knowing her

76 0 0
                                    

MAXPEIN'S POV

Ako nga pala si Maria Carmela Casas, 16 years old. Nag aaral ako sa isang harvard university.

define me? Snob, Masungit, Loner, Bipolar at higit sa lahat ni kailanman hindi ako naniwala sa

LOVE, COMMITMENT, at FOREVER. Hindi naman totoo yung mga yun eh.

WANNA KNOW MY LIFE?

well, lumaki lang naman ako ng walang mommy at daddy, pero ay nag aalaga sakin, at yun si Daddy Allan. Daddy tawag ko sakanya kasi siya na ang kinalakihan kong daddy, may asawa siya, at siya naman si Mommy Angie may 2 akong kapatid, si Gian at Maris. di ko sila totally kapatid kasi pinsan ko sila pero ang feeling ko kapatid ko talaga sila, si Daddy Allan , TITO ko lang siya sa side ng father ko. Nakakausap ko naman ang tunay kong daddy sa skype, nasa america siya nakatira at dun siya nagtatrabaho bilang nurse. Mommy ko? Tsk. Ewan ko. Wala akong paki alam sakanya at hindi ko na siguro masisikmurang makita pa ulit siya, Kinasusuklaman ko na yun, hindi ko nga alam kung bakit naging nanay ko pa siya. Gusto niyo malaman kung bakit?

*FLASHBACK

3 years old palang ako, may alam na ko sa mundo no, tinuro na sakin lahat ng mga uncle ko at auntie ko ang tungkol sa reality life, sa mga sinasamahan ko araw araw.

"Maxpein tara mall tayo! Mag i-ice skating tayo." - mommy

"Opo mom wait lang po mag ja-jacket lang po ako" - me

AFTER A MINUTE tapos na ko mag ayos, sumakay na kami ni mommy sa car.

ang saya saya ko kasi pupunta nanaman kami sa SM ni mommy, makakapag bonding nanaman kami, sayang wala si daddy dito para one big happy family kami. Since baby pa kasi ako di ko pa nakikita si daddy, sabi naman sakin ni mommy nasa america daw si daddy nag wowork siya dun para pag nag school na ko. naiintindihan ko naman yun kahit 3 years old palang ako.

"mommy, kailan po ba uuwi si daddy? miss na miss ko na po kasi si daddy eh. sayang di po natin siya kasama ngayon no? di tuloy tayo one big happy family. " - me

"sweetheart, alam mo naman kung bakit di pa nauwi daddy mo di ba? intindihin mo nalang baby ha?" and then nginitian ako ni mommy ng pagkatamis tamis.

after a long drive, nandito na kami sa SM. WOW. ang laki laki talaga ng SM. *____* ang laki ng smile ko, kasi makikita ko nanaman yung mga nag i-ice skating, marunong ako mag ice skating eh, pero hinahawakan ako ni mommy.

"sweetie, mag iingat ka ha? wag kang aalis jan sa gilid. papahinga lang si mommy dun oh" -mommy sabay turo niya dun sa may chair malapit sa labasan ng mga nag i-ice skating.

Nang mapagod na ko sa pag i-ice skating nag punta kami ni mommy sa department store at nag iikot si mommy, may binili siya naka box pero di ko alam kung ano, tapos umupo kami ni mommy sa may gilid, inabot niya sakin yung box....

"baby oh!" - mommy

"mommy what's this?" - me

"just open it baby" - mommy

Nang buksan ko yung box, nagulat ako kasi yung favorite kong shoes yung binili ni mommy! yung shoes na may gulong sa ilalim! WOW. i so love my mom so much. nung na isuot ko na i hugged my mom so tight and the kissed her a lot on her cheeks.

"thankyou so much for this mommy! iloveyou so much!" - me

"iloveyou more baby" - mommy

Naglalakad na kami ni mommy papunta ng MCDO, ang heaven place ko! yeeeeey! favorite ko dito eh. Nag order na kami ni mommy, weird pero di niya ko sinasama pag nag oorder siya eh, madalas pinaghahanap na niya ko ng table, pero ok lang. atleast nasa tabi ko si mommy ngayon.

"baby ano gusto mong i eat? piliin mo lahat ng gusto mo ah?" - mommy

I just smiled at mommy then i picked all my favorite food sa mcdo, weird talaga, kasi madalas lang namin ni oorder ni mommy sa ganito fries at pineapple juice alam ni mommy na ayaw ko ng ibang drinks. pero ok lang atleast mabubusog ako. haha!

after namin mag order parang may hinahanap si mommy, andami namang vacant na seats pero parang may hinahanap siya, well i don't care, kasi takam na takam na ko sa mga foods ko. Nung nahanap na siguro ni mommy yung hinahanap niyang seat naglakad ka kami papunta dun, may guy na matangkad na naka seat dun, pero bakit kami papunta dun?

"mom, bakit jan tayo mag se - seat eh taken na po yung table? kilala mo po ba siya?" - me

"Ah, oo baby." matipid na sagot sakin ni mommy.

I just nodded and sat beside my mom, kain lang ako ng kain pero si mommy nakatitig lang sakin while she's talking to the guy we shared table with. kinakabahan na ko kasi ang weird ni mommy pero wala lang siguro to.

"baby, papakilala kita sakanya ha? be nice ok?" bulong sakin ni mommy

"ok mom" - me

" Baby siya si Tito Allan mo, Allan siya si MELA" mommy smiled on both of us. tito? so uncle ko siya. wow.

then after namin kumain, nag stay muna kami sa MCDO nag uusap pa kasi sila eh, then biglang humarap sakin si mommy. i can't read any emotions on her face. in short naka poker face ang mommy ko, well ano nanamang drama niya? haha! sana may surprise ulit siya sakin.

" Mela....."

ano daw? tama ba pagkakarinig ko? MELA tawag niya sakin? MELA hindi MAXPEIN di ba? bakit? di naman niya ko tinatawag na MELA eh. NEVER.

" Mela, ano aalis lang si mommy ha? iiwan muna kita kay tito allan mo. alam mo naman na kamamatay lang ni mama di ba? kailangan pa ni mommy asikasuhin yung papers and adult things ni mama eh. babalikan ka ni mommy PROMISE."

mom said with a very teary eye. while me? i'm speechless. walang nag sisink in sa utak ko. sa lahat ng sinabi ni mommy wala akong naintindihan.

" Pero mommy? bakit? pwede mo naman ako isama pag nag aayos ka ng papers ni mama eh, di naman ako magkukulit dun mommy. mommy pwede mo naman ako iwanan kay nila tita maricar o kaya kay tito mark, aalagaan rin naman nila ako eh, mommy pwede mo naman ako iwan nalang sa bahay, promise di na ko iiyak pag aalis ka, di na ko magwawala pag aalis ka, mommy,....."

" MELA, hindi pwede eh. bye na mela. iloveyou so much. tandaan mo yan ha? babalikan kita I PROMISE."

Then mom walked away. ako, nag wawala na ko dito. di ko na makita si mommy. si tito allan pinapatahan ako, pero wala akong naririnig. wala akong nararamdaman ngayon kundi SAKIT. Ayaw tumigil ng luha ko sa pagpatak, nasan na ang mommy ko?!!

ALLAN'S POV

Nakatulog na si mela, pero may binanggit siya kanina bago siya mahimatay.

" MOMMY, ILOVEYOU SO MUCH. PLEASE COME BACK. DON'T LEAVE ME MOM. DON'T YOU LOVE ME ANYMORE?"

tapos bigla nalang siyang hinimatay, iniwan ni maricris yung jacket niya kay mela. grabe nakakaawa si mela.

MAXPEIN'S POV

Nasan ako? ay oo nga pala. iniwan na ko ng mommy ko. pero alam ko babalik siya. babalikan niya ko. nag promise siya. Yun nalang ang kakapitan ko sa ngayon. YUNG PROMISE ni mommy sakin. Pero kahit anong gawin ko di ko maalis yung sakin na nandito sakin, pati pagpatak ng luha ko ayaw tumigil. haaays.

*END OF FLASHBACK

A/N

Bakit kaya galit na galit si Mela/Maxpein sa mommy niya?

vote,comment and share. <3 thankyou. :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IN TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon