Yurika's POV

31 4 2
                                    

CRUSH
Madaling titigan pero mahirap lapitan.


Gasgas na pero proven na totoo...

Katulad ngayon nasa loob ako ng classroom at habang hinihintay ko na dumating ang subject teacher namin ay sinasamantala ko na ang pagkakataon na matitigan siya at mag day dreaming.


Tatlong upuan ang pagitan naming dalawa nasa unahan siya ako naman nasa likod busy siya sa pagsusulat.

'Hayss bakit ba ang gwapo mo Kairu?
Hindi ko tuloy maiwasan na huwag mapangiti ng malawak.'




"Yurika STANAAAAAAAAAAAAP!!!"

Nagulat ako sa malakas na sigaw ni Ma'am Jena!

Nandyan na pala s'ya? Bakit ang bilis-bilis naman??

Mula sa kinauupuan ko ay rinig na rinig ko ang mga tawanan ng mga kaklase ko.

'Tss huwag kayong tumawa dyan dahil walang nakakatuwa. Ngayon pa lang ako nasigawan ng teacher!

"M-ma'am..." Napapahiyang sabi ko habang tumatayo. Nasa akin ang atensyon ng lahat.

Pati si crush nakatingin!
THIS CAN'T BE!!

"In love ka ba?"

"H-ho?" Nagtatakang tanong ko kay ma'am. Pero mas nagtaka ako nang bigla siyang tumawa!

"Ang sabi ko in love ka ba Kay Mr. Mendez?"

Hindi ako nakapagsalita.

"Ang sabi ko in love ka ba Kay Mr. Mendez?"

"Ang sabi ko in love ka ba Kay Mr. Mendez?"

"Ang sabi ko in love ka ba Kay Mr. Mendez?"

"Ang sabi ko in love ka ba Kay Mr. Mendez?"

Ilang beses nagpaulit-ulit sa isip ko. Yung detetsahang sabi na iyon ni Ma'am. Parang bumagal ang pag-ikot ng mundo ko at ang malakas na pintig ng puso ko lang ang naririnig ko.

'Mendez yung apelyido niya'

Muling bumalik ako sa aking ulirat ng magsalita pa ulit si Ma'am ngunit napatigil ito kaya tumingin ako sa tinitignan niya.

'Si Kairu'

"Yes Mr. Mendez?"Pormal na tanong ni Ma'am sa kanya.

"Ma'am may I go out..."

'Kinabahan ako? Nainis ba s'ya??'

Nakakahiya... Hiyang-hiya na ako sa kanya. Kung pwede lang maglaho ako ngayon ginawa ko na!

"With Yurika?"

Yung singkit kong mga mata ay biglang bumilog. Napatingin ako sa kanya at nagtama ang  mga paningin namin. Matapos n'yang sabihin iyon.

Halo-halo na ang nararamdan ko ngayon pero mas nangingibabaw yung sobrang kaba.

Tinanguan s'ya ni Ma'am kaya umalis na siya.

"Naku lagot na!"

"Ang taong mabait iba kung magalit."

"Anong mabait pinagsasabi mo dyan Brian? Tahimik 'yon bopols!"

"Araaay! Grabe ka naman Christine originality tawag doon."

"Ah ganun ba sorry na agad."

"Kiss muna." Sabi in Brian na nakanguso na.

"Ayoko nga!"

"Hahahahahahahahahaha."

Tawanan ng mga kaklase ko sa kanila Tin at Brian mga Best friend ko.

"Goodluck Yuri!"

Inis kong tinignan silang dalawa lalo tuloy akong kinabahan! Aalis na nga lang may pahabol pa tsk tsk.

Sinundan ko na agad si Crush sa labas. Nagsimula na namang bumilis yung tibok ng puso ko.

Maya-maya pa ay huminto at tumingin siya sa'kin nang seryoso.

'Huwag naman sana siyang magalit sa akin'

"S-sorry..."Nahihiyang sabi ko sa kanya. Nang hindi nakatingin.

'Badtrip huhuhuhu'

"Kailan pa nagumpisa 'yan? Kailan ka pa na in love sa akin huh?"

'E-eh?!'

"H-hoy! A-a-anong in love pinasasabi mo d-dyan? H-ha! H-h-hindi ki--"

*tsup

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko matapos nya akong halikan...

sa noo!

Gulat akong napatitig sa mukha niya na nakangiti na ngayon.

"Sa susunod 'wag ka nang magsisinungaling halata ka masyado." Ngingisi-ngising sabi nya sa 'kin at inilapit niya yung mukha niya sa tenga ko.

'Hmm ang bango niya.'

"Dahil kapag inulit mo pa iyon sa labi mo na tatama ang labi ko." Dagdag niya  pa. At naglakad na pabalik ng room.

Iniwan niya akong tulala at hindi makapaniwala.

'Teka...
Ibig bang sabihin??'

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
A/N: Thank you guys for reading
          LOVELOTS❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ibig Bang Sabihin?? [one-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon