2.

12 0 0
                                    

Pagkagising ko nagstretch muna ako ng mga kamay ko at bumangon na. Pagkatingin ko sa orasan ko ay alas tres na ng hapon. Medyo kulang pa ko sa tulog. Maghihilamos sana ako kaso pagbukas ko ng tubig ay walang lumalabas. Sumisigaw ako pero walang boses na lumalabas sa lalamunan ko. Grabe. Kailangan ko pang bumaba. Nakakatamad.

Pagkalabas ko ng kwarto ay sakto naman salubong sakin ni Manang.

"Anak, nanjan si Rowi. Inaantay ka sa baba."

"Opo Manang. Ay manang wala pong tubig sa taas. paki buksan naman po." Pipiyok piyok kong sinabi.

"Sige anak. papaayos ko sa tubero. Magtoothbrush ka muna sa baba."

"Okay po."

Pagkababa ko nakita ko agad si Rowi. Alam ko naman ang ngiti niya saking iyon. Hays.

"Wait lang Rowi, Magtotoothbrush muna ako ha?" Halos wala siyang maintindihan sa sinasabi ko. Hahaha. Tumango nalang siya. Alam ko pati siya ay paos din.

Pagkatapos ko magayos ng sarili ay dumiretso na ko sa sala.

"Anong meron rowi?"

"Nabasa ko sa twitter may concert daw ang 2ne1 dito."

"Talaga? Kailan?"

"May 17 daw eh."

"Kailan bilihan ng ticket?"

"Itong katupusan."

"Sige. Pareserve ka na. SVIP tayo. Gusto ko makita si CL at Dara."

"Sige. Bibili nalang ako sa online. Baka maunahan eh."

"Magkano ba?"

"Di ko pa alam eh. 9k siguro."

"Sige."

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa nangyari kahapon.

"Malapit na daw comeback ng EXO ah." Sabi ko. Nabasa ko kasi na itong april daw ay nagcocomeback sila.

"Ano ba yan. Kakatapos lang nila magconcert eh. Uso magpahinga. Kawawa naman si Kkamjong. Lahat sila kawawa."

"Oo nga eh, Dapat asikasuhin nila comeback ng f(x) Si sulli :("

"Punta kaya tayo Seoul?"

"Sige ba, Papaasikaso ko na mga papeles ko."

"Oo sige! Punta tayo dun!"

Actually first year college na kaming dalawa. Ang course ko ay Banking and Finance siya naman ay Business Ad. siya daw kasi ang magmamana ng business nila sa iba't ibang parte ng mundo.

May pangarap kami. Siya makapunta sa buong mundo. Ako naman ay maging Kpop Idol. Mataas talaga ang pangarap ko at habang nagaaral ako ay may sinasalihan akong CG para maimprove ang self-confidence ko. Lahat ng sayaw nila ay kabisado ko. Yeah, Di naman sa pagyayabang 15 mins lang ay kaya kong mangkabisado ng sayaw.

Magaling din ako maghangeul (항을) Nagaaral din ako tuwing summer. Talagang sinadya ko para kung sakali makapunta ako sa Seoul ay marunong ako.

Kakakwento ko di ko namalayan na tumatawag pala si mama. Nasa germany sila ni papa nagaayos ng itatayong business nila dun.

"Yeoboseyo?"

"Haynako anak, ayan ka nanaman sa pagkokorean mo sakin."

"Hahaha. Sorry mama. Nasanay na po eh."

"Namamaos ka ata anak?"

"Opo mama. Pumunta po kami sa concert kahapon eh."

"Ahh. Ganun ba? Kamusta ka na anak?"

My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon