5

2K 36 0
                                    

5

NAGING BUSY sila at nung pauwi na sila, lumapit sakanila si Dra. Abellera. Ang may ari ng hospital na pinagtatrabahuan nilang dalawa.

"Good afternoon po Dra. Abellera." Sabay na bati ng dalawa.

"How may we help you po?" Magalang na tanong ni Vienne sa Doctora.

"Good afternoon too. May proposal lang ako sainyong dalawa since you two are very good doctors. Come let's discuss it in my office." Ngumiti si Doctora at nauna nang maglakad.

Naguguluhan man, sumunod nalang rin ang dalawa.

Nang makaupo, sinimulan na ng doctora.

"As I was saying, may proposal ako. If gusto niyo, we'll send you sa Dubai. Naaalala niyo ba yung kaisa isahang branch doon? Yes, doon kayo magtatrabaho. Kayo ang pinakamagaling dito na doctors sa Hospital Dr. Condez and Dra. Kia and we'll send you there para maging mas magaling pa kayo. You'll attend seminars, mag s-schooling kayo, and others at kung makakapasa kayo, dun na kayo mag tatrabaho sa loob ng tatlong taon dahil gusto nila na dumami pa ang magagaling na doctors dun. You will get so much benefit. At kung makakapasa kayo, kung ilan ang sweldo niyo dito, triple nun ang makukuha niyo pag dun na kayo. Kami na ang bahala sa condo niyo at sa pamasahe niyo papunta at pauwi. At ngayon palang sasabihin ko na na hindi sabay ang schedule niyo sa pagtatrabaho. So, ano?" Nakangiting litanya ng doktora.

Napaisip naman ang dalawa.

"A-ahmm, that is a big help but ahm, doctora, pwede po bang pag isipan muna namin?" Nahihiyang tanong ni Vienne. Tumango naman si Druu.

"Oh sure Dra. Kia. I'll send to you your contract nalang. Sabihan niyo lang ako kung ayaw niyo. If gusto niyo naman, simply sign the contract and give it to me."



SHE SIGHED. Nakakailang hingang malalim na sya at pabalik balik ng lakad. Ganun rin ang ginagawa ni Druu.

"Ano na Druu?" "Ano na Dawn?" Sabay nilang tanong kaya napatawa sila.

Umupo si Druu sa sofa at tumabi naman sakanya si Vienne.

Humingang malalim si Druu. "Okay nakapag isip isip na'ko. Papayag ako kung papayag ka. Nakadepende sayo" ngumiti ng malawak si Druu.

Napaisip si Vienne.

"Eh kasi Druu iniisip ko ang baby ko eh. Baka di ko na sya mapagtuonan ng pansin dahil sure ako na magiging busy ako dun." Tumingin sya sa kaibigan.

"Ah may idea naako! Eh diba di naman sabay ang schedule natin? Edi ako magbabantay pag wala ka, tas ikaw naman pag sched ko na." Suggestion ni Druu. Napatango naman si Vienne.

"Pag iisipan ko." She smiled.

"Great! Oh sige na matulog na tayo. Goodnight!" He kissed her cheek at tumungo sa kani-kanilang kwarto.

Umupo sa kama si Vienne at nag isip. Hindi lang naman ang anak nya ang pinoproblema nya. Si Kervie rin.

Wala syang balita sa dating kasintahan pero sure syang naghihirap na ito dahil sa lugi at dahil lubog sa utang.

Nagtagumpay sya sa plano nyang paghiganti. She succeeded. Her plan works very well. At kontento na sya sa nangyari. Pero di lang sila ang naghirap nang dahil sa paghihiganti nya. Pati rin ang sarili nya. Iniwan sya ng mahal nya na ama ng anak nya. Pinagpalit sya. Naiiyak sya tuwing naiisip ang nangyari't naninikip ang dibdib. Sana mapatawad sya ng dating kasintahan dahil walang araw na di sya nagsisi nang dahil sa ginawa. Na sana tinanggap nya nalang na wala na talaga ang ina nya at sana di nya nalang ginawa ang paghihiganti laban sa mga ito. Di sana nangyari ang gulong to.

Time To Payback (PUBLISHED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon