Prolouge

22 1 1
                                    


BRIANNA'S POV


"Brianna tulungan mo ak-" hindi na natuloy ni Aya yung sinasabi nya dahil may isang lasing na lalaki na humawak sa likod nya. Nanlaki ang mata ko dahil halatang naiilang na si Aya sa lalake.


"Hey miss, bakit mo naman ako tinakbuhan? Nag-eenjoy pa ako." ngumiti ng pilit si Aya para hindi mahalata ng lalake na naiilang na sya.


"Ah eh sir, pasensya na po nagtatrabaho pa po kasi ako. Hindi rin po ako pwedeng makipagusap sa mga costumers kapag oras po ng trabaho." nakangiting sabi ni Aya dun sa costumer. Nagulat ako ng biglang tumingin sakin yung costumer na nakangisi ng malapad.


"Ganun ba miss? Dito nalang ako kay miss beautiful, hey there sexy." sabay hawak sa bewang ko na ikinagulat ko. Bigla ko nalang sinapak sa tyan tapos sa muka ung costumer. Bumulagta sya sa lapag at agad na nagsilapitan ung mga bouncers ng bar.


"Kung mambabastos ka lang, wag dito, wag ako." mataray kong sabi sa costumer na nagpupumilit tumayo dahil halata sa muka nya na nahihirapan syang gumalaw.


"Nasaan ang manager nyo dito? NASAAN?!" nakakairitang sigaw ng costumer kaya biglang lumabas sa kung saan si Manager Ian na masama ang tingin sakin. Agad nyang nilapitan ang costumer at pilit inaawat sa pagwawala.


"Tanggalin mo sa trabaho yang babaeng yan ngayon din." nang-gigigil na sabi nya na diretsong nakatingin sa akin.


"Wag kayong mag-alala sir, kakausapin ko po sya ngayon din." malumanay man ang pagkasabi ni Manager Ian ay halata mo parin ang pagka-pikon sa boses nito. Pinapunta nya ako sa office nya, ako naman eto, nanginginig at kinakabahan, nag-aalala ako sa sasabihin ni Manager Ian dahil alam kong may mali din ako. Eh ano sa tingin nya ang gagawin ko? Hahayaan ko na lang yung lalaking yun na bastusin ako pati si Aya? Syempre hindi. Pagka-upo ko palang ay bumuntong hininga na kaagad si Manager Ian.


"Hindi ko nagustuhan yung nangyari Brianna. Binastos kayo ni Aya oo, pero pwede ka naman magsalita para humingi ng tulong sakin okaya sa mga bouncers dyan. Ano pang silbi ng mga yan kung hindi mo hahayaang gawin nila ang trabaho nila? Sana hindi mo nalang sinuntok, eh kaso dalawang beses pa." mahabang litanya ni Manager Ian. Nanlumo ako bigla dahil alam ko na nasa akin din ung pagkakamali kaya yumuko nalang ako.


"Brianna sana maintindihan mo na kailangan kitang tanggalin sa trabaho mo ngayon. Malaking tao ang nakabangga mo at hindi basta basta yung ginawa mo. Pasensya na sana maintindihan mo, hindi kita matututungan dito." malungkot man ay naiintindihan ko kaya lumabas na ako sa office at dumiretso pauwi.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Enjoy! ;)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stay With YouWhere stories live. Discover now