dyan?!!" Sigaw ko kahit hindi ko sure kung may maka-ka-rinig ba sakin. Bahala na.







"Tulong! Tulong! Tulungan niyo ako! Mavie! Nathan!" Halos manlaki ang mga mata ko sa gulat ng marinig ko ang boses ng bestfriend ko si Angel. Kaya lalong nag Triple ang Kabang nararamdaman ko. Shit! What the hell is happening here!







Hindi na ako nag dalawang isip pa at tuluyan na ako lumabas sa Kwarto na iyon. Tumakbo ako sa kadiliman para hanapin kung Saan nag mula ang Boses ni Angel kahit wala ako kasiguraduhan dahil sa sobrang dilim na haloS wala ako makita para lang ako bulag ngayon.







"Angel! Angel naririnig mo ba ako?! Nasaan ka?! Please! Sumagot ka!" Kinakabahan kong Sigaw sakaniya at umaasa ako na sana naririnig niya.







"Mavie! Mavie ikaw ba iyan?! Best! Tulungan mo ako! Natatakot ako. Papatayin niya ako!" Naiiyak na sigaw niya sa akin. Ramdam ko sa boses niya takot na takot siya pero sa pag kakataon ngayon mas malakas na ang boses niya kaya ramdam ko na nasa malapit na siya sakin.







"Nasaan kaba?! Please Angel sabihin mo kung nasa_ _" Napahinto ako sa pag sigaw ng biglang nag bukas ang ilaw. Namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa tapat ako ng kulay Itim na Pinto. Naramdaman ko na Lalo tuloy bumilis ang Tibok ng Puso ko sa...






Sa Takot...






Nakakaramdam ako ng Takot sa Itim na Pinto na nasa harap ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko sa kabila ng Takot ko nararamdaman parang may tumutulak sakin buksang ang pintong ito. Napa-lunok ako ng laway habang ang nanginginig ang kamay ko at dahan dahan ko binubuksan ang Itim na Pinto.






Shit! Bahala na!

Sigaw ko sa isip ko. Hanggang sa...







I KILL YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon