CHAPTER ONE:
SEVEN DAYS, THREE HOURS AND 12 SECONDS nang wala sa akin ang camera ko.
Ganun katagal na akong hindi makatulog ng maayos at ganun katagal ko na ring inaabangan ang freak na lalaking yun..
hindi pa rin ako makapaniwala na nakuha niya mula sa akin ang kayamanan ko ng ganun ganun na lang, talo niya pa ninja.
“Star, nakatulala ka nanaman..” si Chai. My dorm mate. Maulan kasi sa labas, may bagyo daw at walang pasok.
“Eh kasi naman Chai, sayang yung araw, baka sakaling bumalik sa park yung kumuha ng camera ko.”
“Hindi na babalik yun. Kinuha na nga niya diba? Tsaka umuulan oh. Hayaan mo nang mga pulis ng village ang humuli dun. ” ^_^
Lumapit siya sa kinauupuan ko at binuksan ang TV. Welcome nga pala sa aming ‘bahay’. Actually isa lang itong maliit na room sa isang all-girls dormitory na malapit sa school na pinapasukan namin ni Chai.
May dalawang bed, kay Chai yung white na may pink na unan at malaking Pucca Stuff toy.. at sa akin yung malapit sa wall na gray ang bedsheet, walang stuff toy at madaming nakadikit na poster ng fave kong anime at mga pictures na kuha mula sa camera ko. ;)
May maliit kaming rice cooker sa maliit na kitchen, sariling C.R, maliit na washing machine at maliit na lababo, at living room na ilang hakbang lang mula sa mga bed.
Kasyang kasya lang kami ni Chai.
“~Love!Labidabsssssiiidoooobbsss!” inilagay ni Chai yung kamay niya sa pisngi niya.
“Anong language yan?” (-__-)
itinuro niya ang TV at may commercial or music video ng mga foreign looking boys, parang mga hilaw. Kainis! ka-hairstyle pa nila yung kumuha ng camera ko.
“Patayin mo nga yan! Nakakabanas!” inagaw ko kay Chai yung remote. “Star!! wag.. uy amina na yan. ayaw mo ba sa Morell Brothers?? Don’t you like AmBoys?” naka-pout si Chai at nakipag-agawan sa remote.
“Anong Morell? Eh tignan mo ka-hairstyle pa nila yung kumuha ng camera ko.” (-_-)
“Talaga?” bumilog yung mata ni Chai at nagpalipat lipat ang tingin sa akin at sa TV. “Ibig sabihin ang gwapo ng kumuha ng camera mo?”
“Anong gwapo? bakit nakaka-gwapo ba ang ganyang hairstyle? Sinabi ko na sayo diba.. ang PANGET niya. Nagsisigarilyo siya at mukhang may insomia!”
he’s like a zombie.
“Nasasabi mo lang yan kasi kinuha niya camera mo. Hay, diba niligtas ka niya? ang gentleman niya siguro parang si Jun!!” at kumikintab kintab ang mga mata ni Chai habang pinapanuod ang malanding mga lalaking sumasayaw sa TV.
..may lead dancer sa gitna na.. ang lambot ng katawan, may dance step pa sila na sinusuklay yung kamay sa buhok at lalakad pagilid. So this are the Amboys na naririnig ko lately? Filipino-American boy group.. pssh..
nag-close up sa lead dancer. Zoom. Zoom.
“CHAII!!” napatayo ako bigla at dahil nakasandal sa akin si Chai natamaan siya ng siko ko.
“Aray! Star! ano ba yan.. bakit bigla kang tumayo?” T---T
“YUNG LEAD DANCER. YUNG LEAD DANCER? Anong pangalan niyan????”
tinuro ko yung nasa TV. Naka-close up pa rin siya.
“Ahh, bakit? type mo? sabi ko na nga ba, you like them too. I knew it!!!” ^_^
BINABASA MO ANG
Ang Lalaking Black and White
Teen Fiction.. are you willing to take the risk to fit this creature in your colorful world? Makulayan mo kaya ang buhay ng LALAKING BLACK AND WHITE?