Gintong Araw, Ang Paghahanda.

41 0 0
                                    

                   Kring!

                   Kring!

                   Kring!

          Ang alarm clock ng aking cellphone ang nagpagising sa aking mahimbing na pagkakaidlip. Bigla kong naalala, ROTC training namin ngayong araw ng Linggo. Napatayo agad ako sa kadahilanang 4:30 na ng madaling araw, mahaba-haba pa ang aking ibabyahe patungo sa aming paaralan,Polytechnic University of the Philppines.

          Naalala ko pala na dapat ngayong training day na ‘to ay may headgear  ng suot  kaya sinabi ko ito sa aking butihing ina upang makahingi ng pambili. Sakto, tinatamad akong maglakad,kasi pag nag LRT ako malayo pa lalakarin ko kaya nag-jeep na lang ako patungong Recto para na din makabili ng aking kailangang headgear.

          Sa aking paglalakad mula sa tapat ng aming bahay pababa, nakatanggap ako ng text galing sa aming president. Tama. Community Immersion nga pala namin ngayong araw at naisipan namin na sa Hospicio De San Jose ito ganapin, ito ay bahay ampunan na mahigit 200 taon ng nakatayo sa Ayala Bridge, Manila.

          Kakaunti lamang ang mga pasahero sa araw na iyon, ganoon lagi t’wing Linggo kasi bihira lamang ang may pasok ng araw na iyon dahil pahinga na nila. Unang jeep pa lang na nakita ko, pumara na ako. Doon ako nakaupo sa may unahan, sa tabi ng drayber. Nagbayad ako ng bente pesos dahil di ko alam kung may discount ang estudyante pag ganoong araw. Sinuklian ako ng dalawang piso. Ito’y patunay lamang na may discount pa rin ang estudyante. Pero sa mga nakaraang drayber na nakasakay ko, di nila kino-consider na may bawas ang mga estudyante, at mga senior citizen pag ganitong araw. Kaya swerte ko, ambait ng drayber na nasakyan ko.

          Nakaidlip pala ako sa mga sandaling iyon at ang tanging nagpagising lamang sa akin ay ang tunog na mala-tambol na tinig na sinasabayan ng pagkanta na ang liriko ay hindi pamilyar na linggwahe. Nakapwesto ang batang nagpapatugtog at kumakanta sa may likuran ng jeep. Nakasando na halos di na mailarawan ang kulay dahil sa dumi, punit-punit na short, at dungising mukha. Nang bumaba ito walang binigay na kahit anong bagay ang mga pasahero. Tumingin ako sa side mirror ng jeep habang bumababa ang bata at aking nakita ang malungkot na mukha nito. Sumagi sa isip ko, ganito na ba sila habang lumaki sila? Nasaan ang mga magulang ng mga batang kalyeng iyon?

          Nasa Recto na ako, bumili na ako ng headgear para sa ROTC. Nang umupo ako sa jeep banda sa gitna, tinginan lahat ng mga nasa harapan ko dahil sa aking suot na uniform. Maluwag ang sinakyan ko kaya maaari akong makataas ng aking paa at tumingin sa dinadaanan ng jeep.

          Bigla kong naalala ang bata kanina na nagpapatugtog sa aking sinakyang unang jeep, nang aking masilayan ang dalawang babae at isang lalaking natutulog sa kalye. Na ang tanging pananggalang sa lamig ng bangketa ay karton na marungis lamang. Lamig nga sa loob ng bahay sa ganoong oras ay hindi ko na makayanan sa labas pa kaya? Nakakatulog kaya sila ng maayos kahit ang mga nagbubusinaang sasakyan ay umaalingawngaw sa kanila? Mga usok ng sasakyang kanilang nalalanghap sa tuwing humihinga sila. Paano sila nakakakain ng maayos? Pero paano o saan sila nakakakuha ng kanilang makakain? Kuntento na ba sila sa kanilang tirahan? Tirahan na nasa tapat ng fast food chain?

          Malapit na ko sa court sa may Teresa St., doon kasi papunta ang aking pinapasukang paaralan. Nasisilayan ko na ang mga kapwa ko trainees. Pinakita ko ang registration card ko sa gwardya para papasukin ako.

          Nasa field na kaming lahat para magrehearsal sa gaganaping parade sa susunod na pangalawang Sabado. Baliwala sa amin ang nadadaanan naming putik. Kahit napakadumi na ng aking combat shoes binaliwala ko ito para lang maiayos ang aming pagpapraktis. Para lang yang pagsubok sa buhay. Ang mga problema wag iisipin, kahit gaano pa ito kabigat wag mong papansinin. Kung gusto mong malagpasan ang mga pasakit sa iyong buhay, tumingin ng deretso, maging positibo sa hinaharap.

          Break time na namin, ‘yun na yung pagkakataon namin ng kaklase ko para makapagpaalam na aalis kami dahil mag pupunta kami sa Hospicio De San Juan. Pinayagan naman kami ng aming Chief Clerk. Nang lumabas kami wala na kaming nakitang mga kaklase namin. Nang aking tinignan ang aking cellphone nagtxt  sila. Sabi nauna na daw sila para maiayos na ang venue. Maiwan daw kami para isasabay na namin ang ibang naiwan pa. naghintay kami ng 1 oras at may mga kasama na kami. Nagpunta na kami sa Hospicio at nakita namin sila doon. Hinihintay na lang daw na sumapit ang 2pm upang magsimula na kami.

Gintong Araw, Ang Paghahanda.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon