Tips Kapag Meron Kang Writer's Block

276 22 8
                                    

#1: Take some time to think.

Hindi naman isang segundo lang meron ka na kaagad maiisip. Magmuni-muni ka muna at basa-basahin 'yung mga past chapters mo para magkaroon ka ng idea sa iyong next chapter.

#2: 'Wag pilitin.

Kung wala ka talagang maisip na matino for your update, why pilit yourself diba? Sasayangin mo lang ang oras at pagod mo, kasi hindi mo rin naman masa-satisfy ang sarili mo in the end. I'm telling you.

#3: Rest.

Matulog ng mabuti, at malay niyo mapaniginipan niyo ang update niyo! Hahaha.

#4: Inspire yourself.

Magbasa ng libro, manood ng movies and dramas. 'Yan ang solusyon, kasi diyan ka makakakuha ng inspirasyon. Kadalasan ng dahilan ng mga writer's block ay dahil sa nawalan na sila ng stock ng mga scenes and drama sa utak. So parang battery lang din ang mga thoughts natin, nauubos. Tapos magrerecharge. Tapos mauubos. And the cycle goes on...

#5: Do other things.

Maglinis ng bahay, tulungan si nanay sa pagluluto, maghugas ng plato, pakainin ang aso, maglaba o magwalis. Pero syempre, mag-iisip ka habang ginagawa mo 'yan. Isipin mo ng mabuti ang mga gusto mong scenes sa iyong next update. Gusto mo bang magwalis ang bida? Manampal ang bida? O diba? Nakaisip ka na, nakatulong ka pa sa bahay niyo!

_________

Dahil may writer's block ako kaya ko ginawa ito. Lovelovelove! XD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tips Kapag Meron Kang Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon