Ika-pito

52 1 4
                                    

Masakit man isipin
Na puso mo'y hindi pala naging akin
Mga matatamis na salitang sinabi mo sa akin,
Pakiramdam ko'y natutunan mo akong mahalin.

Ngunit ako'y iyong niloko
Porket ba ganito ako?
May karapatan ka nang paglaruan ang puso ko?
Bigyan mo man lang sana ako ng respeto bilang tao.

Sa tingin mo ba madali?
Na tanggapin ang iyong mga sinabi?
Minsa'y hinihiling na hindi na magising muli
Upang hindi na maramdaman ang sakit na nananatili.

Oo, masarap ang magmahal pero ito'y may kapalit
Pagmamahal na magdudulot ng sakit
Na para kang pinapatay ng paulit-ulit
At mag-iiwan sa puso mo ng hinanakit.

Note: Para sa mga inakalang minahal sila. Dadating din ang tamang tao para sayo. Maaaring hindi ngayon pero malapit na yon ;)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Makahulugang mga SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon