"ANG INA"

10 0 0
                                    

Ang ina ang nagdala sa atin ng siyam na buwan
Ina ang nagtiis ng sakit at kirot na kanilang nararamdaman
Sa tuwing tayo'y sumisipa sa loob ng kanilang tyan
Pero tinitiis nila ang sakit at kirot na iyon.

Nang tayo'y lumabas sa kanilang sinapupunan
Ibinuhos nila ang pagmamahal nila sa atin
Pinalaki tayo ng malusog at malakas
Sa pamamagitan ng pagpapasuso sa atin ng gatas.

Nang tayo'y lumaki
Labis silang humanga sa kanilang sarili
Dahil nakikita nilang tayo'y malusog at malakas habang tayo'y lumalaki.

Sa tuwing may umaaway sa atin
Lagi silang nariyan para sa atin
Ginagawa nila lahat wag lang tayo masaktan
Dahil gusto nilang iparamdam ang pagmamahal nila sa atin.

Nang tayo'y tumuntong sa elementarya
Lagi tayong hinahati ng ating ina
Minsan pa nga binabantayan pa tayo ng ating ina
At tinuturuan kung paano sumulat at magbasa.

Hanggang sa sumapit ang ating pagdadalaga
Anjan parin siya at hindi nagsasawa
Minsan tayo nasisirmunan
Pero ang lahat ng ito'y para sa ating kabutihan.

Ang ina nagmahal sa atin ng tunay
Ang ina ang nagbigay Buhay sa ating Buhay
Ang ina ang dahilan kung bakit andito tayo sa mundong ito
Ang ina ang nagbigay kaligayahan sa atin ng todo..

#Poetry

#tugmaan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 16, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ANG INAWhere stories live. Discover now