Nasa loob na kami. Excited na kong makita sila. Nakaupo ako banda sa gilid na may tinatamaan ng hangin ng electric fan habang nakikinig ng music sa ipod. Nariring ko ng paunti-unti ang mga nagsasalita kong mga kaklase. Ang sinasabi nila ay “ang cute naman nila”. Hindi ako nagdalawang isip naioff ang ipod at ilagay ang cellphone sa akiing bulsa sabay takbo sa pintuan sa kaliwa. Puro lalaki ang nandodoon. Mga batang 3-10 year of age. May napansin akong isang bata na napakapasaway. Nakagreen na sando at short. Maputi, maliit, medyo kalbo at pala-ngiting bata. Nakaupo na ang lahat ng bata sa kani-kanilang pwesto. Nung nasa gilid na ako, nakita ko yung isang babae na umiiyak kasi gusto daw nya yung lobo na kulay pink pero naiinggit ang iba kung ibibigay namin sa kanya ang lobong iyon. Umiyak sya kaya gumawa ng ganung kaparehas na design ang isa kong kaklase.
Sinabihan na kaming mamili ng aming aalagaan sa araw na iyon. Wala akong mapili. Tumingin ako sa paligid nang aking muling napansin ang nakagreen na lalaki. Ang pangalan nya ay Michael. May palaro ng nagaganap sa mga oras na iyon. niyaya ko syang sumali doon ngunit mailap sya sa akin at sa iba pa. parehas sila ng ugali ng pamangkin kokya medyo natuwa ako at naging mas interesadong kilalain sya. Pinasali ko sya sa laro pero umayaw din sya dahil nga hindi pa rin nya ko kilala at sa tingin ko away nya ng may kakausap sa kanya.
Nagkaroon ako ng pagkakataon na kausapin sya ng umupo sya sa unahan, pangalawang row, at akin syang tinabihan kasama ko noon si Raymart. Nagbibiru-biruan kaming tatlo hanggang sa nakuha na namin ang loob niya. Kumuha kami ng lobo at pinasulat ko sa kanya ang name nya roon. Sinulat ko din pati ni raymart ang name namin sa lobo at pinirmahan. Ganun din ang ginawa ni yroll.
Nagkulang ng lollipop na pinamimigay kaya kami ni raymart ang naatasang bumili noon sa labas. Habang wala kami, ayaw makipag-usap ni Michael kahit kanino. Ayaw magpahawak at ayaw magpalambing. Ang tanging sinasabi nya ay “nasaan si Kuya Val, hihintayin ko sya.”
Natuwa ako noon nung may nagsabi sa akin ng ganoong pangyayari. Hindi ko lubos maisip na ang batang pasaway na aking nakilala ay may lambing din pa lang tinatago. Oras na ng kainan. Pinakain ko sya at naubos nya ito.Pero bago sya kumain ay nagdasal muna sya.
Tinanong ko sya kung bakit sya nagdadasal. Sinagot nya sa akin kasi daw nagpapasalamat sya sa pagkain ngayong araw. Tinanong ko ulit sya matapos nyang sagutin yung una kong tanong. “kelan ka ba nagdadasal?” sinagot nya sa akin ay tuwing gabi daw nagdadasal din daw sya. Nagdadasal daw sya para kausapin nya si God na laging magpapasalamat at humihiling na sana kunin na sila ng kanilang mga nanay at tatay kapag ginagawa nila ito.
Napakasaya ko noong araw ding iyon dahil swerte pa sila na may natutuluyan sila, may nagshe-share ng words of God, may mahihigaang malambot na kama, at may mga pagkaing masusustansya.
Nang nakapaglaro na si Michael, may isang babaeng bata naman akong inalagaan kasi napagod ata si ate Mei sa kakabuhat kay annie. Ako muna ang nag-alaga sa kanya. Binuhat ko sya at kung saan-saan kami nakarating dahil sa kahilingan nya na magpupunta kami doon.,dito at kung san pa man. Napakakulit ng batang iyon grabe. Kaya napasuko nya ko. Hinayaan ko na lang syang maglaro sa paligid.
Nang tinawag na ang lahat nagulat ako na ang dalawang bata na iyon ay kumandong sa akin. Nalungkot ako noon kasi oras na iyon ng aming pag-alis. Pinaakyat ako ni Michael sa kanilang kwarto para daw makita ko ang kanilang tinutulugan.
Pasalamat talaga ako kay God at dito sya napunta sa lugar na ito dahil kung hindi, maaaring isa na rin sya sa mga bata sa kalyeng natutulog sa karton imbes na sa malambot na kama na ngayong kanilang nararanassan.
Bago kami umalis ay hinandugan nila kami ng pasasalamat na awitin. Naluha ako nang aking masilayan ang dalawa kong inalagaan na kumakanta na may ngiti sa kanilang mukha at pasasalamat.
Salamat talaga at maswerte pa kaming may tinitoirahang bahay na may apat na sulok, amy bubong na silungan kapag mainit o malamig. May kama na hihigaan. At amy mga magulang na nag-aaruga sa atin kahit na gaano pa tayo kapasaway sa kanila. Minamahal tayo ng ating mga magulang kaya’t habang maaga, sabihin na natin sa kanila na mahal na mahal natin sila at di natin kaynag mabuhay kapag wala sila. Ako aamininn ko di ko kayang mawala sila sa tabi ko. Kayo ba?