AJNT

408 12 11
                                    

[Ang joke naging totohanan]

All rights reserved 2014

Hi Ms.yhin2. This chapter is dedicated for you na walang sawang nagbasa ng aking storyang purong kalokohan. Hahaha. Chakaness lang! :) Thankyou po! More Power to you and to all readers/silent readers! Mwua! :*

------------------------------------

Nabigla ako kay Annacent ng tinapik niya ako sa likod ko "Hoy! Anung nangyari sayo Can! Bat ka tulala jan!"

Kinurot ko naman siya sa tagiliran niya "IKAW TALAGA ANNA!! GINULAT MOKOOOO!" Pasigaw ko sa kanya

"OUCHEEEEEEY! Can Dy naman eh! Ang sakit kaya nun" sabay himas himas niya sa tagiliran niya

Napatawa naman ako "Hahahaha! Sorry. Hahaha. Nakakatawa ka talaga tuwing nasasaktan"

Napa-pout naman siya "So. Ako na pala clown mo ngayon?"

"Hoy! hoy! Hindi noh! Hindi ka talaga mabiro" paglalambing ko kay Annacent

"Baliw! May chismis ako sayo! Hihihi" excited na excited niyang sabi sa akin

Hindi na ako nabigla sa kanya. Siya naman talaga kasi yung naghahatid ng balita saakin eh. Lalo na yang mga love story churvaek ng mga students dito sa school.

"Oh! Ano yung i-chichismis mo? Dali." niyuyogyog ko siya niyan

"Easy-easy Can! Tungkol eto kay Rebecca at yung ka klase nating seatmate niya. Hehehe"

Magandang balita nga talaga eto "Ano? Pasuspense ka naman eh! Tsk."

Natawa naman siya "Eto na nga eh. May kumakalat na balita si Rebbeca d--"

Ininterupt ko siya "Puro ka naman kumakalat na balita bla.bla.bla. Straight to the point nga!"

Napataas naman siya ng kilay "Hindi makahintay te? Atat lang dahil si Rebecca yung chinichismis. Hahaha. Yun nga si Rebecca pinahiya nung guy! Hahaha. Nakakatawa talaga, Can! Kung andun ka lang. Nako! Hahaha"

"Oh! Bat naman daw siya pinahiya nung kaklase nating alien? Tsaka andun ka pala nung pinahiya siya?" (Alien kasi minsan lang nakikipag-usap sa amin pagmay tinatanong lang siya)

Napakamot naman siya ng ulo "Wow te! Maka-alien naman! Tao yun tao kaso hindi lag palakausap. Eeh. Wala naman ako doon eh." at nakangiti pa siya

Binatukan ko naman "Gaga ka talaga Anna! Eh wala ka naman pala doon kung makapagsabi ka naman mukhang andun ka talaga. Pssh. Pero sayang yung scene na yun ha! Sana andun ako. HAHAHA! *Evil laugh*"

"Can talaga! Lagi mo nalang ako sinasaktan *sabay hawak sa dibdib niya* Nakakasakit kana talaga" nag-aacting pa ang loka

"Sorry pooooooooooooooooooo!" Ginaya ko yan si Chichay ha!

Bigla naman siya napatawa "Hahahaha! Can! Bagay ka pala maging Chichay."

Hindi na ako nakipagtalo sa kanya "So. Bat nga daw pinahiya ng guy si Becca Haliparot? Hahaha"

"Baliw ka talaga, Can! Kasi nga daw pinakalat ni Rebecca Haliparot na boyfriend niya daw yung guy then nagalit yung guy kasi daw bat niya pinapakalat na hindi naman daw yun totoo sabi pa raw nung guy NGSB daw siya eh! Hahaha. Nakakaawa talaga si Haliparot. Ay este si Becca pala. Tignan mo tiloy na gaya na kita sa pagtawag sa kanyang haliparot."

Napatawa naman ako "Buti nga sa kanya! Nababagay naman kasi sa kanya ang haliparot na term noh!"

"Osiya. Kaya nga naman! Hahaha" sabi naman ni Anna at biglang napalingon doon sa upuan nila Rebecca

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang joke naging totohanan (oneshot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon